Skip to main content

Ibinahagi ni Solenn ang Pinaka-Unang Litrato ni Baby Thylane sa Publiko at Kung Bakit Pinili Nitong Hindi Ibahagi sa mga Netizens Noon



Nang ipanganank ni Solenn Heusaff ang kanilang unang anak ni Nico Bolzico, maraming netizens ang nag-abang kung ano ang itsura ng kanilang first baby. Subalit mas pinili ng aktres na huwag munang ipakita sa publiko ang kaniyang anak dahil nais nitong magkaroon ng privacy ang kaniyang anak. Kaya naman sa halos 4 months ay hindi alam ng mga netizens kung ano ang itsura ng kanilang Baby Thylane. 


Maging ang kaniyang asawa na si Nico na sa tuwing nagpopost ito sa kaniyang Instagram account ay sinisigurado niyang hindi nakikita ang mukha ni Baby Thylane. 



"People keep asking why I haven’t posted Thylane yet. Though I eventually will, I am not in a hurry and enjoying her every change. She is so precious.", sagot ni Solenn sa isang panayam.


Sa ilang mga komento ng mga netizens, may iilang mga bashers na nagsasabing hindi raw siguro maganda ang anak ng aktres kaya niya ito itinatago sa publiko. Subalit bumwelta naman si Solenn at sinabing hindi raw umiikot ang mundo sa social media at sa pagbabahagi lamang ng Instagram posts.




At kamakailan nga lamang ay napagbigyan din ang kahilingan ng mga netizens at ibinahagi na nga ng aktres ang larawan ng buong mukha ni baby Thylane. Kitang-kita ang napakagandang mata nito na hawig na hawig sa kaniyang ina. Manipis at kulay rosas din ang bibig nito, samantalang kahit sa murang edad ay mababakas na ang magandang hugis ng kaniyang mga kilay. 


"Best days at home getting to know your pure soul. Te amo Thylane...de tout mon coeur!...", caption ng aktres sa larawan nila ng anak.


Hindi niya ibinahagi si Thylane sa publiko dahil mas pinili niyang namnamin muna ang pagiging isang Ina at ng walang komento galing sa ibang tao.


Talaga namang walang sinumang ina ang hindi proud sa kanilang mga anak at nawa ay marami ang nakaka-unawa na ang buhay ng mga celebrity na kagaya ni Solenn Heussaff ay hindi lamang umiikot sa social media at mayroon din siyang karapatan na gawing pribado ang ilang parte ng kanilang buhay kagaya natin.

Comments

Popular posts from this blog

7 Benepisyo Ng Pagkain Ng Langka Sa Ating Katawan!

Ang langka   ay isang prutas na kilalang-kilala sa Pilipinas dahil sa lasa at kakaibang amoy nito at karaniwang iniluluto na minatamis o ginataan. Ang prutas na ito ay mayaman s bitamina, mineral, at anti-oxidants na maganda para sa ating katawan.  Marami sa atin ang madalas magluto ng langka dahil sa matamis at masarap nitong lasa. Alam niyo ba na hindi lang ito masarap, ito rin ay isang halamang gamot na panlaban sa iba't ibang karamdaman at nakakapagbigay ng maraming health benefits. Narito ang mga importanteng benepisyo ng pagkain ng langka! 1. Nagbibigay proteksyon sa colon Dahil sa taglay nito anti-oxidant properties, kaya nitong bigyan ng proteksyon ang colon o bituka. Ito rin ay punong-puno ng fibers na kaya linisin ang iyong bituka upang ikaw ay makadumi ng maayos.  2. Proteksyon sa mata Ang langka ay mayroong bitamina A na isang nutrient na kailangan ng ating mata. Nakakatulong din itong iimprove ang iyong paningin ...

7 Nakakamanghang Benepisyo Ng Paglalagay Ng Yelo o Ice Cube Sa Mukha Para Pampaganda

Dala ng mainit na panahon at matinding sikat ng araw, hindi maikakaila na ang ating balat ay nagsisimulang maging mukhang stressed at dull. Dahil dito, ang pagpahid ng ice cube o yelo sa mukha ay nakaka-refresh sa pakiramdam.  Kapag araw-araw ay nakakaranas ng stress ang iyong mukha at balat, ang ice facial ay makakatulong sa iyo upang maibalik ang dating glow ng mukha. Narito at alamin ang benepisyong hatid nito kaya naman nagiging beauty trend ito. 1. Nakakapagpaliit ng pores Kapag mainit ang panahon, ang ating mga pores sa mukha ay naka-open. At kung palaging ganito ang sitwasyon, mas maraming dumi ang kumakapit sa ating mukha at maaaring siyang maging dahilan kung bakit tinutubuan ng tigyawat. Ang pagpahid ng ice cube sa iyong mukha matapos itong hugasan ay nakakatulong upang mapaliit ang iyong mga pores at maiwasan ang pag-accumulate ng dumi. 2. Ibinabalik ang glowing skin Lahat naman ay ninanais na magkaroon ng makinis at glowing skin. At an...

5 Amazing Health Benefits ng Langka o Jackfruit na Dapat Ninyong Patuuan ng Pansin!

Ang langka ay isang prutas na may malaking puno, hugis bilugan na pahabang malaking bunga, na may tusok-tusok na kulay berdeng balat, kulay dilaw ang laman sa loob, may mabangong amoy at masarap na lasa. Maaari itong kainin at isama sa mga ibang lutuing pagkain. Hindi lamang ito masarap na kainin nagbibigay rin ito ng magandang benepisyo sa katawan at isa rin itong halamang gamot na makatutulong sa mga karamdaman o sakit. Ito ay punong puno ng nutrisyon at benepisyong taglay para sa malusog na kalusugan. Mula sa ugat, dagta, dahon at bunga nito ay nagbibigay ng benepisyo para sa ating katawan na makatutulong sa atin. Subalit pana-panahon lamang ang prutas na langka, kaya naman hanggat mayroon nito, dapat kayong bumili at kumain nito upang makuha ang magandang benefits ng langka. Narito ang mga benepisyong maaaring makuha mula sa langka: 1. Laban sa k^nser Ang langka ay may nilalaman na kayang labanan at pigilan ang k^nser cells sa ating katawan...