Ang ulser sa tiyan o tinatawag rin na gastric ulcers ay mga sugat-sugat sa lining ng iyong tiyan. Nangyayari ito dahil sa pagnipis ng stomach lining na kung saan ang mga digestive acids ang nakakapagdulot ng pagsusugat na pinagmumulan ng ulser.
Ang mga karaniwang sintomas ng ulser ay indigestion o hindi madaling pagkatunaw ng pagkain. At kapag nangyari ito, maaaring makaranas ng pananak!t sa bahagi ng tiyan. Maaari ring makaranas ng pagsusuka, bloating, weight loss at hindi makakain dahil sa pananak!t.
Upang maiwasan ito, narito ang mga listahan ng mga pagkain na dapat iwasan.
1. Kape at softdrinks
Ang mga inumin na mayroong caffeine katulad ng sa kape at mga softdrinks ay dapat iwasan kapag may suspetsa ka na mayroong kang ulser. Nakakapagpalala kasi ito sa iyong kondisyon dahil pinapataas nito ang acid production sa iyong tiyan.
2. Fatty foods
Ang mga mamantikang pagkain ay nangangailangan ng mahabang oras para ito matunaw sa loob ng tiyan. At kapag ikaw ay mayroong ulser, makakapagpalala lang ito sa sintomas ng ulser tulad ng pananakit ng tiyan at stomach bloating.
Photo from Google Images |
3. Maanghang na pagkain
Ayon sa mga pag-aaral, ang pagkain ng maanghang ay hindi direktang nakakapagdulot ng ulser. Ngunit ang labis na pagkain nito ay nakakapagdulot ng iritasyon sa iyong stomach lining na maaaring makapagpalala sa iyong ulser.
4. Citrus fruits
Katulad ng mga spicy foods, ang pagkain ng citrus fruits ay hindi rin direktang nakakapagdulot ng ulser. Ngunit, ang ating tiyan ay may iba't ibang reaksyon sa acids na taglay ng citrus fruits. Kaya kung sumasakit ang iyong tiyan sa pagkain ng citrus fruits ay mas magandang iwasan na lamang ito at kumain na lamang ng mga prutas na hindi acidic.
5. Inuming may alkoh0l
Ang paginom ng alak ay mas lalo lang nakakapagpalala kapag ikaw ay mayroon ng ulser sa tiyan dahil hindi ito agad maghihilom. At kapag malakas kang uminom ng alak ay nakakadamage din ito sa iyong stomach lining na siyang nakakapagpalala ng ulser.
Photo from Google Images |
Narito ang mga listahan ng mga pagkain na dapat kainin upang maiwasan ang pagkakaroon ng ulser sa tiyan.
- Pagkaing mayaman sa probiotics tulad ng yogurt, miso at kimchi
- Pagkaing mayaman sa fiber tulad ng mansanas, oatmeal, at ubas
- Kamote
- Gulay tulad ng repolyo, cauliflower at labanos
Disclaimer:
Ang mga naitalang paksa, larawan, at impormasyon sa site ng PH Daily Updates ay layuning makapagbigay lamang ng impormasyon. Ang nilalaman ng artikulong ito ay hindi intensyong gawing pamalit ito sa propesyunal na medikal na payo. Mas makakabuti pa ring magpasuri sa isang propesyunal na doktor o qualified health provider.
Comments
Post a Comment