Ang pangangapal ng sakong sa paa ay normal lamang dahil madalas tayong nakatayo at naglalakad ng napakalayo. Minsan ay nagda-dry rin ang mga ito dahil sa pagiba ng klima ng panahon o sa kakulangan sa moisture dahilan upang magkabitak-bitak ang balat sa paa na posibleng may kasama pang pananakit. Maraming nabibili na mga pamahid para rito tulad ng mga lotion, cream at iba’t-ibang moisturizer ngunit mayroon ring mga natural na paraan upang maremedyuhan ito na hindi kinakailangan gumastos masyado.
Subukan ang ilang natural remedies at solusyon na ito para sa nagbibitak na sakong ng paa:
1. Lemon
Madalas na gamitin ang lemon sa paa hindi lamang pampabango kundi pati na rin masolusyunan ang paa na dry dahil ang acid ng lemon ay makakapagtanggal ng de(a)d skin cells na siyang magreresulta sa mas malambot na balat.
Paano ito gawin?
1.Pumili ng medyo may kalakihan na lemon at hatiin ito sa dalawa
2. Pigain upang mawala ang karamihan sa katas ng mga ito (magtira ng kaunti)
3. Ilapat ang isang kalahati nito sa isang sakong
4. Magsuot ng medyas upang hindi matanggal ang lemon
5. Gawin rin ito sa kabilang sakong
6. Hayaang mababad ang mga paa ng 30 minutos
7. Alisin ang medyas at itapon ang mga balat ng lemon
8. Pahiran ng oil pagkatapos kung nais pwedeng coconut oil
2. Pagbabad sa maligagam na tubig
Ang nangangapal at tuyong balat sa sakong ang siyang nagbibitak kapag laging nadidiinan kaya naman mainam na maalis ito sa pamamagitan ng pagbabad sa maligamgam na tubig at marahang pagkuskos rito. Isang paalala na wag kuskusin ang balat kapag ito ay tuyo dahil mas makakapinsala lamang ito rito.
Direksyon:
1. Ibabad ang mga paa sa maligamgam na tubig na may kaunting sabon sa loob ng 20 minutos
2. Gumamit ng panghilod na bato, loofah o ano mang kagamitan na pangkuskos sa balat upang matanggal ang nangangapal na balat
3. Tuyuin ang mga paa gamit ang tuwalya
4. Pahiran ng cream o moisturizer ang mga paa
5. Lagyan ng petroleum jelly upang mai-lock ang moisture
6. Magsuot ng mga medyas para hindi madulas sa paglalakad
3. Honey
Ito ay may anti-bacterial at anti-microbial na katangian kaya maaari itong gamitin na foot scrub matapos ibabad ang mga paa o kaya ay foot mask sa gabi.
4. Coconut Oil
Ito ay may anti-inflammatory at anti-microbial na katangian kaya mainam itong magpagaling ng mga sakong lalo na kung ito ay may kasamang pananakit at pagsusugat.
5. Suka
Gaya ng lemon ay isa rin itong acid kaya maganda itong pantanggal sa mga dead skin cells upang lumabas ang natural na malambot na balat.
Isang paalala na huwag subukang gamutin ang mga nagbibitak na sakong sa sariling paraan kung ito ay sanhi ng mga medikal na kondisyon tulad ng pagdurugo o sobrang pagbabalat ng skin dahil ito ay maaaring mas makasama pa kaysa makatulong. Mas maigi na makipag-ugnayan sa iyong doktor upang masuri nila ang mga paa nang sa gayon ay mabigyan ng karampatang lunas.
Subalit kung simpleng pagbibitak lamang ito at dry skin, maaari mo na lamang gawin ang home remedies na naitala sa itaas para hindi ito tuluyang lumala.
Comments
Post a Comment