Ang monggo ay isa sa mga paboritong pagkain ng mga Pinoy, lalo na kung niluto ito bilang ulam na ginisang monggo. Bukod sa napakasarap nitong ulamin, ay sagana pa sa sustansya at bitamina.
Ang monggo ay sagana sa protina at folic acid kaya naman isa rin itong pagkain recommended sa mga buntis. Dahil nakakatulong ito sa pagdevelop ng utak ng kanilang dinadalang sanggol. At upang magkaroon ng malusog na cell growth at mabawasan ang pagkakaroon ng birth defects.
Narito ang mga dahilan kung bakit kailangan mong kumain ng monggo:
1. Tumutulong palakasin ang iyong resistensya
Ang monggo ay mayroong phytonutrients na anti-inflammatory at anti-microbial na tumutulong palakasin ang iyong immunity laban sa mga bakterya at virus. Tumutulong din itong pagandahin ang pag-absorb ng nutrients sa katawan.
2. Nakakapagpabawas ng blood pressure
Ito ay mayroong anti-hypertensive effects na nakakatulong sa pagkontrol ng mataas na presyon at kontrahin ang pagkakaroon ng sakit sa puso.
3. Nakakatulong tanggalin ang mga free radical sa katawan
Ang mga free radicals ay ang mga masamang resulta ng dulot ng oxygen metabolism ng katawan. Ang mga ito ay maaaring magdulot ng masamang epekto sa iyong katawan gaya ng kanser. Sagana ang monggo sa anti-oxidants na kayang tanggalin ang mga free radicals ng iyong katawan.
4. Pang-iwas sa diabetes
Nakakatulong ang pagkain ng monggo upang maiwasan ang type 2 diabetes dahil mayroon itong anti diabetic effect. Lalo na't kung sinamahan mo ito ng pagkain ng malunggay at ampalaya dahil ang mga pagkain ito ay mababa ang glycemic index at nakakapagpababa ng cholesterol.
5. Pagbawas sa karamdaman dulot ng menopause
Ang monggo ay mayroong isoflovones na nakakatulong upang maiwasan ang pagkakaroon ng mga babaeng nasa kanilang menopausal stage na makaranas ng matinding hot flashes, insomnia, at depresyon.
6. Pinapakalas ang mga buto
Ito rin ay sagana sa calcium na tumutulong upang palakasin at patibayin ang mga buto.
Ayon poh sa sabi sabi kpag my bukol ka sa parti ng katawan bawal raw poh kumain ng mga mabubuto ktuld ng talong okra monggo etc.bsta mabubuto 22o poh ba yan?
ReplyDeleteDami nag sasabi na ang monggo ay maka dulot ng sakit ng rheumatism
ReplyDeleteAyon Kay doctor Willie Ong ndi nman nagdudulot Ng rayuma Ang monggo o ibang mabubutong gulay....Ang Karne at labis na kanin Ang nagdudulot Ng rayuma o pagtaas ng pamamaga Ng boto at kalamnan...totoo nman ito ksi Bata pa lng Po aq nkakaranas na aq Ng rayuma pero nung iwasan ko ang mga red meat at kanin...nawala na sya ... samantalang linggo2 aq kumakain Ng munggo
Delete