Sa dami ng iba't ibang produkto na ating nahahawakan o pinapahid, minsan ito ang nagiging dahilan kung bakit nagka-crack o nagiging marupok ang ating mga kuko. Ngunit mayroon ding pagkakataon na kaya nasisira ang mga kuko ay dahil may kaakibat itong problema sa ating kalusugan.
Gayunpaman, dapat ay napapanatili pa rin natin ang kalusugan ng ating mga kuko. Dahil ang pagkakaroon ng matibay at makintab na kuko ay sinasalamin na tayo ay nasa malusog na kalagayan. Kaya narito ang mga natural na paraan para maiwasan ang mga marupok na kuko.
1. Coconut oil
Ang coconut oil ay hindi lamang para sa balat at buhok, nakakatulong rin itong protektahan ang mga kuko laban sa negatibong epekto ng mga free radicals. Mayroon itong antibacterial at antioxidant properties. Magapply lamang ng warm coconut oil sa mga kuko at sa paligid nito at unti-unti itong imasahe upang mas ma-abosorb ng mabuti.
2. Olive oil
Ang langis na ito ay nakakatulong upang ma-moizturize ang mga kuko at maiwasan ang pagbibitak-bitak. Mataas ito sa vitamin E na nakakatulong sa pag-repair ng mga nasirang kuko at pinapatibay ang pagtubo ng mga ito. Imassage ang olive oil sa mga kuko araw-araw.
3. Pula ng itlog at honey
Ang pula ng itlog o eggyolk ay may mataas na amount ng vitamin A at fatty acids na epektibo sa pagpapatibay ng marupok at manipis na kuko. Ang paghalo ng 1/2 kutsarita ng honey at eggyolk at pag-apply nito sa kuko ay nakakautulong magpakinis at magpalambot ng mga cuticles. Samantala, ang honey naman ay mayroong anti-fungal properties.
4. Lemon
Ang lemon ay mayaman sa vitamin C na nakakatulong sa produksyon ng collagen para sa mas matibay na kuko. Ang katas nito ay may kakayahan ding i-lighten ang mga kukong may mantsa at hinihilom ang mga maliliit na cracks. Pigain lamang ang kalahating lemon at ihalo sa 1 tasang maligamgam na tubig. Ibabad ang mga kuko sa mixture na ito.
5. Vitamin E oil
Kung mapapansin, ang mga kapsula ng vitamin E ay mayroong laman na oil sa loob. Ang oil nito ay nakakapag-improve sa kondisyon ng kuko at nail bed. Nakakatulong ito sa pag-rerepair at pagpapatibay ng mga na-damage at nagbitak na kuko. Hinihilom din nito ang mga nag-dry na cuticles, iniimprove ang sirkulasyon ng dug0 at ini-istimulate ang pagtubo ng mga kuko. Butasan ang isang kapsula ng vitamin E at pigain ang laman nito. Gamit ang cotton buds, ipahid ang oil nito direkta sa iyong mga kuko.
paalala lang sa mga nakabasa sa babala huwag gawin .baka mangyari man sa iyo.
ReplyDelete