Skip to main content

Limang Bad Habits Tuwing Umaga na Madalas Nating Gawin Kaya Dumadagdag ang Ating Timbang




Ang labis na pagbigat ng timbang o obesity sa ingles ay makokonsiderang isang epidemya dahil masyado na itong talamak sa buong mundo at importante na masolusyonan ang problemang ito dahil hindi ito makakabuti sa ating kalusugan. Naiuugnay ito sa iba’t-ibang mga karamdaman kagaya ng altapresyon, pagtaas ng kolesterol sa katawan, stroke, diabetes, s(a)kit sa puso at bato, at pati na rin sa k(a)nser. 

Ang balanseng diet at regular na pag-e-ehersisyo ay makakatulong para mapanatiling nasa tama ang ating timbang ngunit hindi lamang ito ang kinakailangang gawin, dapat rin nating itama ang mga gawaing nakasanayan na natin dahil maging ang mga ito ay may epekto sa ating pangangatawan.


Narito ang mga nakasanayan nating gawain sa umaga na nakakadagdag ng timbang:



1. Labis-labis na pagtulog

Ang bawat isa sa atin ay nangangailangan ng 7 hanggang 9 oras na pahinga upang maging maayos ang takbo ng ating sistema sa katawan at ano mang kakulangan o kalabisan ay hindi maganda sa ating kalusugan. Ang pagpupuyat lagi ay nakakapanghina at ang sobrang pagtulog naman ay nagreresulta sa pagkain nang labis-labis. Kaya naman, maigi na matulog ng maaga at gumising rin ng maaga araw-araw para mapanatiling maganda ang ating kondisyon.

2. Kakulangan sa tubig


Payo ng mga ekperto na dapat tayong uminom ng tubig pagkagising natin tuwing umaga bilang panimula ng ating araw. Makakatulong ito na mapanatili ang tamang temperatura ng ating katawan at sa pagbalanse ng ating nutrisyon. Maigi rin ito upang hindi masobrahan ang kain natin ng almusal. Kung nais magbawas ng timbang, maligamgam na tubig ang inumin tuwing umaga, pwede itong lagyan ng honey at lemon kung nais.

3. Hindi pagkain ng almusal

Importanteng makakain ng almusal lagi upang maibigay natin ang enerhiya na kinakailangan ng katawan sa pagsisimula ng ating araw. Mataas ang posibilidad na sikmurain tayo kapag masyadong mahaba ang oras na hinintay natin bago kumain at pwede itong mauwi sa gastritis. Ang pagliban rito ay nakakadagdag ng timbang dahil mapapasobra ang kain natin ng tanghalian at hapunan.

4. Maling pagkain sa almusal




Hindi lamang ang mismong pagkain ng almusal ang mahalaga kundi pati na rin kung ano ang kinukunsumo natin. Ang mga matatamis at junk foods gaya ng pancake, donut, at iba pa ay hindi maganda sa katawan. Mas maigi na simulan ang araw sa pagkain ng tama katulad ng mga prutas at gulay, cereals na mayaman sa fiber, oatmeal at green tea.

5. Hindi pag-e-ehersisyo

Sa umaga pinakamagandang magpapawis dahil nakakabuhay ito ng katawan at hindi rin kailangan na pumunta pa ng gym para rito dahil kahit ang simpleng paglalakad, jogging, pagbi-bisikleta o paglangoy ay sapat na.
Hindi nakakapagpaaraw

Paggising sa umaga ay magandang lumabas upang makasagap ng sinag ng araw. Nakakapagpabilis ito ng metabolismo kaya mainam ito sa mga nais magbawas ng timbang. Kahit 20 hanggang 30 minutos lang ay sapat na upang mas lalong gumanda ang kalagayan ng ating katawan at pati na ang pag-iisip.

Comments

Popular posts from this blog

7 Benepisyo Ng Pagkain Ng Langka Sa Ating Katawan!

Ang langka   ay isang prutas na kilalang-kilala sa Pilipinas dahil sa lasa at kakaibang amoy nito at karaniwang iniluluto na minatamis o ginataan. Ang prutas na ito ay mayaman s bitamina, mineral, at anti-oxidants na maganda para sa ating katawan.  Marami sa atin ang madalas magluto ng langka dahil sa matamis at masarap nitong lasa. Alam niyo ba na hindi lang ito masarap, ito rin ay isang halamang gamot na panlaban sa iba't ibang karamdaman at nakakapagbigay ng maraming health benefits. Narito ang mga importanteng benepisyo ng pagkain ng langka! 1. Nagbibigay proteksyon sa colon Dahil sa taglay nito anti-oxidant properties, kaya nitong bigyan ng proteksyon ang colon o bituka. Ito rin ay punong-puno ng fibers na kaya linisin ang iyong bituka upang ikaw ay makadumi ng maayos.  2. Proteksyon sa mata Ang langka ay mayroong bitamina A na isang nutrient na kailangan ng ating mata. Nakakatulong din itong iimprove ang iyong paningin ...

Tips Para Tanggalin Ang Pumasok Na Langgam/Insekto Sa Loob Ng Tenga

Naranasan niyo na bang mapasukan ng insekto o ng langgam sa tenga? Napakasakit talaga nito at hindi ka mapapakali. Bukod sa nakakarinig ka ng parang may naglalakad o pumuputok na tunog sa loob ng inyong tenga. Minsan ay maaari ka pang makagat sa loob o mawalan ng pandinig. Kaya narito ang mga tips kung paano tanggalin ang nakakairitang langgam o insekto na pumasok sa iyong tenga: 1. I-wiggle o galaw galawin ang tenga Subukang galaw-galawin o i-wiggle ang apektadong tenga. Sa paraang ito, maaaring mahulog ang insekto papalabas. 2. Patakan ng langis o baby oil Ang langis ay makakapagpigil sa paggalaw ng insekto o langgam papaloob sa tenga. 3. Patakan ng kaunting tubig Gamit ang dropper o bulb syringe, patakan ng kaunting tubig ang loob ng tenga upang malunod ang insekto. Galawin ang ulo at tenga para lumabas ang tubig. 4. Pahiran ng butil ng asukal ang labas ng tenga Ang matamis na amoy ng asukal ay pang-aakit sa langgam upang lumabas. 5. I-...

7 Nakakamanghang Benepisyo Ng Paglalagay Ng Yelo o Ice Cube Sa Mukha Para Pampaganda

Dala ng mainit na panahon at matinding sikat ng araw, hindi maikakaila na ang ating balat ay nagsisimulang maging mukhang stressed at dull. Dahil dito, ang pagpahid ng ice cube o yelo sa mukha ay nakaka-refresh sa pakiramdam.  Kapag araw-araw ay nakakaranas ng stress ang iyong mukha at balat, ang ice facial ay makakatulong sa iyo upang maibalik ang dating glow ng mukha. Narito at alamin ang benepisyong hatid nito kaya naman nagiging beauty trend ito. 1. Nakakapagpaliit ng pores Kapag mainit ang panahon, ang ating mga pores sa mukha ay naka-open. At kung palaging ganito ang sitwasyon, mas maraming dumi ang kumakapit sa ating mukha at maaaring siyang maging dahilan kung bakit tinutubuan ng tigyawat. Ang pagpahid ng ice cube sa iyong mukha matapos itong hugasan ay nakakatulong upang mapaliit ang iyong mga pores at maiwasan ang pag-accumulate ng dumi. 2. Ibinabalik ang glowing skin Lahat naman ay ninanais na magkaroon ng makinis at glowing skin. At an...