Skip to main content

Anim Na Magandang Benepisyo Ng Pagkain Ng Monggo!

Ang monggo ay isa sa mga paboritong pagkain ng mga Pinoy, lalo na kung niluto ito bilang ulam na ginisang monggo. Bukod sa napakasarap nitong ulamin, ay sagana pa sa sustansya at bitamina. 

Ang monggo ay sagana sa protina at folic acid kaya naman isa rin itong pagkain recommended sa mga buntis. Dahil nakakatulong ito sa pagdevelop ng utak ng kanilang dinadalang sanggol. At upang magkaroon ng malusog na cell growth at mabawasan ang pagkakaroon ng birth defects. 

Narito ang mga dahilan kung bakit kailangan mong kumain ng monggo:

1. Tumutulong palakasin ang iyong resistensya

Ang monggo ay mayroong phytonutrients na anti-inflammatory at anti-microbial na tumutulong palakasin ang iyong immunity laban sa mga bakterya at virus. Tumutulong din itong pagandahin ang pag-absorb ng nutrients sa katawan.

2. Nakakapagpabawas ng blood pressure

Ito ay mayroong anti-hypertensive effects na nakakatulong sa pagkontrol ng mataas na presyon at kontrahin ang pagkakaroon ng sakit sa puso.

3. Nakakatulong tanggalin ang mga free radical sa katawan

Ang mga free radicals ay ang mga masamang resulta ng dulot ng oxygen metabolism ng katawan. Ang mga ito ay maaaring magdulot ng masamang epekto sa iyong katawan gaya ng kanser. Sagana ang monggo sa anti-oxidants na kayang tanggalin ang mga free radicals ng iyong katawan. 

4. Pang-iwas sa diabetes

Nakakatulong ang pagkain ng monggo upang maiwasan ang type 2 diabetes dahil mayroon itong anti diabetic effect. Lalo na't kung sinamahan mo ito ng pagkain ng malunggay at ampalaya dahil ang mga pagkain ito ay mababa ang glycemic index at nakakapagpababa ng cholesterol. 

5. Pagbawas sa karamdaman dulot ng menopause

Ang monggo ay mayroong isoflovones na nakakatulong upang maiwasan ang pagkakaroon ng mga babaeng nasa kanilang menopausal stage na makaranas ng matinding hot flashes, insomnia, at depresyon. 

6. Pinapakalas ang mga buto

Ito rin ay sagana sa calcium na tumutulong upang palakasin at patibayin ang mga buto. 


Comments

  1. Ayon poh sa sabi sabi kpag my bukol ka sa parti ng katawan bawal raw poh kumain ng mga mabubuto ktuld ng talong okra monggo etc.bsta mabubuto 22o poh ba yan?

    ReplyDelete
  2. Dami nag sasabi na ang monggo ay maka dulot ng sakit ng rheumatism

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ayon Kay doctor Willie Ong ndi nman nagdudulot Ng rayuma Ang monggo o ibang mabubutong gulay....Ang Karne at labis na kanin Ang nagdudulot Ng rayuma o pagtaas ng pamamaga Ng boto at kalamnan...totoo nman ito ksi Bata pa lng Po aq nkakaranas na aq Ng rayuma pero nung iwasan ko ang mga red meat at kanin...nawala na sya ... samantalang linggo2 aq kumakain Ng munggo

      Delete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Tips Para Tanggalin Ang Pumasok Na Langgam/Insekto Sa Loob Ng Tenga

Naranasan niyo na bang mapasukan ng insekto o ng langgam sa tenga? Napakasakit talaga nito at hindi ka mapapakali. Bukod sa nakakarinig ka ng parang may naglalakad o pumuputok na tunog sa loob ng inyong tenga. Minsan ay maaari ka pang makagat sa loob o mawalan ng pandinig. Kaya narito ang mga tips kung paano tanggalin ang nakakairitang langgam o insekto na pumasok sa iyong tenga: 1. I-wiggle o galaw galawin ang tenga Subukang galaw-galawin o i-wiggle ang apektadong tenga. Sa paraang ito, maaaring mahulog ang insekto papalabas. 2. Patakan ng langis o baby oil Ang langis ay makakapagpigil sa paggalaw ng insekto o langgam papaloob sa tenga. 3. Patakan ng kaunting tubig Gamit ang dropper o bulb syringe, patakan ng kaunting tubig ang loob ng tenga upang malunod ang insekto. Galawin ang ulo at tenga para lumabas ang tubig. 4. Pahiran ng butil ng asukal ang labas ng tenga Ang matamis na amoy ng asukal ay pang-aakit sa langgam upang lumabas. 5. I-...

7 Tips Na Dapat Tandaan Upang Hindi Mabilis Mapanis Ang Kanin Na Sinaing

Ang rice o kanin ang 'staple food' nating mga Pinoy. Sa tuwing tayo ay kakain ng agahan, tanghalian, at hapunan ay a na tayo ay nagkakanin.  Ngunit minsan, kung napapansin ninyo ay napapasobra ang inyong nasasaing kaya naman kung hindi ito agad nakakain ay nasisira at nasasayang na lang ito. Kaya narito ang ilang mga tips na dapat tandaan para hindi mabilis mapanis ang inyong kanin. 1. Tiyaking malinis ang kalderong pang-saing Bago magsaing ng kanin, siguraduhing dapat malinis ang kalderong pagsasaingan. Minsan, isa sa mga dahilan kung bakit madaling mapanis ang inyong kanin ay dahil hindi nalilinisang mabuti ang kaldero. Maaaring may mga natirang kanin o di kaya ay mayroong sabon na naiwan. Kaya naman kung nais talagang makatiyak na walang mikrobyong naiwan ay pakuluan ito bago gamitin. 2. Tubigan ng tama ang bigas Isa rin sa mga nakakaapekto sa madaling pagkapanis ng kanin ay ang tubig na inilalagay rito. Makakabuti na kapag luma na ang biga...

Masakit na Puson Kahit Walang Period? Narito ang Ilang Posibleng Dahilan Niyan

Ang pananakit ng puson at balakang ay normal lamang sa tuwing darating o kasalukuyang may buwanang dalaw. Karaniwan na itong nararanasan ng mga kababaihan. Ngunit paminsan-minsan may mga pagkakataon na nakararanas ng pananakit at pagkirot ng puson kahit na hindi pa panahon ng pagdating ng kanilang buwanang dalaw. Ano nga ba ang posibleng rason? Narito ang mga posibleng kadahilanan: 1. Inflammatory bowel disease Ito ay isang karamdaman na nauugnay sa malalang implamasyon ng sistemang panunaw. Pinaniniwalaan na sanhi ito na may kaugnayan sa pagdiyeta at lebel ng stress. At ang sintomas nito ay maaaring banayad lamang o di kaya hanggang sa umabot ito sa malubhang karamdaman. Maihahalintulad rin ito sa karamdamang Crohn's at ulcerative colitis. Gayunpaman, sa halos lahat ng oras ay maaaring magdusa ang isang tao sa pamamagitan ng pagtatae, pananakit ng tiyan at pagkirot. 2. Maaring bukol sa obaryo Ang bukol sa obaryo ay isang sac sa l...