Wais Tricycle Driver, Ginamit Ang Php2,000 Cash Aid Upang Magtayo Ng Bbq Stall, At Kumukita Na Ng Php1,200 Kada Araw
Kahanga-hanga talaga ang mga taong madiskarte sa buhay. Nakakatulong na sila sa kanilang pamilya, hindi pa sila pabigat sa lipunan.
Dahil sa nangyayaring enhanced community quarantine, maraming mangagawang Pinoy ang apektado. Kabilang na rito ang mga tricycle drivers na wala ng kinikita dahil bawal naman silang mamasada at arawan lang ang kanilang kita. Kaya naman bilang tulong ay nagbigay ng ayuda ang g0byerno sa mga kwalipikado.
Kabilang nalang sa mga nabigyan ay ang tricycle driver na si Samad Maulana na taga Barangay Culiat sa Quezon City. Nakatanggap siya ng cash aid na Php2,000.
Kung ang ibang taong kagaya niya na nakatanggap rin ng pera ay pinambibili na nila ito ng mga groceries at pagkain, ibahin natin itong si Maulana. Dahil nakaisip siya ng mas wais na paraan para magamit ng mabuti ang natanggap na pera at mapalago pa ito.
Kung tutuosin, ang halagang dalawang libo ay maaari lang tumagal ng isa o dalawang linggo. Pero sa kalagayan ni Maulana ay naparami pa niya ito sa pamamagitan ng pagtatayo niya ng isang maliit na barbecue stall sa labas ng kanilang bahay.
Aniya, "Kasi po magkano lang naman po ang aabutin ng P2000? Ilang araw lang po ubos na agad yan. Kaya naisip ko po na mas magandang gawing capital kaysa ubusin agad."
Ayon sa mga reports ay kumikita na siya ng P1,000 hanggang P1,200 kada araw!
Maging ang kanyang kapatid na isa ring tricycle driver ay tumutulong na rin sa kanya sa pag-operate ng kanilang maliit na tindahan.
Maraming netizens ang humanga sa diskarte ng tricycle driver at hiling na sana ang ibang mga Pinoy na panay asa lang sa tulong ng g0byerno ay magkaroon rin ng ganitong mindset. Imbes na gamitin ang ayudang pera para sa bisy0 o sa kung anu pang walang kwentang bagay, ay gamitin na lamang nila ito sa parang mas mapapakinabangan pa nila.
Ang kagaya ni Maulana ang dapat tularan, responsableng tao, responsableng mamamayan!
Comments
Post a Comment