Skip to main content

Posts

Showing posts from April, 2019

Ito ang 7 na Amazing Benefits ng Guava Para sa Ating Buhok, Paningin at Digestion

Karamihan sa atin ay walang kamalayan sa benepisyong hatid ng prutas na bayabas. Sa kaniyang taglay na aroma at sarap na lasa ay madalas na pitasin sa ating bakuran upang kainin ng hilaw. Bukod pa rito ginagawa itong juice, kasama sa sangkap ng salad at panghimagas. Ito din ay sagana sa nutrisyon at magagandang benepisyo sa kalusugan. Kaya naman tunghayan ang pitong benepisyong hatid ng bayabas sa ating balat, katawan, at buhok.  1. Radiant Skin  Maniwala ka man o hindi apat na beses ang taas na bitamina C ng bayabas kumpara sa prutas na orange. Mataas rin ang nilalaman nitong tubig. Sa pagkain ng bayabas matutulungang mamoisturize ang balat, pasiglahin ang produksyon ng collagen at elastin nang sa gayon mapanatiling matatag, banat at bata ang inyong balat. Mapahinog o hilaw man itong kainin ay napakaganda ang maihahatid nito para sa ating balat.  2. Good for mental health Ang prutas na bayabas ay magandang mapagkukunan ng coppe...

6 Masamang Epekto Ng Cellphones Sa Mga Bata

Marami sa mga kabataan ngayon ay mayroon na ring sari-sariling mga cellphones. At ang nakakabahala rito ay mas namumulat ng maaga ang kanilang kaisipan tungkol sa napakaraming bagay na madaling makita sa internet.  Ngunit ang paggamit ng cellphone sa mga kabataan ay mayroong nakakabahalang epekto. Hindi man ito agad napapansin, ngunit sa bandang huli ay nalalagay sa panganib ang kanilang buhay at kalusugan. Narito at alamin ang mga masamang epekto ng paggamit ng cellphones sa mga kabataan. 1. Madaling paglabo ng mata Kung madalas na nakatutok ang mga mata ng mga bata sa screen ng cellphone, tiyak na madaling lalabo ang kanyang mata sa murang edad. Ito ay dahil sa eye strain na nararansan tuwing tinititigan ang liwanag na nagmumula sa gadget at binabasa ang mga maliliit na nakasulat sa screen. Minsan ay dahil rin natutuyo ang mata dahil sa sobrang pagkakamulat.  2. Nae-expose sila sa radiation Alam naman natin na kahit ang mga maliliit na cellph...

5 Uri Ng Belly Fat At Kung Papaano Tanggalin Ang Mga Ito

Kung sino man ay mayroong malaking tiyan o bilbil ay tiyak na pinoproblema niya ito. Ito ay isang karaniwang problema dahil ang pagpapaliit ng tiyan ay hindi ganoon kadali. Ngunit hindi lahat ng pagkakaroon ng malaking tiyan ay ibig sabihin dahil marami ang iyong kinakain. Minsan kahit gaano pa karaming exercise ang iyong gawin ay naririyan pa rin ang iyong bilbil. Maaaring ito ay dahil hindi ito umuubra sa uri ng iyong belly fat.  Alamin ang mga uri ng belly fat at kung ano ang dapat gawin upang lumiit ito. 1.    Stressed Belly Ang cortisol ay mayroong napakalaking impact sa katawan ng mga tao lalo na sa mga nakakaranas ng matinding stress. Ito ay konektado sa pagdagdag ng timbang dahil hinahayaan nitong magtago ng taba ang katawan. Nakakapagdulot ito ng pagkaengganyong kumain sa mga taong balisa at stressed. Nagkakaroon rin ng stressed belly kapag ikaw ay hindi nagkakaroon ng sapat na tulog. Solusyon: Magkaroon ng sapat na pahinga ...

5 Natural Na Paraan Para Maiwasan Ang Marupok Na Mga Kuko At Mapaganda Ang Pagtubo

Sa dami ng iba't ibang produkto na ating nahahawakan o pinapahid, minsan ito ang nagiging dahilan kung bakit nagka-crack o nagiging marupok ang ating mga kuko. Ngunit mayroon ding pagkakataon na kaya nasisira ang mga kuko ay dahil may kaakibat itong problema sa ating kalusugan.  Gayunpaman, dapat ay napapanatili pa rin natin ang kalusugan ng ating mga kuko. Dahil ang pagkakaroon ng matibay at makintab na kuko ay sinasalamin na tayo ay nasa malusog na kalagayan. Kaya narito ang mga natural na paraan para maiwasan ang mga marupok na kuko.  1. Coconut oil Ang coconut oil ay hindi lamang para sa balat at buhok, nakakatulong rin itong protektahan ang mga kuko laban sa negatibong epekto ng mga free radicals. Mayroon itong antibacterial at antioxidant properties. Magapply lamang ng warm coconut oil sa mga kuko at sa paligid nito at unti-unti itong imasahe upang mas ma-abosorb ng mabuti. 2. Olive oil Ang langis na ito ay nakakatulong upang ma-moiztur...

5 Powerful Benefits Ng Katas Ng Celery

Ang celery ay isa sa mga gulay na napaka-sustansya. Ito ay isang sikat na pagkain para sa mga gustong magpapayat dahil ito ay isang 'negative-calorie food.' Maaari itong kainin bilang isang gulay o kunin ang katas at inumin.  Bukod sa nakakatulong itong magbawas ng timbang, narito ang ilang powerful benefits nito. 1. Pinapanatili ang kalusugan ng bladder at kidney Para sa mga taong may problema sa kanilang bladder o kidney, ang katas ng celery o celery juice ay napakagandang inumin. Ang paginom ng 1-2 basong celery juice araw-araw ay nakakatulong makapagpaiwas sa pagbuo ng mga kidney stones. 2. Pang-regulate ng presyon Kasama sa mga health benefits ng celery ang kakayahan nitong mapababa ang mataas na presyon. Ang main component nito na pthalides ay pinapanatiling relaxed ang mga muscles na nakapaligid sa iyong arteries. At dahil dito, magkakaroon ng mas maayos na sirkulasyon ng dug0 sa katawan at mareregulate ang presyon. 3. Pinapatibay a...