Isa sa mga ingredients na kadalasang matatagpuan sa bahay ay ang cornstarch, ginagamit ito na pampalapot sa mga pagkain. Ang cornstarch o tinatawag rin na cornflour ay isang carbohydrate na nagmula sa mais.
Ngunit bukod sa gamit na ito ay marami pa pala itong pwedeng paggamitan. Sa katunayan, maaari rin itong gamitin na pampa-beauty. Narito at alamin ang mga gamit pa nito!
1. Pantanggal ng excess oil sa mukha
Kung naubusan ka ng pulbo o pressed powder ay huwag mag-alala, humanap lang ng cornstarch sa inyo kusina at maaari mo itong gamitin upang matanggal ang oiliness ng iyong mukha. Gumamit ng makeup brush upang madistribute ito ng mabuti sa iyong mukha.
2. Pampakapal ng pilik-mata
Isa sa mga gusto ng mga babae ang magkaroon ng mahaba at makapal ng pilik-mata dahil nakakadagdag nga naman ito ng ganda sa mukha. At para ma-achieve ang instant look na ito ay magdagdag lamang ng kaunting cornstarch sa iyong mascara upang mabigyan ng volume ang iyong pilik-mata. Ihalong mabuti ang cornstarch at mascara sa isang lalagyan. At pagkatapos ay maaari na itong iapply sa iyong pilik-mata!
3. Deodorant sa kili-kili
Sa dami ng mga nagsisilabasan ng deodorants ngayon sa merkado ay hindi mo na alam kung ano ba talaga ang dapat mong bilhin. Ngunit kung hindi ka sigurado dahil sa iba't ibang mga kemikal na inilagay rito, subukan mo ang cornstarch bilang underarm deodorizer. Tiyak pa na safe ito sa iyong kili-kili. Pagkatapos maligo ay magpahid ng alc0h01 sa kili-kili at hayaan munang matuyo, pagkatapos ay lagyan ng cornstarch.
4. Pantanggal ng langis sa anit at buhok / dry shampoo
Minsan kung malamig ang panahon o di kaya ay kapag nagmamadali ka na at wala ng oras, ay nakakatamad ng magbasa ng buhok. Ngunit ang isang problema lamang ay ang pagiging oily ng iyong anit o buhok. Huwag ng mag-alala dahil maaari mong gamitin ang cornstarch bilang dry shampoo.
Maglagay lamang nito sa iyong anit at imasa-masahe upang matanggal ang langis sa buhok. Pagkatapos ay ipagpag lamang ang mga natira upang hindi magiwan ng puti-puti sa ulo.
Disclaimer:
Ang mga naitalang paksa, larawan, at impormasyon sa site ng PH Daily Updates ay layuning makapagbigay lamang ng impormasyon. Ang nilalaman ng artikulong ito ay hindi intensyong gawing pamalit ito sa propesyunal na medikal na payo. Mas makakabuti pa ring magpasuri sa isang propesyunal na doktor o qualified health provider.
Comments
Post a Comment