Isa ka ba sa mga taong namomroblema dahil sa magaspang mong kamay. Ang ating mga kamay ay nagiging dry at magaspang sa tagal ng panahon dahil sa iba't ibang mga dahilan. Maaaring ito ay dahil sa klima ng panahon, sa uri ng iyong trabaho, o dahil sa iba pang medikal na kondisyon.
Gayunpaman, mayroon namang mga natural na paraan na pwede mong subukan upang muling maibalik ang kinis at malambot mong kamay at hindi na kailangan pang gumastos ng mahal. Narito at alamin ang mga ito.
1. Pula ng Itlog
Ang pula ng itlog o eggyolk ay mayaman sa nutrisyon at sa compound na lecithin na may kakayahang magpalambot ng kamay o skin emollient. Nakakatulong ito na ikondisyon ang mga kamay upang hindi ito maging dry at magaspang. Batihiin lamang ang eggyolk at i-apply ito sa iyong kamay sa loob ng 15 minuto bago hugasan.
2. Petroleum jelly
Bukod sa mabisa ang petroleum jelly para sa mga nagbibitak-bitak na mga paa, ay maganda rin itong ipampahid sa mga kamay na nagbabalat o nanunuyo. Mino-moisturize nito ang balat upang manumbalik ang lambot at kinis nito. Maaari itong gawin gabi-gabi bago matulog.
3. Virgin Coconut oil
Tulad ng eggyolk, ang langis ng coconut ay may properties rin na kayang magpalambot ng kamay. Iniimprove nito ang skin hydration at nilo-lock ang moisture. Maaari itong gawin araw-araw. Ipahid lamang ang coconut oil sa magkabilang kamay. Mas makakabuti kung i-gloves ang kamay bago matulog upang mas lalong maabsorb ito ng balat.
4. Asukal
Alam niyo ba ang asukal ay maaaring gawing isang natural scrub sa balat? Ang sugar scrub ay makakatulong upang ma-exfoliate ang balat at tanggalin ang mga d**d skin cells na nakapaibabaw rito. Ihalo lamang ang isang kutsarang asukal at coconut oil. Ipahid ito sa iyong mga kamay at hugasan pagkatapos. Mag-lagay rin ng moisturizer.
5. Gel ng aloe vera
Mapapansin na karamihan na ngayon sa mga beauty products sa merkado ay mayroong aloe vera gel. Ito kasi ay mayroong skin smoothening, moisturizing at whitening effects sa balat. Kaya naman kung nais palambutin ang iyong mga palad ay i-extract lamang ang gel ng dahon ng aloe vera at ipahid ito sa iyong kamay araw-araw.
Comments
Post a Comment