Kapag ang isang babae ay nagkaroon na ng buwanang dalaw ay isang senyales ito na siya ay dalaga na. Kasabay nito ang pagbabago ng kaniyang pisikal na katawan at ang kaniyang emotional status. Ngunit hindi lahat ay nagiging normal ang kanilang mga dalaw, may iilang mga babae ang nakakaranas ng irregular na period dahil na rin sa iba't ibang
Ano nga ba ang mga maaaring dahilan kung bakit nakakaranas ng iregular na dalaw?
-Hormonal imbalance
-Labis na katabaan o kawalan ng timbang
-Karamdaman sa pagkain
-Problema sa atay
-Pagkawala sa sinapupunan ng sanggol
-Thyroid at iba pang mga kondisyon
Narito naman ang ilang lifestyle habits na nakakaapekto sa pagkakaroon ng irregular na dalaw sa mga babae:
1. Nasosobrahan sa pag-inom ng mga inuming naglalaman ng caffeine
2. Labis na pag-inom ng alcoh0l
3. Paninigarily0
4. Sobrang stress
5. Pag-inom ng birth control pills
Ang iregular na dalaw o tinatawag na oligomenorrhea ay karaniwang problema na ng mga kababaihan. Minsan kapag nalalampasan ang buwan at hindi dinaratnan ang isang babae ay nagdudulot ito ng labis na pag-aalala sa isang babae. Kaya naman ang mga babaeng iregular kung datnan ay naghahanap ng natural na paraan upang malunasan ito.
Mabuti na lamang at may ilang mga eksperto na nakadiskubre ng ilang halamang gamot upang makatulong sa mga nakakaranas ng irregular period.
Ano ang panlunas para sa irregular period?
Alam niyo ba na ang isang panlunas sa irregular na dalaw ay ang pagkonsumo ng hilaw na papaya? Ang papaya ay isang source ng vitamin at nutrients na makakatulong sa normal functioning ng regla ng babae. Subalit ang pag-konsumo nito ay hindi mabuti para sa mga buntis dahil maaaring makaapekto ito ng sobrang pagdurugo na masama para sakanila.
Paraan sa pagkonsumo ng natural remedy ng raw papaya para sa iyong iregular period:
1. Pumitas ng isang piraso ng papaya na hilaw. Balatan ito at alisin ang mga buto.
2. Matapos balatan at alisin ang mga buto, hugasan ito ng mabuti at ilagay sa isang mangkok o ano mang lalagyanan na malinis.
3. Hiwain ito sa maliliit na cubes.
4. Ihanda ang inyong blender at i-blend ang hilaw na papaya hanggang sa maging juice ito.
5. Inumin ang isang tasang papaya juice ng dalawang beses sa isang araw.
Comments
Post a Comment