Ang makopa ay isang prutas na kilala rin dito sa Pilipinas. Ito ay may mamula-mulang kulay at may laman na kulay puti. Ang lasa nito ay manamis-namis na parang katulad ng mansanas kaya naman tinatawag rin nila itong 'rose apple.'
Bukod sa masarap nitong lasa ay alamin din ninyo kung anu-ano ang mga benepisyo nito na hindi naman kadalasang nagpag-uusapan at baka sakaling makatulong sa iyong pangangatawan.
1. Nakakatulong sa digestion
Ang mataas na fiber content ng makopa ang siyang nakakatulong upang maregulate ang passage ng pagkain sa iyong tiyan upang hindi ka mahirapang dumumi. Makakatulong rin ang pagkain nito upang maiwasan ang konstipasyon.
2. Pang-detox
Ginagamit ang bunga ng makopa bilang isang detoxifer. Ang buto nito ay pinapakuluan at iniinom bilang pampaihi na benepisyal naman sa mga taong may problema sa atay at bato.
3. Pinapanatili ang kalusugan ng puso
Ang makopa fruit ay nagtataglay ng mga nutrients at fiber na nakakatulong sa pagkontrol ng kolesterol sa katawan. At kapag nasa normal ang iyong kolesterol levels ay benepisyal ito sa puso at makakatulong sa pagiwas ng mga komplikasyon sa puso tulad ng atake at str0ke.
4. Pinapanatili ang kalusugan ng balat
Dahil mataas ang water content ng makopa, maganda itong kainin dahil benepisyal rin sa balat. Isa sa mga rason kasi kung bakit nagkakaroon ng dry at dull skin ay dahil sa kakulangan ng tubig sa katawan. Ang vitamin C content ng prutas na ito ay nagsisilbi ring antioxidant na nakakatulong upang maiwasan ang maagang pagtanda ng balat.
5. Pang-iwas dehydration
Kagaya ng nasabi sa number 4, maganda ring kainin ang makopa upang maiwasan ang dehydration. Katulad ng pakwan, nakakatulong rin ito sa nanghihina, pagod at nauuhaw na katawan. Ang fibers nitong taglay ay makakapagpanatili pa sa iyo ng pagiging busog lalo na kung ikaw ay nais magpapayat.
6. Para sa kalusugan ng mata
Ang makopa ay mayroong taglay na vitamin A na esensyal para sa ating mata. Ang bitaminang ito ay nakakatulog upang maprotektahan ang mata at maiwasan ang mga eye problems.
Disclaimer:
Ang mga naitalang paksa, larawan, at impormasyon sa site ng PH Daily Updates ay layuning makapagbigay lamang ng impormasyon. Ang nilalaman ng artikulong ito ay hindi intensyong gawing pamalit ito sa propesyunal na medikal na payo. Mas makakabuti pa ring magpasuri sa isang propesyunal na doktor o qualified health provider.
Comments
Post a Comment