Skip to main content

Isang Lalaki, Nagbahagi ng Mahigit 10,000 na Bisikleta sa mga Estudyante Upang Hindi Na Sila Maglakad Papunta Sa Paaralan!



COURTESY: www.facebook.com/than.t.win.967





Alam nating lahat kung gaano kahalaga ang edukasyon para sa kabataan at madalas ay malaki ang nagiging papel nito para mapabuti ang kanilang kinabukasan. Kaya naman kahit mahirap ang estado ng buhay ng ilang pamilya ay sinisikap nilang mapa-aral ang kanilang mga anak.



Ang ilan nga sa mga batang ito ay walang maisuot na uniporme, walang baon o di kaya naman ay naglalakad nalang kapag pumapasok ngunit hindi pa rin tumitigil sa pag-abot ng kanilang mga pangarap.

Ganito ang nasaksihan ng isang lalaki sa kanilang bansa matapos niyang umuwi galing sa Singapore makalipas ang 18 taon na pag-aaral doon.

COURTESY: www.facebook.com/than.t.win.967


Nakilala ang lalaki bilang si Mike Than Tun Win at dahil sa nakitang pangangailangan ng mga bata ay nag-isip siya ng paraan kung papaano matutulungan ang mga ito. Naalala niyang napakaraming bisikletang nakatiwangwang sa bansang Singapore dahil hindi naging epektibo ang programa nito patungkol sa paggamit ng nasabing sasakyan.

COURTESY: www.facebook.com/than.t.win.967




COURTESY: www.facebook.com/than.t.win.967



Kaya naman gamit ang naipong pera ay binili ni Mike ang ilan sa mga ito at maliban sa Singapore ay nag-angkat din siya mula sa ibang bansa kagaya na lamang ng Japan, Thailand at maging sa Netherlands.

Sinuri niyang maayos ang bawat sasakyan at pinalitan ang mga sirang piyesa upang masigurong ligtas ang mga bata sa paggamit nito.

COURTESY: www.facebook.com/than.t.win.967


COURTESY: www.facebook.com/than.t.win.967


Pinadagdagan niya rin ito ng upuan sa hulihan upang nang sa ganoon ay maari pang mag-angkas ng isang tao ang batang pagbibigyan nito.


COURTESY: www.facebook.com/than.t.win.967



Dahil nga sa hangaring ito ay nagtayo na rin si Mike ng sarili niyang organisasyon na tinawag niyang "Less Walk". Ito ay naglalayong mabigyan ng maayos na bisikleta ang mga estudyante sa kanilang lugar partikular na yaong malalayo ang bahay sa paaralan.

Ayon nga sa website niyang lesswalk.org, umabot ng mahigit 10,000 ang mga bisikletang nabili ni Mike at ipagkakaloob niya ito sa mga batang nasa Grade 7 hanggang Grade 10.

Hindi na nabanggit kung anu-anong paaralan ang natulungan ni Mike ngunit siguradong masayang-masaya ang mga bata sa mgandang balitang ito. Siniguro naman ni Mike na hindi ito ang una at huling pagtulong niya sa mga estudyante at sinabing mabibigyan din balang-araw ang ilan pang mga bata.

Marami ang natuwa sa ginawa ni Mike dahil maraming bata ang hindi na kinakailangan pang maglakad papuntang eskwelahan dahil mayroon na silang mga sariling bisikleta na maaari nilang gamitin kung saan hindi pa nakakasama sa ating kapaligiran.

Comments

Popular posts from this blog

7 Benepisyo Ng Pagkain Ng Langka Sa Ating Katawan!

Ang langka   ay isang prutas na kilalang-kilala sa Pilipinas dahil sa lasa at kakaibang amoy nito at karaniwang iniluluto na minatamis o ginataan. Ang prutas na ito ay mayaman s bitamina, mineral, at anti-oxidants na maganda para sa ating katawan.  Marami sa atin ang madalas magluto ng langka dahil sa matamis at masarap nitong lasa. Alam niyo ba na hindi lang ito masarap, ito rin ay isang halamang gamot na panlaban sa iba't ibang karamdaman at nakakapagbigay ng maraming health benefits. Narito ang mga importanteng benepisyo ng pagkain ng langka! 1. Nagbibigay proteksyon sa colon Dahil sa taglay nito anti-oxidant properties, kaya nitong bigyan ng proteksyon ang colon o bituka. Ito rin ay punong-puno ng fibers na kaya linisin ang iyong bituka upang ikaw ay makadumi ng maayos.  2. Proteksyon sa mata Ang langka ay mayroong bitamina A na isang nutrient na kailangan ng ating mata. Nakakatulong din itong iimprove ang iyong paningin ...

Tips Para Tanggalin Ang Pumasok Na Langgam/Insekto Sa Loob Ng Tenga

Naranasan niyo na bang mapasukan ng insekto o ng langgam sa tenga? Napakasakit talaga nito at hindi ka mapapakali. Bukod sa nakakarinig ka ng parang may naglalakad o pumuputok na tunog sa loob ng inyong tenga. Minsan ay maaari ka pang makagat sa loob o mawalan ng pandinig. Kaya narito ang mga tips kung paano tanggalin ang nakakairitang langgam o insekto na pumasok sa iyong tenga: 1. I-wiggle o galaw galawin ang tenga Subukang galaw-galawin o i-wiggle ang apektadong tenga. Sa paraang ito, maaaring mahulog ang insekto papalabas. 2. Patakan ng langis o baby oil Ang langis ay makakapagpigil sa paggalaw ng insekto o langgam papaloob sa tenga. 3. Patakan ng kaunting tubig Gamit ang dropper o bulb syringe, patakan ng kaunting tubig ang loob ng tenga upang malunod ang insekto. Galawin ang ulo at tenga para lumabas ang tubig. 4. Pahiran ng butil ng asukal ang labas ng tenga Ang matamis na amoy ng asukal ay pang-aakit sa langgam upang lumabas. 5. I-...

7 Nakakamanghang Benepisyo Ng Paglalagay Ng Yelo o Ice Cube Sa Mukha Para Pampaganda

Dala ng mainit na panahon at matinding sikat ng araw, hindi maikakaila na ang ating balat ay nagsisimulang maging mukhang stressed at dull. Dahil dito, ang pagpahid ng ice cube o yelo sa mukha ay nakaka-refresh sa pakiramdam.  Kapag araw-araw ay nakakaranas ng stress ang iyong mukha at balat, ang ice facial ay makakatulong sa iyo upang maibalik ang dating glow ng mukha. Narito at alamin ang benepisyong hatid nito kaya naman nagiging beauty trend ito. 1. Nakakapagpaliit ng pores Kapag mainit ang panahon, ang ating mga pores sa mukha ay naka-open. At kung palaging ganito ang sitwasyon, mas maraming dumi ang kumakapit sa ating mukha at maaaring siyang maging dahilan kung bakit tinutubuan ng tigyawat. Ang pagpahid ng ice cube sa iyong mukha matapos itong hugasan ay nakakatulong upang mapaliit ang iyong mga pores at maiwasan ang pag-accumulate ng dumi. 2. Ibinabalik ang glowing skin Lahat naman ay ninanais na magkaroon ng makinis at glowing skin. At an...