Skip to main content

7 Karaniwang Ginagawa Mo Na Nakakapinsala Sa Kalusugan Ng Iyong Puso



Ang pagkakaroon ng problema sa puso ay karaniwang maiuugnay sa paraan ng ating pamumuhay. Hindi mo masasabing bata ka pa para pangalagaan ang iyong sarili dahil kahit ano mang edad ay maaaring tamaan ka ng karaniwan o di kaya ay isang malubhang karamdaman.

Kaya naman kahit bata pa lamang ay nararapat na maging responsable na sa pag-alaga sa inyong sarili lalo na sa inyong kalusugan. Narito ang mga madalas na nagagawa sa inyong sarili na hindi mo namamalayan na nakakaapekto pala sa kalusugan ng inyong puso. Alamin ang mga ito.

1. Kawalan ng pagpapahalaga sa sarili


Marami sa atin na ang kanilang rason ay bata pa lamang sila para pangalagaan ang kanilang puso. At ang akala nila ay matatanda lamang ang tinatamaan ng karamdaman sa puso. Dahil tulad ng kanilang edad, tumatanda na rin ang kanilang puso at sumusunod lamang ito. 

Ngunit ang mentalidad na nakatatak na ito sa inyong isipan ay dapat ng baguhin dahil ang pangangalaga sa kalusugan ng puso ay walang pinipiling edad kaya naman bilang pag-alaga kumain ng masustansiyang pagkain, iwasan ang bisyo na makaapekto sa kalusugan at mag-ehersisyo araw-araw.

2. Hindi nagpapakonsulta sa doktor


Nakaugalian na ng karamihan na pumupunta lamang sila sa kanilang mga doktor kung mayroon silang kakaibang nararamdaman o di kaya ay kapag malubha na ang kanilang sak!t. Kaya naman simulan na nating itatak sa ating isipan na walang masama kung paminsan-minsan alamin mo ang kalagayan ng iyong kalusugan upang mas mapangalagaan ang kalusugan at maihanda ang sarili sa panganib. Sabi nga sa kasabihan "Prevention is better than cure".

3. Sobrang stress


May malaking negatibong hatid sa kalusugan ng kaisipan ang sobrang stress. Bukod pa rito ay maaaring maapektuhan ang paggana ng ating puso. Gayundin ang ating kabuuang kalusugan, dahil minsan ang mga taong nakakaranas ng sobra sobrang stress ay mali ang kanilang pamamaraan sa pag-pawi ng kanilang isipin tulad ng pag-inom ng al@k, paninigar!lyo at pagkain ng sobra. 



At kung patuloy ang gawaing ito ay hindi nakabubuti sa kondisyon ng ating puso. Kaya ang mainam na gawin ay maging masiyahin at i-relax ang sarili upang malayo sa stress.

4. Madalas na kulang sa tulog


Ang kakulangan sa tulog ay nagdudulot ng kawalan ng kalakasan at pokus sa pag-iisip. Ayon rin sa mga pag-aaral, nakakataas ng tiyansa sa isang tao na magkaroon ng problema sa puso. Bukod pa rito ay maaaring tumaas rin ang pressure sa inyong dugo at komplikasyon sa diabetes. Upang maiwasan ang panganib sa mga karamdaman kailangan ng ating katawan ang sapat na pahinga at pagtulog ng walong oras araw-araw.

5. Mahabang oras ng pagkakaupo

Sa pagkakaupo maghapon sa iyong trabaho ay nakakagambala ito sa maayos na sirkulasyon ng dugo. Upang maiwasan ang problema, ugaliing magbreak kada 30 minuto sa pagkakaupo. Maaaring mag-unat unat, maglakad-lakad, tumayo, o kumuha ng tubig.

Hindi lamang ang puso ang magbe-benefit dito kundi maging ang lebel ng iyong dugo at iyong buong katawan.

6. Hindi paggamit ng floss


Posibleng maapektuhan ang ating puso sa kawalan ng kalinisan sa ating bibig dahil maraming germs at bakterya ang maaaring kumapit rito kapag hindi nalilinisan. Dahil ayon sa mga pag-aaral, kapag ang bacterial inf3ction na ito ay namayani sa ating gilagid at ngipin tumataas ang tiyansa ng impeksyon sa daluyan ng ating dugo papunta sa ating puso. Kaya tiyakin na nagsesepilyo ka at gumagamit ng floss araw-araw para malinisan ang iyong bibig.

