Sana All Daw! Netizen, Ibinida Ang Pang-Isang Buwang Supply Ng Relief Goods Sa Kanila Sa Narra, Palawan
Natanggap niyo na ba ang mga rasyon ninyong pagkain na mula sa inyong mga baranggay dahil ngayong tayo ay naka enhanced community quarantine? Marahil marami pa rin sa ating mga kababayan ang magsasabi na hindi pa, at mayroon din namang magsasabi na nakakuha na sila ngunit hindi sapat para sa isang buwang supply.
Samantala, mapapa-sana all na lamang tayo sa isang bayan na ito sa Narra, Palawan dahil ang kanilang mayor ay patuloy ang pamamahagi ng mga relief goods sa kanyang nasasakupan. At ang nakakamangha pa rito ay talagang sasapat raw para sa isang buwan ang kanilang ipinamahaging mga supply.
Ibinida ng netizen na si AL Bert sa kanyang Facebook account ang mga natanggap nilang relief goods mula sa kanilang local government unit (LGU). Wika ng netizen na pang isang buwang konsumo na raw nila ito.
Nakatanggap kasi sila ng 30 pirasong sardinas, 30 pirasong instant noodles, 30 pirasong instant coffee, 6 pirasong sabon, at 3 sakong bigas na may 20 kilos kada sako saka hindi pa raw ito NFA.
Ngunit dagdag ng netizen na ito ay para sa tatlong pamilya na. Pinagsama sama lang daw nila ang kanilang mga nakuha kada pamilya dahil sama sama lang naman sila sa iisang bahay at iisang lutuan lang sila.
Bida pa ng netizen na sa kanilang bayan ay walang mayaman, walang mahirap, lahat ay mabibigyan ng relief goods.
Giit ng ibang mga netizens na sana sila rin sa kanilang mga bara-barangay ay makatanggap ng sapat na supply ng relief goods at hindi sana tinitipid. Lalo na sa mga kababayan natin na pansamantalang walang kabuhayan dahil natigil sa kanilang mga pagtatrabaho.
Malaking tulong rin kasi ang matatanggap na relief goods kada pamilya lalo na ngayong delikado ang lumabas-labas upang mamili sa mga pamilihan.
Narito ang ilang komento ng mga netizens tungkol dito.
"Pwedi bang makahiram ng mayor niyo? Dito kasi sa amin pili lang, di ata kumakain yung iba."
"Sana all ganyan!"
Comments
Post a Comment