Ang pakakaroon ng maitim na kili-kili ay maaaring isang problema na hinaharap ng mga kababaihan, lalo na't kapag sila ay nagsusuot ng mga sleeveless na damit. Nakakahiya nga naman kapag itinaas mo ang iyong kamay at kita ang nangingitim na kili-kili.
Bukod sa pangingitim, isa ring pinoproblema ang pagpapawis nito dahil isa itong major turn-off. Lalo na kung ang pamamawis ng iyong kili-kili ay may kasamang mabahong amoy. Kaya naman narito ang mga solusyong makakatulong sayo.
1. Tomato juice
Bukod sa natatanging healing properties ng tomato juice ay nakakatulong din itong magpaliit ng mga pores at bawasan ang matinding pagpapawis. Ang pag-inom ng isang baso ng fresh tomato juice araw-araw ay nakakatulong upang makontrol ang pagpapawis. Kung ayaw mo naman gawin iyon, ay maaaring ipahid nalamang ang tomato juice sa iyong pawising kili-kili. Iwanan ng 10 minuto bago banlawan.
2. Lemon o kalamansi
Natural na nakakapagpaputi at nakakapagtanggal ng amoy ng kili-kili ang lemon o kalamansi dahil sa citrus na amoy nito. Hiwain lamang ng ilang slices ng lemon o hatiin ang kalamansi sa dalawa. Ikuskos ito sa kili-kili at hayaan ng sampung minuto bago hugasan. Lagyan ng tawas kung kinakailangan.
3. Baking Soda
Ang baking soda ay alkaline, pinipigilan nito ang pagdami ng bacteria-loving acids sa iyong pawis at maaari pa itong gawing isang natural na deodorant. Haluin sa tubig ang isang kutsarang baking soda hanggang makagawa ng paste. Ipahid ito sa iyong kili-kili at hayaang matuyo bago hugasan.
4. Patatas
Ang patatas ay mainam na gamitin sa pagpapaputi ng balat lalo na sa parte ng iyong kili-kili. Maghiwa ng patatas o gayatin ito, ipangkuskos ito sa iyong kili-kili. Nakakatulong ito upang ma-absorb ang sobrang pamamawis. Hayaang matuyo ito sa kili-kili bago magsuot ng damit.
5. Asin
Ihalo ang asin at katas ne lemon at imasage ito sa iyong kili-kili. Iwanan ng ilang minuto at hugasan ng cold water. Ang prosesong ito ay nakakatulong upang maexfoliate ang maitim na kili-kili at bawasan ang activity ng mga sweat glands na siyang nakakapagdulot ng pamamawis ng kili-kili.
6. Tea tree oil
Ang tea tree oil ay nagsisilbing isang astringent na nakakatulong malabanan ang mga bakteryang kumakalat dahil sa pawis. Ibabad lamang ang bulak sa tea trea oil, at itapal-tapal ito sa iyong kili-kili araw-araw.
Comments
Post a Comment