Karamihan sa mga kalalakihan ay nais magkaroon ng maskuladong katawan at may abs. Ngunit pati na rin ngayon sa mga babae ay nauso na rin ang pagkakaroon ng abs.
Kung tutuosin, ang abs ay isa nga mga muscles na mahirap i-form dahil kailangan ito ng masinsinang pag-eehersisyo at diyeta. Sa pagpili ng mga kinakain ay makakatulong ito upang mapabilis ang pag-form ng iyong mga. Narito ang listahan ng mga pagkaing dapat iwasan kung nais mong magkaroon ng abs.
1. Kanin o refined grain
Ang mga refine grains tulad ng white rice, white bread, at regular white pasta ay mga pagkaing dapat iwasan kung gusto mong magkaroon ng six-pack abs. Ang mga ito ay carbohydrates na nakakapagpadagdag sa taba sa iyong abdominal area. Mas magandang kainin mo ang mga whole wheat, brown rice, o quinoa.
2. Patatas
Ang patatas ay masustansya, ngunit kung nais mong magkaroon ng abs ay bawasan o iwasan ang pagkain nito dahil ang mga ito ay carbs na maaaring makapagpadagdag sa timbang.
3. Prinosesong karne
Marahil masarap at malasa ang mga processed meats, ang mga ito ay dapat bawasan ang pagkain kahit na hindi mo nais magkaroon ng abs. Dahil ang mga ito ay may mataas na trans fats at oils na hindi rin nakakabuti sa katawan. Ang fats na nilalaman ng mga prinosesong karne ay may kaugnayan sa pagdevelop ng mga heart d!sease.
4. Asukal/ sugar
Ang mga matatamis na pagkain tulad ng ice cream at cakes ay nakakapagdulot ng abdominal fat. Ayon sa mga pagsusuri, ang mga taong mahilig sa matatamis ay nakakain ng mas maraming calories kaysa sa nasusunog nilang taba sa physical activity.
5. Juices at softdrinks
Kung nais mong pumayat at magkaroon ng abs, ang isa sa mga inuming dapat iwasan ay ang mga juice na may artificial sweeterners at softdrinks. Dahil ang mga ito ay punong puno ng asukal na nakakapagdulot ng katabaan. Ang dapat mong inumin ay tubig lamang. Hindi lamang ito nakakapaglinis ng loob ng katawan kundi nakakapagpabilis rin ng metabolismo.
At ang pinaka-importanteng bagay na dapat gawin kung nais magkaroon ng abs ay pag-eehersisyo. Ayon nga sa kasabihan, "No pain, No gain." Kung nais magkaroon ng toned na katawan ay dapat mo itong paghirapan at magkaroon ng tamang disiplina.
Comments
Post a Comment