Ang menopause ay isang natural na pangyayari na mararanasan ng isang babae kapag siya ay umabot sa edad na 45 pataas. Sa panahong ito, ang buwanang dalaw o regla ng isang babae ay matitigil na at mawawalan na siya ng kakayahan upang magbuntis.
Ito ay hindi isang sak!t, ngunit dahil sa iba't-ibang sintomas na dulot nito ay maaaring magdulot ito ng matinding pagbabago sa buhay ng isang babae. Narito ang mga senyales na ang isang babae ay malapit na siyang magmenopause.
1. Pagtigil o kawalan ng regla
Kung ikaw ay nasa menopausal age na 45-55 taong gulang at hindi naman buntis, ang pagkaranas ng kawalan ng buwanang dalaw o regla sa loob ng isang taon ay isa sa mga maliwanag na senyales na ikaw ay menopause na.
2. Hot flashes
Ang hot flashes ay ang biglaang mainit na pakiramdam ng katawan na maaaring magsimula sa mukha, leeg, o dibdib. Ang balat ay namumula at nagsisimulang magpawis ng matindi. Maaari din nitong pataasis ang iyong tibok ng puso.
3. Hirap sa pagtulog sa gabi o insomnia
Ang pagkakaroon ng night sweats o hot flahes sa gabi ay isang dahilan kung bakit hindi nakakatulog ng maaayos ang isang babaeng dumadaan sa kanyang menopause. Maaaring dahilan din ito ng insomnia o pagkabalisa.
4. Madalas na pagbabago ng mood
Ang babaeng malapit ng magmenopause ay maaaring makaranas ng pabago-bagong mood. Dulot ito ng pagbabago ng kanyang hormones sa katawan.
5. Pagdagdag sa timbang
Dahil sa pagbabago ng hormones sa katawan, nagbabago din ang iyong appetite. Na kung saan, kung ikaw ay nadedepress, mas napapakain ka ng mga matatamis na pagkain gaya ng tsokolate. Kaya ito na rin ang sanhi ng pagdagdag ng iyong timbang.
6. Pagiging makakalimutin
Ang menopause ay nakakaapekto sa isang tao sa kayang konsentrasyon kaya naman mas nagiging makakalimutin ka.
7. Pagbabago sa iyong katawan
Dulot ng hormonal changes, maaaring ang isang babaeng malapit ng magmenopause ay makakaranas ng pagnipis ng kanyang buhok at ang kanyang balat ay nagiging dry.
52 na Po ako last feb 3 2021 feb po last kung normal n regla from the start po lagi normal regla ko monthly till feb... but this month march 4 spotting lng po ang 5 nawala sya 6 meron n nmn till 7 pero kunte lng po at hindi tlga sya mapula anu po yun sign na menopausal? tha ks
ReplyDelete48 na po ko turning 49 sa nov.,sa loob ng 23 yrs never ako nagkaron ng monthly period dahila sa injectable.,and ngaun january 2021 nag stop na ko magpa inject and until now di pa ko nagkaron ng buwanang dalaw.pano ko po malalaman kung menopause na ko and may possibility pa ba ko mabuntis kahit dp ko nagkakaron.sana po mapansin nio yng tanong ko.thankbyou!
ReplyDeleteSobrang natakot na ako sa nararamdaman ko.. mabuti nalang nag search ako.. lahat ng nararamdaman ko ngayon ay sintomas na pala ng menopausal... 46 yrs old na ako.
ReplyDelete41 yrs old po ako. Ang lakas ng regla ko for 1month na po since day 1until now ay may buo buo pang dugo po.
ReplyDelete44 yrs. Old napo ako subrang lakas po ang regla k na abot napo ng 16 days po malakas parin at buo buo ang lumalabas na dugo. 2months napo na ganito katagal ang regla k
ReplyDelete43 palang po ako pero ang dami kong nararamdaman sa katawan ko, at ang totoo nag aalala na ko.
ReplyDelete43 n po ako turning 44 s july,bakit po b ako bigla di nag regla,,nagPT npo ako twice negative nmn po,,pero nattkot po ako kc bala buntis po ako,,pero kompleto nmn po inom ko ng pills since 12 yrs kona po ginagamit,anu po kya dahilan
ReplyDelete50 yr old napo ako 2 month di po ako niregla nung ika 3 months ko niregla po ako umabot po ng 8 days tapos feb niregla ako 3 days tapos nasundan po ng feb19 till march 11 so 21 days po inabot regla ko ngayon sumasakit ung puson ko expected ko bk rereglahin ako uli umihi po ako pag punas ko ng tissue may bahid ng dugo ano po ba un papunta na ba sa menepouse
ReplyDelete