Mayroong mga pagkakataon na ang isang tao ay nakakaranas ng pagkalagas ng buhok. Maaaring ito ay dahil sa stress, namamana o di kaya ay mayroong pinagdadaanang karamdaman.
Ang pagkalagas ng buhok ay normal, ngunit ang nakakabahala ay kapag ang paglalagas ng buhok ay nauuwi sa pagkakalbo. Ngayon ay ibabahagi namin sa inyo ang mga natural at murang remedyo para sa pagkakalbo.
1. Katas ng sibuyas
Ang katas ng sibuyas ay nakakatulong sa pag-improve ng hair growth at tinutulungang ma-nourish ang mga hair follicles. Ito ay nakaka-istimulate ng anit at iniimprove ang sirkulasyon ng dugo sa ulo. Iapply lamang ang katas ng sibuyas sa iyong anit at iwanan sa loob ng 30 minuto bago banlawan. Gawin ito dalawang beses sa isang linggo.
2. Pula ng itlog
Maaaring narinig niyo na na ginagawang hair mask ang itlog. Ito kasi ay mayaman sa protina na nakakatulong upang mapalago ang buhok. Ang gagawin mo ay batihin ang pula ng itlog at gawin itong mask sa iyong buhok at iwanan sa loob ng 30 minutes to 1 hour bago banlawan.
3. Aloe Vera
Ang aloe vera o sabila ay nakakatulong upang ma-maintain ang normal pH level ng iyong anit. Nagtataglay ito ng enzymes na nakakatulong i-heal at i-repair ang mga d**d skin cells sa iyong scalp. Sa paraang ito ang iyong hair follicles ay nagiging healthy at maaaring tumubo ng mas mabilis. Ang moisture content ng aloe vera ay nakakakondisyon rin ng iyong buhok at iniiwan itong malambot.
4. Castor oil
Kung ang castor oil ay ginagamit bilang pampatubo ng kilay at pampahaba ng pilik mata. Tiyak na makakatulong rin ito sa pagkakalbo dahil mabisa ito sa pagstimulate ng sirkulasyon ng dugo sa anit para sa proper hair growth. Imassage lamang ito sa iyong anit at iwanan buong gabi.
5. Apple Cider Vinegar
Hindi naman nakakapagtaka ang nagagawang kagandahan ng apple cider vinegar sa ating katawan. Kaya naman ito ay maganda ring subukang remedyo para sa pagkakalbo dahil mayroon itong kakayahan na puksain ang mga mikrobyong nakakapagpahinto sa pagtubo ng buhok. Hugasan lamang ang buhok gamit ang pinaghalong tubig at apple cider vinegar.
Comments
Post a Comment