Maaaring Punong-puno ng mga Nakatagong Uod ang Iyong Biniling Broccoli, Kaya Narito ang Tamang Paraan sa Paghugas Nito!
Kilala ang halamang gulay na broccoli bilang isa sa mga masustansiyang pagkain. Punong-puno ito ng nilalaman na bitamina at minerals. Bukod rito madali lamang itong lutuin at may masarap na lasa. Kamag anak nito ang cauliflower at repolyo kung saan ang broccoli ay nagtataglay ng dikit-dikit at maliliit na bulaklak.
Kaya naman mas madali sa mga uod na makapagtago at hindi napapansin. Ang karaniwang nakikitang uod sa mga gulay ay tinatawag na plutella xylostella. Ito ay maliit lamang hindi rin madalas na makita sa labas ngunit hindi malayong madalas itong makain sa ating lutong gulay. Kaya naman alamin kung paano gawin ang simpleng paglilinis ng broccoili upang hindi na ito maisama sa inyong lutuin at makain.
Mga kakailanganin na gamit sa paglinis at pagtanggal ng mga uod na nakatago sa broccoli:
-Kutsilyo
-Palanggana
-Sangkalan
-Tubig
-Harina
-Asin
Ito ang simpleng steps para malinisan ng mabuti ang gulay na broccoli:
1. Hugasan ang buong broccoli upang malinisan at matanggal ang mga kumapit na alikabok, dumi at pesticide.
2. Gamit ang kutsilyo at sangkalan hiwain ang broccoili sa pagitan ng tangkay at bulaklak.
3. Matapos mapaghiwalay ang bulaklak at tangkay hiwain muli ang bulaklak. Hatiin ito sa dalawa upang mas maging maliit ang sukat nito.
4. Lagyan ng tubig ang inihandang planggana. Ibuhos ang pinirasong broccoili.
5. Idagdag ang tatlong kutsarang harina at kalahating kutsarang asin sa planggana upang matanggal ng harina ang mga nakakapit na dumi sa gulay. Samantalang ang asin naman ay mabisang paraan upang maisterilize ito at mapatay ang mga malilit sa insekto, uod at itlog sa loob ng gulay.
6. Haluin ang tubig, broccoili, harina at asin. Hayaan ito ng lima hanggang sampung minuto.
7. Makalipas ang nasabing minuto ay makikita ang malaulap na tubig at mga dumi na nanggaling sa gulay. Kaya naman ihaon ang broccoli sa pinagbabaran at muling hugasan ng malinis na tubig. Ngayon, nalaman na ang simpleng steps ng paglilinis ng boccoli kaya naman maaari nang simulan ang inyong pagluto ng hindi na nakakain ang mga nakatagong uod.
Comments
Post a Comment