Popular ang prutas ng papaya dahil sa kaniyang benepisyal na hatid para sa ating kalusugan. Madali lang din itong makita sa mga pamilihan o di kaya karaniwan na nakatanim sa mga bakuran. Ginagamit rin ito na sangkap sa pagluluto, produktong pampaganda, bilang gam0t o di kaya naman ay panlaban sa mga karamdaman.
Maaari rin itong kainin ng hilaw at gawing inumin. Ngayon tuklasin natin ang mabuting dulot nito sa ating katawan sa pagkonsumo ng prutas na ito ng isang beses sa isang linggo.
1. Pinapalakas ang immune system
Sa nilalaman na bitamina A, C at E ng papaya ay may magandang hatid ito para sa ating katawan. Dahil sa tulong ng nutrsiyon nito ay mapapanatiling malakas at matibay ang ating immune system. At ang malakas na immune system ay siyang paraan upang malabanan at maiwasan ang mga sak!t.
2. Mabawasan ang stress
Ang stress ay hindi nakabubuti sa ating katawan dahil maaaring maapektuhan ang paggana ng ating puso, pag-iisip at kabuuang kalusugan. Upang mabawasan ang stress sa ating katawan ay ugaliing kumain ng papaya isang beses sa isang linggo. Dahil ayon sa mga pag-aaral, ang nilalaman na bitamina C ng papaya ay may kakayahang ma-kontrol ang daloy ng stress hormones sa ating katawan.
3. Bumagal ang pagtanda
Karaniwang sangkap ang papaya sa mga produktong pampaganda tulad ng sabon, shampoo, cream at toner dahil ang kaniyang nilalaman na antioxidants at bitamina na nakabubuti para sa kalusugan ng ating balat. Gayundin ang pagkain nito ng isang beses sa isang linggo ay epektibong paraan upang mapabagal ang iyong pagtanda.
4. Pampababa ng kolesterol
Kung naghahanap ka ng pagkaing makatutulong sa iyo upang mapababa ang mataas na lebel ng iyong kolesterol, pasok para diyan ang papaya. Kaya naman isama na ito sa inyong diyeta. Bukod pa sa mga nilalaman na bitamina at antioxidants, ay nakatutulong rin ito para maiwasan ang pagkakaroon ng problema sa puso.
5. Makontrol ang pressure sa dugo
Mainam na kumain ng papaya lalo na sa tag-init dahil ang mainit na panahon ay pangunahing sanhi ng pagtaas ng presyon. Ngunit sa taglay na nilalaman ng papaya ay kaya nitong mapabuti ang daloy ng dugo sa ating katawan pati na ang pagkontrol sa mataas na lebel ng pressure ng dugo.
6. Alisin ang paras!tiko sa ating katawan
Ang bulate at parasitik0 ay maaaring maging sanhi ng pagkasira ng ating tiyan. Ngunit sa pamamagitan ng pagkain ng papaya kahit isang beses lamang sa loob ng isang linggo ay makakatulong ito sa maayos na paglabas ng ating dumi at maalis ang mga toxins sa katawan.
7. Bawasan ang implamasyon
Nagtataglay ng anti-inflammatory ang papaya kung saan mabisa itong panlaban o gamot sa namamagang balat, arthritis, gout, asthma at pananak!t ng kasukasuan.
Comments
Post a Comment