Ang pagkakaroon ng sirang ngipin o cavities ay isa nang karaniwang kondisyon na naaapektuhan ang mga taong nasa edad 6 na taong gulang pataas. Kadalasan, ang pagkasira ng ngipin ay hindi pinapansin hanggat walang naramdamang pananakit ang isang tao.
Alam niyo ba na nakasalalay sa ating mga kinakain araw-araw ang kalusugan ng mga ngipin? Narito at alamin ang mga uri ng pagkain na nakakapagdulot ng pagkasira ng ngipin!
1. Candy
Kaya madalas na ipinagbabawal ng mga magulang sa kanilang anak ang pagkain ng candy ay dahil madali itong makasira sa kanilang ngipin. Ang mga gummy candies ay maaaring dumikit sa iyong mga ngipin ng mas matagal. Ang mga hard candy naman, bukod sa sobrang tamis ng mga ito ay masyado itong matigas na pwedeng mabasag ang iyong ngipin kapag iyong kinagat.
2. Soda o softdrinks
Ayon sa mga pagsusuri, ang madalas na pag-inom ng mga softdrinks ay nakaka-damage sa ating mga ngipin.. Ito ay dahil nagkakaroon ng madaming acid sa ating bibig na nakakaapekto sa tooth enamel. Ang mga soda na may dark-color ay maaaring makapagdulot ng mantsa sa ngipin.
3. Al@k
Ang paginom ng al@k ay nakakapagdulot ng panunuyo ng bibig. Ang bibig na dry at kakaunting laway ay nakakapagpataas ng tyansa sa pagkasira ng ngipin. Ito ay dahil ang ating laway ang siyang nakakapagiwas upang hindi dumikit ang pagkain sa ngipin. Upang mapanatiling hydrated ang bibig, uminom ng maraming tubig.
4. Tsaa at kape
Ang mga inuming ito ay nakakapagdulot ng stain o mansta sa ating ngipin kaya ito ay naninilaw. Gaya ng softdrinks ang mga inuming ito ay nakakapagpataas ng acid na maaaring makasira ng ngipin.
5. Yelo
May ilang tao na mahilig ngumuya ng yelo. Kung ito ay iyong gawain ay itigil mo dahil maaari itong makasira sa iyong ngipin. Ang pagkagat at pagnguya ng matigas na bagay ay maaaring mauwi sa pagkabasag ng ngipin.
6. Citrus fruits
Ang mga citrus fruits gaya ng orange at lemon ay healthy para sa kalusugan. Ngunit ang mga ito ay dapat kinakain ng pakonti konti. Dahil ang acid content ng mga ito ay maaaring makapinsala sa ating tooth enamel at mapalala lamang ang pagkasira ng ngipin.
Masakit ngipin ko.among the best medicine n e take.KO
ReplyDelete