Skip to main content

7 Senyales Na Malapit Ka Nang Mag-MENOPAUSE!


Ang menopause ay isang natural na pangyayari na mararanasan ng isang babae kapag siya ay umabot sa edad na 45 pataas. Sa panahong ito, ang buwanang dalaw o regla ng isang babae ay matitigil na at mawawalan na siya ng kakayahan upang magbuntis.

Ito ay hindi isang sak!t, ngunit dahil sa iba't-ibang sintomas na dulot nito ay maaaring magdulot ito ng matinding pagbabago sa buhay ng isang babae. Narito ang mga senyales na ang isang babae ay malapit na siyang magmenopause. 

1. Pagtigil o kawalan ng regla

Kung ikaw ay nasa menopausal age na 45-55 taong gulang at hindi naman buntis, ang pagkaranas ng kawalan ng buwanang dalaw o regla sa loob ng isang taon ay isa sa mga maliwanag na senyales na ikaw ay menopause na. 

2. Hot flashes

Ang hot flashes ay ang biglaang mainit na pakiramdam ng katawan na maaaring magsimula sa mukha, leeg, o dibdib. Ang balat ay namumula at nagsisimulang magpawis ng matindi. Maaari din nitong pataasis ang iyong tibok ng puso.

3. Hirap sa pagtulog sa gabi o insomnia

Ang pagkakaroon ng night sweats o hot flahes sa gabi ay isang dahilan kung bakit hindi nakakatulog ng maaayos ang isang babaeng dumadaan sa kanyang menopause. Maaaring dahilan din ito ng insomnia o pagkabalisa.

4. Madalas na pagbabago ng mood

Ang babaeng malapit ng magmenopause ay maaaring makaranas ng pabago-bagong mood. Dulot ito ng pagbabago ng kanyang hormones sa katawan.

5. Pagdagdag sa timbang

Dahil sa pagbabago ng hormones sa katawan, nagbabago din ang iyong appetite. Na kung saan, kung ikaw ay nadedepress, mas napapakain ka ng mga matatamis na pagkain gaya ng tsokolate. Kaya ito na rin ang sanhi ng pagdagdag ng iyong timbang.

6. Pagiging makakalimutin

Ang menopause ay nakakaapekto sa isang tao sa kayang konsentrasyon kaya naman mas nagiging makakalimutin ka.

7. Pagbabago sa iyong katawan

Dulot ng hormonal changes, maaaring ang isang babaeng malapit ng magmenopause ay makakaranas ng pagnipis ng kanyang buhok at ang kanyang balat ay nagiging dry. 

Comments

  1. 52 na Po ako last feb 3 2021 feb po last kung normal n regla from the start po lagi normal regla ko monthly till feb... but this month march 4 spotting lng po ang 5 nawala sya 6 meron n nmn till 7 pero kunte lng po at hindi tlga sya mapula anu po yun sign na menopausal? tha ks

    ReplyDelete
  2. 48 na po ko turning 49 sa nov.,sa loob ng 23 yrs never ako nagkaron ng monthly period dahila sa injectable.,and ngaun january 2021 nag stop na ko magpa inject and until now di pa ko nagkaron ng buwanang dalaw.pano ko po malalaman kung menopause na ko and may possibility pa ba ko mabuntis kahit dp ko nagkakaron.sana po mapansin nio yng tanong ko.thankbyou!

    ReplyDelete
  3. Sobrang natakot na ako sa nararamdaman ko.. mabuti nalang nag search ako.. lahat ng nararamdaman ko ngayon ay sintomas na pala ng menopausal... 46 yrs old na ako.

    ReplyDelete
  4. 41 yrs old po ako. Ang lakas ng regla ko for 1month na po since day 1until now ay may buo buo pang dugo po.

    ReplyDelete
  5. 44 yrs. Old napo ako subrang lakas po ang regla k na abot napo ng 16 days po malakas parin at buo buo ang lumalabas na dugo. 2months napo na ganito katagal ang regla k

    ReplyDelete
  6. 43 palang po ako pero ang dami kong nararamdaman sa katawan ko, at ang totoo nag aalala na ko.

