Ang pagkakaroon ng malambot, makintab, at healthy na buhok ay pangarap ng karamihan sa mga babae. Ito kasi ang tinatawag rin na "crowning glory." Ngunit dahil na rin sa stress, polusyon, at iba't ibang mga matatapang na produkto na ginagamit natin sa ating buhok kaya ito nasisira.
Samantala, narito ang mga habits na dapat iwasan dahil nakaka-damage sa ating buhok.
1. Pagligo ng hot water
Kapag malamig ang panahon, ang gusto natin ay maligo sa hot shower. Nakakarelax man ito sa pakiramdam, ngunit pagdating sa buhok ay hindi ito maganda. Dahil ang mainit na temperatura ay maaaring makapagdulot ng pag-split at pagdry ng buhok. Ang magandang gamitin ay cool water lang.
2. Pag-blow dry
Ang mainit na hangin na inilalabas ng blow dryer ay nakakatuyo ng buhok. Ang paraan din ng paggamit nito ay maaaring magdulot ng pagkasunog ng buhok. Hindi maganda ang itinututok at inilalapit ito sa iyong anit. Dapat mayroong 15cm distance kung gagamitin ito sa pagpapatuyo ng buhok.
3. Madiin na pagkuskos (rub) sa twalya
Karamihan sa atin, pagkatapos maligo ay madiin nating kinukuskos ang buhok upang agad matuyo ang tubig. Ngunit ang habit na ito ay dapat iwasan dahil nakakapagdulot ng split ends at hair breakage. Kung magpapatuyo ng buhok gamit ang twalya ay dahan-dahan lamang ipress ang buhok at wag kuskusin.
4. Pagtatali lagi ng buhok
Kapag mainit ang panahon ay nais nating itali na lang palagi ang buhok. Ngunit ang pagtatali ng buhok ng mahigpit sa parehas na spot ay ginagawang marupok ang mga hair strands na maaaring mauwi sa pagpuputol-putol at paglalagas ng buhok.
5. Hair pulling
Mayroong mga tao na habit ang paghila ng mga strands ng buhok. At ang ugaling ito ay hindi maganda dahil nakakapagdulot ng pagpuputol-puto ng buhok.
6. Palaging pagkukulay
Ang madalas na pag-dye o pagkukulay ng buhok ay nakakapagdulot ng pagkatuyo nito. Mapapansin na kapag madalas kang nagkukulay ay nawawala ang natural na nutrisyon ng buhok dahil sa kemikal na taglay ng mga hair coloring products.
Comments
Post a Comment