Ang pagkakaroon ng mataas na presyon o high blo0d pressure ay delikado dahil maaari itong mauwi sa pagkakaroon ng kidney o heart failure. Ang mga taong mayroong mataas na BP ay dapat maging aware sa lifestyle at sa mga uri ng pagkaing dapat at hindi dapat kainin upang hindi malagay sa panganib ang kanilang buhay.
Isa sa mga pagkaing magandang kainin ng mga may mataas na presyon ay ang pipino o cucumber. Sa kabuuan, ang pipino ay nagtataglay ng 95% na tubig. Ito ay may kakayahan na magpababa ng blo0d pressure dahil sa taglay nitong potassium na nakakatulong upang maregulate ang amount ng sodium sa dugo. Narito ang mga dahilan kung bakit mo ito dapat inumin kung ikaw ay high blo0d.
1. Kinokontrol ang presyon
Ang pipino ay nagtataglay ng hormone na kailangan ng ating lapay o pancreas cells para sa produksyon ng insulin. Napag-alaman ng mga researchers na ito ay nagtataglay ng isang compound na sterols, na nakakatulong sa pagpapababa ng lebel ng kolesterol sa katawan
2. Nagtataglay ng mataas na level ng potassium
Ang pipino ay nagtataglay ng mataas na level ng potassium, fiber at magnesium. Ang mga nutrisyon ito ay epektibong nagtatrabaho para maregulate ang bl0od pressure mapa high blo0d o low blo0d man ito. Ang isang average size ng pipino ay nagtataglay ng 442mg ng potassium.
3. Mababa ang taglay na sodium
Ang pagkain ng high-sodium diet ay nakakapagdulot ng pagtaas ng blo0d pressure. At sa mga taong may mataas na presyon, dapat ay hindi magkokonsumo ng higit sa 1,500 mg ng sodium o maaalat na pagkain kada araw. Ang water content ng pipino ay nakakatulong i-flush out ang excess sodium sa ating katawan.
4. Pampapayat
Kung ikaw ay overweight o obese, ikaw ay may mataas na tiyansang magkaroon ng high blo0d pressure. Upang mapababa mo ito, ang kailangan mong gawin ay magbawas ng sobrang timbang. At ang paginom ng cucumber juice o water ay nakakatulong dito dahil pinapanatili nitong busog ang iyong tiyan upang hindi ka mapakain ng marami. Ito rin ay nasisilbing isang detox drink upang mailabas ang mga toxins sa katawan at matagtag ang excess fats.
Paano gagawin ang cucumber juice?
Ingredients:
1-3 pipino
1 tasa ng tubig
lemon juice (pampalasa kung kinakailangan)
1. Alisin ang balat ng mga pipino
2. Hiwain sa maliliit na piraso
3. Ilagay sa blender and pipino at tubig at iblend sa loob ng 2-3 minuto
4. Maaaring salain ito upang mas maging pino bago ilipat sa isang baso
5. Dagdagan ng lemon juice kung kinakailangan para sa lasa
6. Palamigin at inumin
Comments
Post a Comment