Skip to main content

Posts

Mabisang Gamit Ng Apple Cider Vinegar Para Sa Kalusugan!

Isa sa mga paraan na sikat ngayon at patok na pang papayat at tinatangkilik ng marami ang pag gamit ng apple cider vinegar . Pinaniniwalaan na ang pag inom nito tuwing pag gising habang wala pang laman ang tiyan at bago matulog ay nakakatulong upang malusaw ang taba sa tiyan. Maari mo itong inumin ng diretso o ihalo sa maligamgam na tubig na may honey para mas madaling mainom kung hindi mo gusto ang lasa. Nakakatulong din itong magpababa ng mataas na sugar level sa isang tao.  Para malaman ang iba pang benepisyo ng pag gamit ng apple cider vinegar, narito ang ilang halimbawa: 1. Weight Loss Ang apple cider vinegar ay mahusay na paraan upang mabawasan ang timbang ng isang tao. Ito ay nakakatulong upang malusaw ang mga hindi kanais nais na taba sa ating katawan at pinapabilis ang “metabolism” ng ating tyan. Nakakatulong din ito upang mabawasan ang gana ng isang tao sa pagkain. Sinasabi na ang pinaka component ng apple cider vinegar na acetic ac...

Epektibong Gamit Ng Bawang Na Benepiyal Para Sa Ating Kalusugan!

Ang bawang ay isa sa mga sangkap na ginagamit ng mga tao kapag nagluluto. Mapa ulam man o kanin na sinangag, ito ay laging inilalagay dahil sa nakakadagdag ito ng amoy at sarap sa pagkain. Ang buong ulo ng bawang ay tinatawag na “garlic bulb” at ang mga parte nito ay tinatawag namang “clove”. Kadalasan, mayroong 10-20 clove sa isang garlic bulb. Madalas ang pinaka benepisyo ng bawang sa kalusugan ng tao ay dahil sa “sulfur compounds” na nabubuo kapag ang bawang ay dinidikdik, nginu-nguya o hinahati hati. Ang sulfur compound na ito ay tinatawag na “allicin” na responsable sa kakaibang amoy ng bawang.  Mayroong iba’t ibang benepisyong pangkalusugan ang pag gamit ng bawang. Narito ang ilang halimbawa: 1. Gamot sa Ubo Dahil ang bawang ay siksik sa sustansya tulad ng Vitamin C, Vitamin b6, Manganese, Fiber at Selenium, mabisa itong gamitin pampalakas ng ating resistensya. Mabisa din ang pag nguya ng hilaw na bawang upang lumuwag ang paghinga ng taong...

5 Benepisyal Na Naidudulot Ng Pagkain Ng SINGKAMAS!

Ang singkamas o turnips ay isang bungang ugat na karaniwang tumutubo tuwing panahon ng tag-init. Saktong sakto dahil ang singkamas ay may kakayahan na mapunan ang nararamdamang pagka-uhaw ng isang tao dahil mataas ang water content nito. Ang bilang ng kolesterol na makikita sa singkamas ay mababa lamang, kaya isa ito sa mga pagkaing mabisang pampapayat. Katulad ng ibang prutas o gulay, kilala ang singkamas sa angkin nitong mga “dietary fibers” kung saan kaya nitong pawiin ang gutom ng hindi nagiging mabigat sa tiyan.  Ang iba’t ibang parte ng singkamas ay maaaring kainin o ilaga at inumin. Tulad nalang ng ugat ng halaman na karaniwang nilalaga at pinapainom sa may sak!t. Ang malalambot na tangkay ng halaman naman ay maaaring dikdikin at ipantapal sa ilang kondisyon sa katawan. Hindi lang nagtatapos sa mga simpleng benepisyo ang pagkain ng singkamas. Narito pa ang ilang tulong na maaaring maibigay ng singkamas sa ating katawan: 1. Pantanggal ng hika ...

Magandang Naidudulot Ng Pag-Inom ng Tubig Na Walang Laman Ang Tiyan!

