Ang lifestyle at genetics ay may malaking kinalaman sa kondisyon ng ating balat. Ngunit hindi ibig sabihin nito na wala ng pag-asa na magkaroon ng maganda at makinis na kutis.
Kung mapapansin, ang mga Koreanang babae ay napakaganda ng kanilang mga balat. Ito ay dahil na rin sa kanilang mga food choices na karamihan sa kanilang mga kinakain ay mga madahong gulay. Samantala, narito ang mga top "skin foods" na bukod sa healthy na ay makakatulong pa sa pagkakaroon ng maganda at makinis na kutis!
1. Kamatis
Ang kamatis ay mayroong taglay na lycopene na siyang nakakapagbigay ng pulang kulay nito. Ito ay nakakapagboost ng collagen, isang protein na nakakapagbigay ng younger looking skin. Nakakatulong din itong labanan at alisin ang mga free radicals na nakakapagdulot ng premature aging.
2. Carrots
Ang carrots ay hindi lang pagkain na para sa mata. Sa katunayan, ang beta-carotene at vitamin A na taglay nito ay nakakapagpigil sa overproduction ng cells sa panlabas na bahagi ng balay. Ibig sabihin, mas kumokonti ang panunuyo sa balat na maaaring makapagbara sa iyong mga pores.
3. Turmeric
Ang indian spice na ito ay nakakatulong sa pagprotekta ng balat dahil sa taglay nitong active antioxidant na curcumin. Ayon sa mga research, nakakatulong din itong magpaputi sa maiitim na parte ng balat na dulot ng pagtanda, hormonal imbalance, at pagkaka-expose sa araw. Maaari rin itong gawing facial mask, ipaghalo lamang sa honey.
4. Citrus Fruits
Ang mga citrus fruits tulad ng lemon, orange, at kalamansi ay magandang source ng vitamin C. Ito ay nakakatulong sa pagpapalakas ng immunity at epektibo sa pagpapanatiling healthy ang katawan at balat.
5. Itlog
Ang yolk o pula ng itlog ay mayaman sa bitamina na esensyal sa proper cell function. Ito ay rin ay may taglay na beauty vitamin na biotin, na nakakatulong sa pagtubo ng buhok at nagpapatibay sa mga kuko. Ayon sa mga research nakakatulong din itong protektahan ang balat laban sa acne, rashes, at panunuyo.
6. Papaya
Kung mapapansin, karamihan sa mga beauty products ay ginagamit ang papaya bilang sangkap. Ito ay dahil mayroon itong enzyme na papain, na nakakatulong sa pagtanggal ng mga blemishes at acne. Bukod dito ay mayroong din itong whitening effect sa balat.
Comments
Post a Comment