7. Pagkain ng sobra at pagpapalipas ng gutom


Ang dalawang ugaling nakasanayan na ito ay naghahatid ng kapahamakan sa ating puso. Dahil ang labis na pagkonsumo ng pagkain ay nagkakapagpapataas ng calories sa ating katawan at nakakapagpadagdag ng timbang.

Ang hindi naman pagkain sa tamang oras o pagpapalipas ng gutom ay nakakapagpawala ng enerhiya at nakakapagpabagal sa metabolismo. 

Comments

Popular posts from this blog

7 Benepisyo Ng Pagkain Ng Langka Sa Ating Katawan!

Ang langka   ay isang prutas na kilalang-kilala sa Pilipinas dahil sa lasa at kakaibang amoy nito at karaniwang iniluluto na minatamis o ginataan. Ang prutas na ito ay mayaman s bitamina, mineral, at anti-oxidants na maganda para sa ating katawan.  Marami sa atin ang madalas magluto ng langka dahil sa matamis at masarap nitong lasa. Alam niyo ba na hindi lang ito masarap, ito rin ay isang halamang gamot na panlaban sa iba't ibang karamdaman at nakakapagbigay ng maraming health benefits. Narito ang mga importanteng benepisyo ng pagkain ng langka! 1. Nagbibigay proteksyon sa colon Dahil sa taglay nito anti-oxidant properties, kaya nitong bigyan ng proteksyon ang colon o bituka. Ito rin ay punong-puno ng fibers na kaya linisin ang iyong bituka upang ikaw ay makadumi ng maayos.  2. Proteksyon sa mata Ang langka ay mayroong bitamina A na isang nutrient na kailangan ng ating mata. Nakakatulong din itong iimprove ang iyong paningin ...

Tips Para Tanggalin Ang Pumasok Na Langgam/Insekto Sa Loob Ng Tenga

Naranasan niyo na bang mapasukan ng insekto o ng langgam sa tenga? Napakasakit talaga nito at hindi ka mapapakali. Bukod sa nakakarinig ka ng parang may naglalakad o pumuputok na tunog sa loob ng inyong tenga. Minsan ay maaari ka pang makagat sa loob o mawalan ng pandinig. Kaya narito ang mga tips kung paano tanggalin ang nakakairitang langgam o insekto na pumasok sa iyong tenga: 1. I-wiggle o galaw galawin ang tenga Subukang galaw-galawin o i-wiggle ang apektadong tenga. Sa paraang ito, maaaring mahulog ang insekto papalabas. 2. Patakan ng langis o baby oil Ang langis ay makakapagpigil sa paggalaw ng insekto o langgam papaloob sa tenga. 3. Patakan ng kaunting tubig Gamit ang dropper o bulb syringe, patakan ng kaunting tubig ang loob ng tenga upang malunod ang insekto. Galawin ang ulo at tenga para lumabas ang tubig. 4. Pahiran ng butil ng asukal ang labas ng tenga Ang matamis na amoy ng asukal ay pang-aakit sa langgam upang lumabas. 5. I-...

7 Nakakamanghang Benepisyo Ng Paglalagay Ng Yelo o Ice Cube Sa Mukha Para Pampaganda

Dala ng mainit na panahon at matinding sikat ng araw, hindi maikakaila na ang ating balat ay nagsisimulang maging mukhang stressed at dull. Dahil dito, ang pagpahid ng ice cube o yelo sa mukha ay nakaka-refresh sa pakiramdam.  Kapag araw-araw ay nakakaranas ng stress ang iyong mukha at balat, ang ice facial ay makakatulong sa iyo upang maibalik ang dating glow ng mukha. Narito at alamin ang benepisyong hatid nito kaya naman nagiging beauty trend ito. 1. Nakakapagpaliit ng pores Kapag mainit ang panahon, ang ating mga pores sa mukha ay naka-open. At kung palaging ganito ang sitwasyon, mas maraming dumi ang kumakapit sa ating mukha at maaaring siyang maging dahilan kung bakit tinutubuan ng tigyawat. Ang pagpahid ng ice cube sa iyong mukha matapos itong hugasan ay nakakatulong upang mapaliit ang iyong mga pores at maiwasan ang pag-accumulate ng dumi. 2. Ibinabalik ang glowing skin Lahat naman ay ninanais na magkaroon ng makinis at glowing skin. At an...