Nag-iisip ka ba kung ano ang magandang ipangalan sa iyong magiging anak na babae? Hindi malaman kung ano nga ba ang ipapangalan mo? Naghahanap ng pangalan na may magandang kahulugan? Tiyak na ang nilalaman ng artikulong ito ay mabibigyan ka ng kaalaman at matutulungan kang makapili ng ipapangalan sa iyong munting anghel.
Isa sa mahirap na desisyon ng mga magulang kung ano ang ipapangalan sa kanilang anak. Minsan nagiging katuwaan ang pagiisip sa ipapangalan, na kung saan nauuwi pa ito sa bangayan ng mga partido ng pamilya. May mga magulang rin na gustong ipangalan muli ang kanilang pangalan sa kanilang anak, mga pinagsamang pangalan ng magulang, mga pangalan na may kahulugan at mga pangalan na kakaiba.
Mahaba man o maikli ang maibibigay na pangalan sa iyong anak, ang importante ay nabiyayaan kayo ng isang magandang anghel. Narito ang Labing-lima na pangalan na maaari mong pagpilian. Pangalan at ang kanilang kahulugan.
Mga pangalan ng babae para sa iyong baby:
1. Simula sa Letter A
• Arya
Isa ito sa mga trending na pangalan ngayong 2018. Maihahalintulad ito sa karakter na nagngangalang ‘Arya’ sa Games of thrones na nagpapakita ng isang malakas at matapang na babae. Nangangaluhugan rin ang pangalan na ito ng marangal at kagalang-galang.
• Astrid
Astrid na ang ibig sabihin sa Danish, Scandinavian at Swedish ay isang napakagandang diyosa. Ayon na rin sa karakter sa Crazy Rich Asians, nagpapakita ito ng pagkaelegante at lakas ng dating kahit saan mang parte ng gawain.
• Anais
Ito ay isa sa popular na trending ngayong 2018, Kasama ang mga pangalan na nagsisimula at huling letra na ‘S’. Ang pangalan na Anais ay isang orihinal na salitang Prances at kaugnay ng pangalang ‘Anne’ na ibig sabihin ay grace o pagpapala.
2. Pangalawa sa Letter B
• Bernice
Ito ay griyegong pangalan na nabanggit sa librong ‘Book of Acts’. At nangangahulugan ito na, isang tao na nagdudulot ng tagumpay.
• Blake
Napaka-interesado ng pangalang ito dahil nagtataglay ng dalawang kahulugan na magkaiba ang ibig sabihin. Ayon sa dalawang lumang salitang Engles, Una,nangangahulugan itong maitim o madilim na kulay ng balat. Samantalang ang pangalawa ay maliwanag, kumikinang at maputi ang buhok.
• Bridget
Kung ang hanap mo ay isang makapangyahirang pangalan para sa iyong anak tutugma ang pangalan na ito sa kaniya. Ang ibig sabihin ng pangalang ‘Bridget’ ay kapangyarihan, lakas, puwersa, at kabutihan na galling sa Gaelic. At ang ibig sabihin ng pangalang ito sa Irish ay isang mataas na tao. 3. Pangatlo sa Letter C
• Caroline
Ayon sa pag-aaral karaniwan sa mga taong CEO ay nagngangalang Caroline. Kaya kung gusto mong madaling makahila ng tagumpay ang iyong anak, ibigay mo ang pangalang ito sa kaniya. At ngangahulugang ‘free man’. Ito rin ay nauugnay sa pangalang Caroline na isang klasikong pangalan na ibig sabihin ay elegante, gilas, o kisig.
• Casey
Kung ikaw ang isang klase ng magulang na walang pinipiling kasarian tungkol sa pagpapangalan sa kaniyang anak ay natutugma ang pangalang ‘Casey’ sa iyong anak. Ito ay isang mahusay na pagpipilian. At ang ibig sabihin ay matapang sa labanan.
• Catherine
Tinatawag itong isa sa pinaka mahusay na pangalan. Dahil ang ngalan na ito ay nagbibigay kahulugan ng pambabaeng pangalan, pang reyna, at pang santong pangalan. Isa rin ito sa mga pangalan ng nagkamit ng mga tagumpay. Galing ito sa orihinal na griyego at nauugnay sa pangalang Katherine na ang ibig sabihin ay dalisay.
4. Pang-apat sa Letter D
• Daisy
Ito ay isang bulaklak na pangalan. At palayaw sa pangalang Margaret na ang ibig sabihin ay perlas. Isa ito sa mga karaniwang pangalan na maririnig.
• Diana
Isa itong romanong diyosa ng buwan, mangangaso at kalikasan. Ang pangalan na ito ay isang makalangit na presensiya. At ang ibig sabihin ng pangalan na ito ay banal.
• Delilah
Bagaman kilala sa bibliya bilang isang babaeng nanlinlang kay Samson para ipahayag ang kaniyang sikretong lakas, Ang pangalan na ‘Delilah’ sa Hebrew ay nangangahulugang maselan o delikado. Ngunit isa ito sa mga trending na pangalan. At nangangahulugan naman ito sa US na galak o ligaya.
5. Pang-lima sa Letter E
• Eunice
Kung hilig mo naman ay mga pangalan na galing mula sa bibliya, Isa ito sa pangalan na iyong pagpipilian. Ang ibig sabihin sa griyego ay magandang tagumpay.
• Ember
Halos lahat ng mga sikat na pangalan ng baby ngayon ay nagtatapos sa ‘-er’. Ember kaugnay ng pangalan na Amber, nangangahulugang kislap, kinang, o isang nasusunog na mababa. Naglalarawan sa kumikinang, mainit na baga na nanatiling may apoy.
• Eleanor
Ayon sa pag-aaral isa ito sa mga pangalan na may mataas na nakamit mula sa mga pribadong kolehiyo. At ayon sa griyego ay ibig sabihin isang maliwanag, at kuminang.
Comments
Post a Comment