Ang pasas o raisins ay madalas na isinasama sa mga salads, ulam, o ginagawang snack. Kahit na ang mga ito ay maliliit, ito naman ay punong puno ng fiber, bitamina, mineral, antioxidants at nakakapagbigay ng enerhiya. Natural na mayroon itong matamis na panlasa at mataas ang calories ngunit ito naman ay benepisyal sa katawan kung kinakain lamang ng katamtaman.
Sa katunayan, ang mga pasas ay nakakatulong sa pagtunaw at pagpapanatili ng matibay na buto. Magpakulo lamang ng katamtamang dami ng pasas sa loob ng 20 minuto at ang pinagkuluan tubig ay inumin . Alamin ang benepisyo ng paginom ng raisin water para sa kalusugan!
1. Nakakapagbigay ng quick energy boost
Ang raisin water ay magandang pamalit o substitute sa mga energy bars. Ito ay nagtataglay ng maraming amount ng micronutrients at walang dagdag na artipisyal na pampatamis. Kung ininom ito sa umaga, mas madadagdagan ang iyong enerhiya para sa buong araw.
2. Pampababa ng bad cholesterol
Ang pasas ay nakakatulong pababaain ang lebel ng mga bad cholesterol sa katawan na siyang nagdudulot ng mga problema sa puso. Ayon rin sa iba pang pagsusuri, ang fiber, potassium, phytonutrients at antioxants na taglay nito ay nakakapagpababa rin ng presyon kumpara sa mga hindi kumakain ng prutas na ito.
3. Pang detox ng katawan
Ang ating liver at kidney ay mga esensyal na organ ng ating katawan dahil ito ang naglilinis sa mga toxins sa nakakapasok sa katawan. Ngunit dahil sa bad food habits at pagkonsumo ng mga matatabang pagkain, humihina ang function ng ating atay at bato. Samantala, ang raisin water ay nakakatulong upang masolusyonan ang problemang ito.
4. Nakaka-improve sa digestion
Dahil sa taglay nitong dietary fibers, nakakatulong ito upang ma-segregate ang mga stomach acids para mas maabsorb ng mabuti ang pagkain at epektibong matunaw ito sa ating tiyan.
5. Pampalakas ng resistensya
Ang mga pasas or raisins ay mula sa pinatuyong ubas o dried grapes. Ang prutas na ito ay magandang mapagkukunan ng antioxdants na nakakapagpatatag sa ating immune system upang maiwasan ang mga sak!t sa ating paligid at maprotektahan ang katawan laban sa mga free radicals.
Comments
Post a Comment