Ang beets or beetroot ay isang root vegetable na may matingkad na mamula-mulang kulay. Madalas ito ay isinasama sa mga salads o di kaya ay ginagawang inumin. Ang mga beets ay puno ng mga esensyal na bitamina at mineral na benepisyal sa ating kalusugan lalo na sa pagkontrol ng presyon at pang-diyeta.
Kaya naman, alamin kung anu-ano ang mga benepisyong naibibigay ng pagkain at paginom ng beet juice.
1. Para sa kalusugan ng ating puso
Ang beetroot juice ay magandang mapagkukuhanan ng nitrates. Ang nitrates ay nakakatulong upang paluwagin ang ating mga ugat o blo0d vessels para bumaba ang ating presyon. Kaya mabuti itong inumin ng mga taong may high blood dahil nakakatulong rin ito sa pagpapababa ng kolesterol sa katawan.
2. Panlaban sa implamasyon
Ang implamasyon sa katawan ay maaaring dulot ng sobrang katabaan, sak!t sa puso, sak!t sa atay, at kans*r. Ang beets ay nagtataglay ng pigments na tinatawag na betalains na siyang nakakatulong upang malabanan ang implamasyon sa katawan.
3. Nagpapalakas ng katawan
Para sa mga atleta, mainam ang paginom ng beetroot juice dahil nakakatulong ito sa pagpapadami ng enerhiya at pampabawas sa madaling pagkapagod. Iniimprove rin nito ang iyong physical performance.
4. Iniimprove ang digestive health
Ang fiber ay kailangan para sa malusog na pangangatawan. At ang beets ay isang magandang halimbawa ng pagkaing mayaman sa dietary fiber. Nakakatulong ito sa pantunaw at iniiwasan ang pagkakaroon ng konstipasyon.
5. Sinusuportahan ang kalusugan ng utak
Habang tumatanda ay unti-unti ring nagde-decline ang kalusugan ng ating utak na maaaring mauwi sa kondisyon na dementia. Ang nitrates sa beets ay nakakatulong sa pag-improve ng mental health dahil ini-increase nito ang blo0d flow sa utak.
6. Maganda sa pagpapapayat
Ang beets ay puno ng nutritional properties na makakatulong sa pagbabawas ng timbang. Ito ay mababa sa calories at mataas ang water content. Kaya naman kapag ito ay kinain ay mas madali kang mabubusog dahil sa taglay nito fiber.
Comments
Post a Comment