Photo from Google Images |
Ang sayote ay isa sa mga gulay na karaniwang ginagamit bilang pansahog sa mga pagkain tulad ng tinola. Maganda itong idagdag sa ating diyeta dahil mababa ito sa calories at nagtataglay ng maraming fiber, nutrients at antioxidants.
Bukod sa ma-eenjoy mo itong kainin ay hatid pa nito ay napakaraming health benefits sa katawan. Narito ang ilan.
1. Nakakatulong sa pagkontrol ng blo0d sugar
Mababa sa carbohydrates ang sayote ngunit mataas sa soluble fiber. Ang kombinasyong ito ay nakakatulong upang maregulate ang bl00d sugar level at malabanan ang insulin resistance ng katawan.
Ang fiber na taglay nito ay nakakapagpabagal sa digestion at pag-absorb ng carbs, na siyang nakakatulong para ma-kontrol ang blo0d sugar pagkatapos kumain.
Photo from Google Images |
2. Mabuti para sa puso
Makakatulong ang pagkain ng sayote para mabawasan ang pagkakaroon ng mataas na presyon, mataas na kolesterol at pagkakaroon ng tiyansang magkaroon ng sak!t sa puso.
3. Pampabawas ng timbang
Dahil mababa ang calories nito at mataas ang water content, mas madali kang makakaramdam ng pagkabusog at hindi ka na mapapakain pa ng mas maraming pagkain. Sa paraang ito, makakatulong ito sa pagpapabawas ng timbang.
Photo from Google Images |
4. Para sa malusog na pagbubuntis
Mainam na kumain ng sayote ang mga buntis dahil nagtataglay ito ng B complex vitamins at folate na esensyal para sa paglaki ng bata sa sinapupunan. Sinusuportahan nito ang proper development ng utak at spinal cord ng sanggol at binabawasan ang pre-term birth.
5. Benepisyal para sa mga may sak!t sa bato
Ang mismong bunga ng sayote at ang dahon nito ay isang mild diuretic o nagsisilbing pampaihi. Dahil narin sa water content nito, mas mapapabilis ang paglalabas ng toxins sa iyong katawan at madaling made-detoxify ang iyong kidneys.
6. Pinapabagal ang mga senyales ng pagtanda o aging
Ang pagkonsumo ng mga pagkaing mayaman sa antioxidants ay nakakatulong upang maiwasan ang maagang pagtanda ng balat. Mabuti na lamang at mayaman sa antioxidants at bitamina C ang sayote, kaya kung dinalasan ang pagkain nito ay mapapabagal ang signs of aging at mapoprotektahan ang iyong mga cells laban sa free radicals.
Photo from Google Images |
7. Pang-iwas konstipasyon
Ang konstipasyon ay dulot ng kakulangan ng tubig at fiber sa katawan. Bago pa man makaranas nito o kung nakakaranas ka man nito ngayon, kumain ng mga pagkaing mayaman sa fiber tulad ng sayote. Dahil ito ang makakatulong sa iyo para mapadali ang paglalabas ng dumi sa katawan.
Disclaimer:
Ang mga naitalang paksa, larawan, at impormasyon sa site ng PH Daily Updates ay layuning makapagbigay lamang ng impormasyon. Ang nilalaman ng artikulong ito ay hindi intensyong gawing pamalit ito sa propesyunal na medikal na payo. Mas makakabuti pa ring magpasuri sa isang propesyunal na doktor o qualified health provider.
Comments
Post a Comment