Isang nakaka-inspire na istorya at nagviral sa social media ang naging buhay nang Malaysian na lalaking ito na nakilala bilang Saipol Azmir Zainuddin.
Para sa iba, ang ibig sabihin ng pagiging matagumpay ay pagtatapos ng pag-aaral, pagkakaroon ng magandang bahay o magarang sasakyan, at pakakaroon ng maraming pera.
Ngunit ibahin niyo ang kwento ng lalaking ito dahil kahit hindi siya nakatapos ng pag-aaral ay nakamit pa rin niya ang tagumpay gamit ang kanyang pagsisikap.
Si Saipol ay hindi nakatapos ng pag-aaral dahil sa kahirapan ng buhay. Ngunit hindi ito naging hadlang sa kanya sa pagtupad at pag-abot ng kanyang pangarap na maging isang magsasaka.
Bago siya maging isang farm owner ay nagkipagtrabaho muna siya sa ibang tao at namasukan bilang isang construction worker.
Kahit maliit ang sinasahod niya sa isang buwan ay nagipon pa rin siya para makabili ng mga"guya" o batang baka hanggang siya ay maging 18 years old. Sa ganitong murang edad, ay mayroon na siyang 300 na baka.
Noong siya ay maging 19 years old, sinimulan niyang gawing full-time ang pagbebenta ng mga ito hanggang nagkaroon siya ng sapat na pera para sa pagpupundar ng bahay at sasakyan.
Napagdesisyunan din niya na mag-apply ng loan na higit RM100,000 o 1.3 million Pesos sa Farmer's Organization Authority of Malaysia upang mapalago lalo at i-expand ang kanyang negosyo nationwide.
Makalipas ang ilang taon, si Saipol ay nakabili ng 0.8 na hectaryang lupain na ginamit niya para sa kanyang cattle-farming business.
Noong taong 2017, ang school dropped out na lalaking ito ay isang nang milyonaryo dahil kumita na siya ng mahigit RM1 million o humigit sa 13million Pesos!
Siya ngayon ay nagmamay-ari na ng 700 na baka, 150 na kambing, at 30 na kalabaw!
Wala talagang impossible sa isang taong determinado, masipag, at matiyaga. At kahit nagsimula siya sa mahirap na estado ng buhay ay hindi ito naging hadlang sa kanya upang maabot ang kanyang mga pangarap!
Comments
Post a Comment