Skip to main content

Landlady, Imbes Na Maningil Ng Renta Ay Nagbigay Pa Ng Pera Sa Kanyang Mga Tenants


Dahil pansamantalang natigil ang mga trabaho, hirap rin ang ilang mga empleyado na makahanap ng pera para pambayad sa kanilang mga inuupahan na tahanan. 

Mayroong mga napabalita na napalayas sila sa kanilang mga inuupahan dahil hindi makabayad ng renta. Pero maswerte ka na lang din kung ang landlord/ landlady ng iyong bahay na inuupahan ay mabait at may konsiderasyon.

Katulad na lamang ng ibinahagi ng isang netizen na si Ryoko Montreal na kung saan nangungupahan lamang siya sa isang apartment na pagmamay-ari ni Nanay Preciosa na taga Meycauayan, Bulacan. Marami na ang mga napabalita na mga landlord/ landlady na nagbigay ng isang buwang renta na libre sa kanilang mga tenants.

Ngunit laking gulat na lamang ni Montreal na bukod sa hindi paningil sa kanila ng isang buwang renta ay inabutan pa sila ng kanilang mabait na landlady ng tig Php500 kada tenant. Kahit papaano ay makakatulong ito sa kanila kahit pambili lang ng pagkain lalo na ngayon na hirap ang ibang manggagawa na makahanap ng pera. 

Isipin man ng ibang tao na maliit lamang ito na bagay, ngunit ang kabaitan at konsiderasyon naman na ipinakita ni Nanay Preciosa sa kanyang mga nangungupahan ay ibig sabihin lamang na tunay siyang may malasakit sa kanyang kapwa.

Di maikakailang hinangaan ng ibang mga netizens ang ginawa ni Nanay Preciosa at hiling ng ilan na sana ganyan din ang pag-uugali ng kanilang mga inuupahan. Narito ang ilang mga komento ng mga netizens:

"Bait naman. God bless you Nanay Preciosa. Keep on spreading the virus of generosity. It is good to hear that in this time of crisis, may taong katulad nyo. Thank you."

"Wow galing naman, ang bait. Sana lahat ganyan hindi yung palalayasin pa kapag wala na pang bayad."

"One of the good things about kindness is that it promotes positive action in return."

"Yan ang pag uugali ng isang tunay na Pilipino na may malasakit at pusong Pinoy."

Sana ay marami pang taong katulad mo Nanay Preciosa!

Source: Facebook

Comments

  1. Godbless po Nanay....sana mabasa ka sa ulan(unti lng at baka ubuhin) para dumami pa tulad mo...hehe
    Ingat po....

    ReplyDelete
  2. God bless po nanay sana marami pa po kagaya nyo may malasakit sa kapwa.

    ReplyDelete
  3. Mahal na INGKONG bless you and protect you always nanay

    ReplyDelete
  4. Wow nanay godbless poh keep safe may balik poh ang kabutihan nio ..💕

    ReplyDelete
  5. Wow po nanay sala lahat ng my ari ng mga paupahan ganyan diman maka lebri maka discount man lang po... More blessing po nanay! 😍❤

    ReplyDelete
  6. Ang galing naman ni nanay , i salute you po nanay , STAY HEALTHY AND GODBLESS PO🥰😇🙏

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

7 Benepisyo Ng Pagkain Ng Langka Sa Ating Katawan!

Ang langka   ay isang prutas na kilalang-kilala sa Pilipinas dahil sa lasa at kakaibang amoy nito at karaniwang iniluluto na minatamis o ginataan. Ang prutas na ito ay mayaman s bitamina, mineral, at anti-oxidants na maganda para sa ating katawan.  Marami sa atin ang madalas magluto ng langka dahil sa matamis at masarap nitong lasa. Alam niyo ba na hindi lang ito masarap, ito rin ay isang halamang gamot na panlaban sa iba't ibang karamdaman at nakakapagbigay ng maraming health benefits. Narito ang mga importanteng benepisyo ng pagkain ng langka! 1. Nagbibigay proteksyon sa colon Dahil sa taglay nito anti-oxidant properties, kaya nitong bigyan ng proteksyon ang colon o bituka. Ito rin ay punong-puno ng fibers na kaya linisin ang iyong bituka upang ikaw ay makadumi ng maayos.  2. Proteksyon sa mata Ang langka ay mayroong bitamina A na isang nutrient na kailangan ng ating mata. Nakakatulong din itong iimprove ang iyong paningin ...

7 Nakakamanghang Benepisyo Ng Paglalagay Ng Yelo o Ice Cube Sa Mukha Para Pampaganda

Dala ng mainit na panahon at matinding sikat ng araw, hindi maikakaila na ang ating balat ay nagsisimulang maging mukhang stressed at dull. Dahil dito, ang pagpahid ng ice cube o yelo sa mukha ay nakaka-refresh sa pakiramdam.  Kapag araw-araw ay nakakaranas ng stress ang iyong mukha at balat, ang ice facial ay makakatulong sa iyo upang maibalik ang dating glow ng mukha. Narito at alamin ang benepisyong hatid nito kaya naman nagiging beauty trend ito. 1. Nakakapagpaliit ng pores Kapag mainit ang panahon, ang ating mga pores sa mukha ay naka-open. At kung palaging ganito ang sitwasyon, mas maraming dumi ang kumakapit sa ating mukha at maaaring siyang maging dahilan kung bakit tinutubuan ng tigyawat. Ang pagpahid ng ice cube sa iyong mukha matapos itong hugasan ay nakakatulong upang mapaliit ang iyong mga pores at maiwasan ang pag-accumulate ng dumi. 2. Ibinabalik ang glowing skin Lahat naman ay ninanais na magkaroon ng makinis at glowing skin. At an...

5 Amazing Health Benefits ng Langka o Jackfruit na Dapat Ninyong Patuuan ng Pansin!

Ang langka ay isang prutas na may malaking puno, hugis bilugan na pahabang malaking bunga, na may tusok-tusok na kulay berdeng balat, kulay dilaw ang laman sa loob, may mabangong amoy at masarap na lasa. Maaari itong kainin at isama sa mga ibang lutuing pagkain. Hindi lamang ito masarap na kainin nagbibigay rin ito ng magandang benepisyo sa katawan at isa rin itong halamang gamot na makatutulong sa mga karamdaman o sakit. Ito ay punong puno ng nutrisyon at benepisyong taglay para sa malusog na kalusugan. Mula sa ugat, dagta, dahon at bunga nito ay nagbibigay ng benepisyo para sa ating katawan na makatutulong sa atin. Subalit pana-panahon lamang ang prutas na langka, kaya naman hanggat mayroon nito, dapat kayong bumili at kumain nito upang makuha ang magandang benefits ng langka. Narito ang mga benepisyong maaaring makuha mula sa langka: 1. Laban sa k^nser Ang langka ay may nilalaman na kayang labanan at pigilan ang k^nser cells sa ating katawan...