Tayo ay may kanya-kanyang suliranin pagdating sa ating buhok. Kung ang iba ay nakakaranas ng dry at nagbabalakubak na anit, ang iba naman ay pinoproblema kung paano matanggal ang sobrang langis sa kanilang buhok.
Ang pagkakaroon ng oily hair o malangis na buhok ay nagdudulot hindi komportableng pakiramdam, dahil bukod sa mainit ito sa ulo ay parang mabigat pa ang ito sa pakiramdam. Ang pakakarooon ng oily hair ay dulot ng napakaraming bagay. Maaaring ito ay dahil sa panahon, palagiang paghawak sa buhok, hormonal imbalance, paggamit ng hindi hiyang na hair products, etc.
Samantala, mayroon namang mga natural na home remedies upang matanggal ang pagiging oily ng buhok. Narito at alamin!
1. Apple Cider Vinegar
Ang taglay na acetic acid sa apple cider vinegar ay nakakatulong sa pagbabalanse ng pH. Ang paghuhugas ng buhok gamit ang sukang ito, 3-4 na beses sa isang linggo ay makakatulong upang ibalik ang normal pH ng iyong buhok at mabawasan ang paglalabas ng excess oil.
Maghalo ng 2-3 kutsarang apple cider vinegar sa isang tasang tubig. Matapos i-shampoo ang buhok ay ipagbanlaw ang ginawang mixture sa iyong buhok. Iwanan ng ilang minuto saka banlawan.
2. Coconut oil
Ang paglalagay ng coconut oil bago mag-shampoo ay mabisa upang makondisyon ang iyong buhok at hindi ginagawang malangis ito. Nakakatulong ito na magbigay ng dagdag kinang sa buhok habang pinipigilan ang sobrang paglalangis nito.
Magpahid ng kaunting coconut oil sa iyong palad saka ipangmasahe ito sa iyong ulo. Makalipas ng ilang minuto ay maaari na itong ishampoo at banlawan. Gawin ito isang beses sa isang linggo.
3. Aloe Vera na may lemon juice
Ang gel sa aloe vera ay mayroong astringent at nourishing properties dahil sa napakayaman nitong komposisyon. Nakakatulong itong ikontrol ang pagdami ng langis sa iyong anit habang pinapalambot din nito ang iyong buhok.
Maglagay ng 2 kutsarang aloe vera gel at 1 kutsarang lemon juice sa isang tasang tubig at paghaluin. Matapos mag-shampoo ay ilagay ito sa iyong buhok. Iwanan ng ilang minuto bago banlawan.
4. Baking soda
Ang baking soda ay epektibong gamitin bilang isang dry shampoo upang mabawasan ang paglalangis ng iyong buhok. Ang alkaline nature nito ay nakakatulong balansehin ang pH sa iyong anit habang inaabsorb ang sobra-sobrang langis.
Magtaktak ng sapat na amout ng baking soda sa iyong anit at ulo. Ibrush ito upang ma-distribute ng pantay pantay sa ulo. Gawin ito 2 beses sa isang linggo.
5. Cocoa Powder
Ang teknik na ito ay epektibo sa mga dark na buhok. Maaari itong gamiting parang dry shampoo tulad ng sa baking soda. Mag-sprinkle ng cocoa powder sa iyong buhok at anit upang macontrol ang excess oil production.
6. Oatmeal
Ang oatmeal ay mayroong napakaraming benepisyo pagdating sa ating buhok. Ang makapal nitong consistency ay tumutulong upang iabsorb ang sobrang langis sa iyong buhok. Ito rin ay mild gamitin kaya pwede ito sa mayroong mga sensitibong balat.
Gamit ang nilutong oats, iapply ito ng pantay-pantay sa iyong anit na parang hair mask. Iwanan sa loob ng 15-20 minuto bago magbanlaw.
Comments
Post a Comment