Ang ating balat ay maaaring ma-damage o masira kapag ito ay napaso. Ang pagkapaso ay nakakapagdulot ng makirot at mahapding pakiramdam na kailangan mong agad bigyan ng pangunang lunas.
Ang unang papasok sa iyong isip kung ano nga ba ang dapat ilagay kapag ikaw ay nakaranas ng pagkapaso. Narito at alamin ang mga remedyo sa paso na agad na matatagpuan sa inyong kusina.
1. Malamig na tubig
Kapag ikaw ay napaso, ang pinakaunang dapat mong gawin ay itutok ang napasong parte sa running tap water sa inyong gripo sa loob ng 20 minuto. Tapos ay hugasan ito ng mild soap at tubig.
2. Cool compress
Kapag napaso ay iwasan munang maglagay ng kung anu-anong pinapahid na gam0t sa balat dahil maaari itong magdulot ng imp*ksyon. Gumamit ng cool hindi cold compress. Basain ang isang bimpo o facetowel at gawin itong pantapal sa apektadong bahagi. Gawin ito sa loob ng 5-10 minutong intervals. Iwasan ang paglalagay sobrang lamig na bagay sa napasong parte dahil maaari lamang itong makapagdulot pa ng iritasyon.
3. Aloe vera
Ang katas ng aloe vera ay mayroong healing properties na nakakatulong sa pagkapaso. Mayroon itong pang-iwas sa implamasyon, nakakatulong sa sirkulasyon, at pangiwas sa pagdami ng bakterya. Iextract lamang ang gel sa dahon ng aloe vera. Iapply ito ng direkta sa napasong bahagi.
4. Honey
Ang honey ay nakakatulong sa paglunas ng minor burns kapag inapply ito ng direkta sa apektadong bahagi. Ito ay mayroong anti-inflammatory, anti-bacterial at anti-fungal.
5. Tea bag
Ang pag-apply ng tea bags sa balat na napaso ay epektibo. Ang tannic acid sa tea ay nakakatulong maibsan ang sak!t na dulot ng pagkapaso. Upang gawin ito, maaari ng gamitin ang mga pinaggamitang tea bag. Itapal ang ito sa apektadong parte at maaaring itali ito gamit ang gasa upang manatili sa lugar.
6. Gatas
Ang milk fat at milk protein ay nakakatulong sa paghilom ng pagkapaso. Ibabad lamang ang napasong parte sa gatas sa loob ng 15 minuto. Ito ay makakapagbigay ng agarang ginhawa sa pagkapaso. Sa katunayan, ang yogurt ay nakakatulong ding palamigin ang balat na napaso.
Comments
Post a Comment