    ReplyDelete
  7. 43 n po ako turning 44 s july,bakit po b ako bigla di nag regla,,nagPT npo ako twice negative nmn po,,pero nattkot po ako kc bala buntis po ako,,pero kompleto nmn po inom ko ng pills since 12 yrs kona po ginagamit,anu po kya dahilan

    ReplyDelete
  8. 50 yr old napo ako 2 month di po ako niregla nung ika 3 months ko niregla po ako umabot po ng 8 days tapos feb niregla ako 3 days tapos nasundan po ng feb19 till march 11 so 21 days po inabot regla ko ngayon sumasakit ung puson ko expected ko bk rereglahin ako uli umihi po ako pag punas ko ng tissue may bahid ng dugo ano po ba un papunta na ba sa menepouse

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

7 Benepisyo Ng Pagkain Ng Langka Sa Ating Katawan!

Ang langka   ay isang prutas na kilalang-kilala sa Pilipinas dahil sa lasa at kakaibang amoy nito at karaniwang iniluluto na minatamis o ginataan. Ang prutas na ito ay mayaman s bitamina, mineral, at anti-oxidants na maganda para sa ating katawan.  Marami sa atin ang madalas magluto ng langka dahil sa matamis at masarap nitong lasa. Alam niyo ba na hindi lang ito masarap, ito rin ay isang halamang gamot na panlaban sa iba't ibang karamdaman at nakakapagbigay ng maraming health benefits. Narito ang mga importanteng benepisyo ng pagkain ng langka! 1. Nagbibigay proteksyon sa colon Dahil sa taglay nito anti-oxidant properties, kaya nitong bigyan ng proteksyon ang colon o bituka. Ito rin ay punong-puno ng fibers na kaya linisin ang iyong bituka upang ikaw ay makadumi ng maayos.  2. Proteksyon sa mata Ang langka ay mayroong bitamina A na isang nutrient na kailangan ng ating mata. Nakakatulong din itong iimprove ang iyong paningin ...

Tips Para Tanggalin Ang Pumasok Na Langgam/Insekto Sa Loob Ng Tenga

Naranasan niyo na bang mapasukan ng insekto o ng langgam sa tenga? Napakasakit talaga nito at hindi ka mapapakali. Bukod sa nakakarinig ka ng parang may naglalakad o pumuputok na tunog sa loob ng inyong tenga. Minsan ay maaari ka pang makagat sa loob o mawalan ng pandinig. Kaya narito ang mga tips kung paano tanggalin ang nakakairitang langgam o insekto na pumasok sa iyong tenga: 1. I-wiggle o galaw galawin ang tenga Subukang galaw-galawin o i-wiggle ang apektadong tenga. Sa paraang ito, maaaring mahulog ang insekto papalabas. 2. Patakan ng langis o baby oil Ang langis ay makakapagpigil sa paggalaw ng insekto o langgam papaloob sa tenga. 3. Patakan ng kaunting tubig Gamit ang dropper o bulb syringe, patakan ng kaunting tubig ang loob ng tenga upang malunod ang insekto. Galawin ang ulo at tenga para lumabas ang tubig. 4. Pahiran ng butil ng asukal ang labas ng tenga Ang matamis na amoy ng asukal ay pang-aakit sa langgam upang lumabas. 5. I-...

7 Nakakamanghang Benepisyo Ng Paglalagay Ng Yelo o Ice Cube Sa Mukha Para Pampaganda

Dala ng mainit na panahon at matinding sikat ng araw, hindi maikakaila na ang ating balat ay nagsisimulang maging mukhang stressed at dull. Dahil dito, ang pagpahid ng ice cube o yelo sa mukha ay nakaka-refresh sa pakiramdam.  Kapag araw-araw ay nakakaranas ng stress ang iyong mukha at balat, ang ice facial ay makakatulong sa iyo upang maibalik ang dating glow ng mukha. Narito at alamin ang benepisyong hatid nito kaya naman nagiging beauty trend ito. 1. Nakakapagpaliit ng pores Kapag mainit ang panahon, ang ating mga pores sa mukha ay naka-open. At kung palaging ganito ang sitwasyon, mas maraming dumi ang kumakapit sa ating mukha at maaaring siyang maging dahilan kung bakit tinutubuan ng tigyawat. Ang pagpahid ng ice cube sa iyong mukha matapos itong hugasan ay nakakatulong upang mapaliit ang iyong mga pores at maiwasan ang pag-accumulate ng dumi. 2. Ibinabalik ang glowing skin Lahat naman ay ninanais na magkaroon ng makinis at glowing skin. At an...