Noong panahon na hindi pa kilala at uso ang komersiyal na mga gamot ay mga natural at halamang gamot lamang ang ginagamit upang malunasan ang karamdaman ng isang tao. Hanggang sa ngayon ay ginagamit pa ng iba ang mga nakaugaliang mga herbal na gamot sa paggamot ng pagkakaroon ng pasma, lamig sa katawan at binat.
Kaya naman kung inaalala mo ang iyong pamamasa ng kamay o paa dahil sa pasma, pagkakaroon ng lamig sa katawan at pagbabalik ng iyong lagnat, huwag ng mag-alala dahil ating aalamin ang mga natural na paraan upang malunasan ang mga ito.
Ang pasma ay isang problema sa ating nerve na kung saan nagdudulot ito ng panginginig at pamamasa ng mga kamay, kalamnan at paa. Samantalang ang lamig sa katawan ay naghahatid ng pananakit ng buong katawan o kaya naman sa apektadong parte lamang. Nakukuha ito mula sa sobrang pagka-expose sa hangin na kung saan naiipon ito sa loob ng katawan. Sa pamamagitan ng hilot o masahe ay matatanggal ito.
Mga sangkap na gagamitin upang magawa ang natural na lunas para sa pasma, lamig sa katawan at binat:
-Buko (Laman at kalahating litro ng sariwang sabaw)
-isang-kaapat na sinangag na bigas
-isang-kaapat na sinangag na mais
-sampung dahon ng oregano
-sampung dahon ng sambong
-sampung dahon ng suha
-sampung dahon ng sampalok
-sampung dahon ng kamias
-sampung dahon ng guyabano
-sampung dahon ng mangga
-sampung dahon ng abokado
-sampung dahon ng bayabas
Paraan sa paggawa ng natural na lunas at kung paano ito mapakikinabangan:
1. Hugasan ang lahat ng sangkap na dahon. Ilagay ito sa isang kaserola. Idagdag ang sinangag na mais, bigas, laman ng buko at sabaw nito.
2.Pakuluan ng dalawampung minuto hanggang tatlumpo.
3. Habang hinihintay ang pinakukuluang natural na panlunas maghanda ng malinis na kumot, magsuot ng jacket, bonet, pajama o jogging pants at medyas.
4. Maghiolamos at magpalit ng malinis na damit.
5. Ilagay sa malalim na kaserola ang pinakuluang mga dahon at takpan o sukluban ng kumot ang iyong ulo hanggang sa katawan habang nakatutok ang ilong sa mainit na pinakuluang herbal remedy. Mag-ingat lang dahil baka mapaso o matapon ito sa iyo.
6. Buksan ng kalahati ang kaserola upang lumabas ang usok at singhutin ito. Kapag hindi na masyadong mainit ang laman ng kaserola tuluyan ng tanggalin ang takip. Ipagpatuloy lamang ang ginagawang pagsuob rito.
7. Maaaring gawin ito ng labing limang minuto hanggang dalawampu o kapag pinagpawisan na ng tuluyan at hindi na sobrang init ang laman ng kaserola. Ngunit pagnatapos na ang gawain ay magpalit kaagad ng iyong damit.
Sa paraang ito ay makakatulong upang matanggal ang implasmayon at pananakit ng katawan na dulot ng pasma o lagnat. Isa itong mainam na home remedy sa bahay na matanggal ng ginagawa nooong unang panahon pa lamang.
Comments
Post a Comment