Skip to main content

Ito ang Limang Tips Kung Paano Pumili ng Masarap na Pakwan!




Madalas na makita sa pamilihan ang isang malaking prutas na kulay berde na may hugis bilog at naglalaman ng kulay pulang laman na may kasamang maliliit na kulay itim na buto. Sa tingin ko alam niyo na ang tinutukoy ko. Ito ang pakwan o watermelon. 

Ang prutas na ito ay naglalaman ng mga benepisyong maganda para sa ating kalusugan. Ngunit hindi tungkol dito ang ating pag-uusapan, ituturo namin sainyo kung paano pumili ng wastong pakwan upang malasap ang tamang sarap nito.

Sadyang nakakainis nga naman na kapag tayo ay bumili ng pakwan, hindi akma ang itsura nito sa kanyang lasa. Minsan ay maganda nga ang balat nito at kulay subalit matabang naman ang lasa nito.

Kaya naman sa artikulong ito, ibibigay namin ang limang tips sa pagpili sa perpektong pakwan.




1. Field Spot

Ito ang unang hakbang sa pagtingin sa perpektong pakwan. Kapansin-pansin sa balat ng pakwan ang mga kulay puting parte nito sa tuwing bumili tayo. At ang tawag dito ay field spot. Ito ang indikasyon na kung saan ang parteng puti ay siyang nakapatong sa lupa. Ang lahat ng pakwan ay makikitaan nito ngunit ang paraan ng pagpili kung ano ang mas the best na pakwan ay ang spot nito. 

Sa tuwing pipili ng pakwan, piliin ang may kulay na creamy-yellow o kaya naman kung minsan ay orange-yellow na balat.


2.Webbing



Ito ang paraan na makapagsasabi sa iyo na kung saan at ilang beses ang tiyansang dumapo ang bubuyog sa bulaklak o sa pakwan. Kung gaaano kadami ang batik-batik nito na makikita ay siya namang sagot sa kung gaano ito katamis. Kaya mas mainam na piliin ang ganitong itsura ng pakwan. Hindi po ito bulok kung hindi ito ang pakwan na nagtataglay ng masarap at matamis na lasa.


3. Gender Choice

Hindi lamang tao ang may kasarian, pati na rin ang prutas na pakwan. Paaano ito malalaman? Sa paraan ng pagtingin sa laki, at sa hugis nito. Ang lalaking pakwan ay mas malaki kumpara sa babaeng pakwan. Samantalang ang babaeng pakwan naman ay mas bilog. Ngunit hindi lamang iyon matutukoy mo rin na lalaki ang pakwan kung ito ay mas masabaw. At ang tamis at sarap naman nito ay mas mataas ang sa babae kumpara sa lalaki.

4. Size

Sa tuwing tayo ay bumibili ng pakwan aminin man natin o hindi ang gusto natin ay ang mas malaki. Ngunit hindi ito ang tamang pagpili. Pumili ng pakwan na may tamang sukat lamang. Ang tamang sukat o laki ng pakwan ay siyang perpektong pakwan na dapat bilhin dahil ito ay masarap.

5. Tail

Ang tangkay ng pakwan ay isang magandang paraan ng pagtingin dito kung ito ay isang magandang klase ng pakwan at kung hinog ba ito. Ang kulay berdeng tangkay ng pakwan ay siyang magsasabing hindi ito hinog at pinitas ito nang ito ay mura pa lamang. Ang tuyot naman na tangkay ay siyang nagpapatunay na hinog itong kinuha at masarap ang lasa nito.

Comments

Popular posts from this blog

7 Benepisyo Ng Pagkain Ng Langka Sa Ating Katawan!

Ang langka   ay isang prutas na kilalang-kilala sa Pilipinas dahil sa lasa at kakaibang amoy nito at karaniwang iniluluto na minatamis o ginataan. Ang prutas na ito ay mayaman s bitamina, mineral, at anti-oxidants na maganda para sa ating katawan.  Marami sa atin ang madalas magluto ng langka dahil sa matamis at masarap nitong lasa. Alam niyo ba na hindi lang ito masarap, ito rin ay isang halamang gamot na panlaban sa iba't ibang karamdaman at nakakapagbigay ng maraming health benefits. Narito ang mga importanteng benepisyo ng pagkain ng langka! 1. Nagbibigay proteksyon sa colon Dahil sa taglay nito anti-oxidant properties, kaya nitong bigyan ng proteksyon ang colon o bituka. Ito rin ay punong-puno ng fibers na kaya linisin ang iyong bituka upang ikaw ay makadumi ng maayos.  2. Proteksyon sa mata Ang langka ay mayroong bitamina A na isang nutrient na kailangan ng ating mata. Nakakatulong din itong iimprove ang iyong paningin ...

7 Nakakamanghang Benepisyo Ng Paglalagay Ng Yelo o Ice Cube Sa Mukha Para Pampaganda

Dala ng mainit na panahon at matinding sikat ng araw, hindi maikakaila na ang ating balat ay nagsisimulang maging mukhang stressed at dull. Dahil dito, ang pagpahid ng ice cube o yelo sa mukha ay nakaka-refresh sa pakiramdam.  Kapag araw-araw ay nakakaranas ng stress ang iyong mukha at balat, ang ice facial ay makakatulong sa iyo upang maibalik ang dating glow ng mukha. Narito at alamin ang benepisyong hatid nito kaya naman nagiging beauty trend ito. 1. Nakakapagpaliit ng pores Kapag mainit ang panahon, ang ating mga pores sa mukha ay naka-open. At kung palaging ganito ang sitwasyon, mas maraming dumi ang kumakapit sa ating mukha at maaaring siyang maging dahilan kung bakit tinutubuan ng tigyawat. Ang pagpahid ng ice cube sa iyong mukha matapos itong hugasan ay nakakatulong upang mapaliit ang iyong mga pores at maiwasan ang pag-accumulate ng dumi. 2. Ibinabalik ang glowing skin Lahat naman ay ninanais na magkaroon ng makinis at glowing skin. At an...

5 Amazing Health Benefits ng Langka o Jackfruit na Dapat Ninyong Patuuan ng Pansin!

Ang langka ay isang prutas na may malaking puno, hugis bilugan na pahabang malaking bunga, na may tusok-tusok na kulay berdeng balat, kulay dilaw ang laman sa loob, may mabangong amoy at masarap na lasa. Maaari itong kainin at isama sa mga ibang lutuing pagkain. Hindi lamang ito masarap na kainin nagbibigay rin ito ng magandang benepisyo sa katawan at isa rin itong halamang gamot na makatutulong sa mga karamdaman o sakit. Ito ay punong puno ng nutrisyon at benepisyong taglay para sa malusog na kalusugan. Mula sa ugat, dagta, dahon at bunga nito ay nagbibigay ng benepisyo para sa ating katawan na makatutulong sa atin. Subalit pana-panahon lamang ang prutas na langka, kaya naman hanggat mayroon nito, dapat kayong bumili at kumain nito upang makuha ang magandang benefits ng langka. Narito ang mga benepisyong maaaring makuha mula sa langka: 1. Laban sa k^nser Ang langka ay may nilalaman na kayang labanan at pigilan ang k^nser cells sa ating katawan...