Kilala ang luya dahil napakarami nitong benepisyo hindi lamang sa pagluluto kundi pati na rin medikal. Noong unang panahon pa ay ginagamit na ito kapag nakakaramdam na ng makating lalamunan.
Inilalaga ang hiniwang luya sa tubig upang makagawa ng salabat o ginger tea. Na siyang iniinom ng taong nais mapaganda ang kanyang boses o matanggal ang makating ubo. Samantala, bukod dito ay napakarami pa palang benepisyong maihahatid ng pag-inom ng salabat. Narito at alamin.
1. Pampalakas ng immunity
Sa dami ng mga kumakalat na sakit ngayon, marapat lang na palakasin natin ang ating immune system. Dahil mataas ang lebel ng antioxidants na taglay ng luya, maganda itong inumin upang lumakas ang immunity laban sa mga sak!t.
2. Pamprotekta sa puso at pangontrol ng presyon
Ayon sa mga research, ang pagkonsumo ng luya ay nakakatulong upang maprotektahan ang puso. Maaari itong makatulong sa pagpapababa ng presyon, pag-iwas sa atake, bl00d cl0t, kolesterol at heartburn.
3, Iniimprove ang sirkulasyon ng dug0
Nakakatulong ang mga bitamina, mineral at amino acids na taglay ng luya upang maibalik at mapaganda ang daloy ng dug0 sa katawan. Ang pag-inom ng salabat na gawa sa luya ay maaaring makatulong upang maiwasan ang pagbara ng fats sa mga ugat na pwedeng maging sanhi ng atake at str0ke.
4. Pang-iwas sa implamasyon
Ang salabat ay nagtataglay ng anti-inflammatory properties na magandang gawing remedyo kapag nakakaramdam ng mga pananak!t sa iyong muscles at joints. Bukod sa pag-inom nito, maaari ring ibabad ang iyong mga kasu-kasuan na sumasak!t sa pinagkuluan ng luya.
5. Panlunas sa pagduduwal
Makakatulong ang pag-inom ng isang tasang salabat bago magbiyahe upang maiwasan ang pagsusuka o pagduduwal na dulot ng motion sickness. Maaari rin itong inumin kapag nakaramdam ng unang senyales pa lang ng pagduduwal upang maiwasang lumala ang pakiramdam.
6. Iniimprove ang kalusugan ng tiyan
Madalas kapag napapakain ng marami ay nagiging bloated ang tiyan. Upang ma-improve ang digestion at mapataas ang absorpsyon ng pagkain, uminom ng salabat pagkatapos kumain.
Disclaimer:
Ang mga naitalang paksa, larawan, at impormasyon sa site ng PH Daily Updates ay layuning makapagbigay lamang ng impormasyon. Ang nilalaman ng artikulong ito ay hindi intensyong gawing pamalit ito sa propesyunal na medikal na payo. Mas makakabuti pa ring magpasuri sa isang propesyunal na doktor o qualified health provider.
Comments
Post a Comment