Ang ating katawan ay binubuo ng 70% na tubig. Ito ay mahalaga sa ating katawan upang tayo ay magkaroon ng lakas. Ngunit alam ba natin kung kailan tayo dapat uminom ng tubig o gaano karami and dapat na inumin na kailangan ng ating katawan? Ayon sa mga pagsasaliklik, ang paginom ng tubig na walang laman ang tiyan ay may magandang naidudulot sa ating katawan. Narito kung ano ang mga benepisyo ng pag-inom kahit wala pang laman ang inyong tiyan: 1. Nakatutulong magtanggal ng mga toxins sa ating katawan Ang madalas na paginom ng tubig ay tinutulungan tayong alisin ang mga dumi sa ating katawan sa paraan ng madalas ng pagpunta sa banyo upang umihi. Sa ganitong paraan ay nailalabas natin ang mga toxins na nasa loob ng ating katawan. 2. Mabilis na pagkawala ng timbang Ikaw ba ay mataba at hinahangad na magpapayat? Narito na ang solusyon! Ang paginom ng tubig habang nagda-diet ay tinutulungan kang mabawasan ang timbang dahil ito ay walang nilalaman na calori...

Mga Sintomas ng Heatstroke at Paraan Para Maiwasan Ito Lalo Na Ngayong Summer!

Ang heatstroke ay isang kondisyon kung saan ang katawan ng isang tao ay masyadong nagiinit bunga ng pagkakabilad ng mahabang oras sa arawan o sa lugar na may sobrang init na temperatura. Ang heatstroke ay isa sa pinaka malalang karamdaman na maaaring makuha kapag ang temperatura ng katawan ay tumaas ng 104 F o 40 degree celsius.   Ang kondisyong ito ay kalimitang nangyayari tuwing panahon ng tag-init o summer. Para mas maging alerto tayo kung ano ang mga sintomas ng heatstroke, narito ang ilang halimbawa: Mataas na temperatura ng katawan Pagiging mainitin ng ulo at aligagang reaksyon ng katawan Namumulang balat dulo’t ng sobrang init Pakiramdam ng sobrang pagkahilo at pagsusuka Pagbilis ng paghinga at pagsisikip ng dibdib Sobrang tindi ng sak!t ng ulo Hindi normal na bilis ng tibok ng puso Pagpapawis ng sobra sobra. Hindi maiiwasan na tayo ay mabilad sa mainit na araw at maaaring tayo din ay makaranas ng ilan sa mga nakalistang sintomas ng heatstro...

Benepisyo Naibibigay Sa Ating Katawan Nang Pagkain Ng Malunggay!

Ang Malunggay  ay tinatawag na isang miracle tree na kalimitang tumutubo sa mga bansang may tropikal na klima, tulad na lamang ng Pilipinas. Ang malunggay ay kilalang ginagamit sa pagluluto at sa herbal na medisina dahil sa mga sustansyang makukuha rito. Pinatunayan ng mga eksperto na ang malunggay ay maraming sustansya at bitamina na mainam sa katawan ng isang tao at mabisang nakapagpapagaling ng mga karamdaman. Sa ngayon, ang malunggay ay tinaguriang miracle tree at ginagamit sa larangan ng medisina, simula sa ugat nito hanggang sa mismong katawan ng puno, sanga, dahon, bulaklak at maski na rin ang buto nito. Ang pinaka ginagamit na parte ng malunggay ay ang mga dahon nito dahil siksik ito sa mga bitamina tulad na lang ng Vitamin C, A- beta carotene, vitamin K, manganese at protein. Ginagamit din sa pagluluto ang malunggay leaves na napaka husay lalo na sa mga buntis.  Dahil napaka daming pwedeng pag-gamitan ng malunggay, mahusay din itong panlaban...

8 Bagay Na Nakakaapekto Sa Iyong Pag-TULOG!

Ang pag-tulog ay kailangan ng ating katawan upang magkaroon ng malusog na pamumuhay. Ang isang tao ay kailangan ang 7-8 oras na tulog upang ma-refresh ang katawan at magkaroon ng enerhiya kinabukasan.  Ngunit dala na rin ng iba't ibang gawain natin sa gabi kaya ang ating pagpapahinga at pagtulog ng maaayos ay nagkukulangan at naaantala. Narito ang 10 bagay na iyong ginagawa na hindi napapansin na nakakaapekto pala sa iyong pag- TULOG! 1. Pagtulog ng busog na busog  Hindi maganda ang matulog kaagad matapos kumain sa gabi. Dahil kailangan muna ng iyong katawan na tunawin ang pagkain na iyong kinain. Sinasabi na ang isang sanhi rin ng pagkabangungot  sa gabi ay pancreatitis na dahilan ng sobrang pagkabusog at agad natulog. 2. Pagkain ng late dinner Nakakaapekto rin ang pagkain ng late gaya ng 10 PM pataas dahil kailangan mo munang ipahinga ang iyong katawan 2-3 oras bago ka matulog sa gabi upang maiwasan ang indigestion o hindi natunawan a...