Ang salitang bukol ay maraming kahulugan, hindi malinaw at nagbabago-bago dahil depende ito sa pagkakagamit sa salita. Ngunit kapag sinabing bukol maaaring ito ay dahilan ng pamamaga. Kung sa Latin naman na salita ang gagamitin sa medisina, ito ay pangunahing senyales ng pamamaga sa apat na uri. Ito ang calor, na ibig sabihin ay dahil sa init, dolor para sa kirot, rubor sa pamumula at tumor sa pamamaga. Ngunit sa modernong panahon ngayon ang salitang bukol ay ginagamit sa terminong pagtukoy sa g pagumbok na makikita sa ating balat o nabuo sa ating katawan. Maaaring ang mga nakitang bukol na ito ay magdulot ng sintomas o wala.
Kaya alamin ang ilang mga kadahilanan ng pagkakaroon ng bukol at kung ano ang mga senyales na dapat bantayan.
Mga uri ng bukol at kung ano ang mga dahilan ng mga ito at mga sintomas:
1. Pamamaga dahil sa pagkaka untog
Ang pagkakaroon ng bukol sa inyong ulo ay maaaring bunga ng pagkakauntog. Sa puwersa ng pagkakauntog nabubuo ang edematous fluid na nakukuha mula sa ilalim ng anit at kadalasang makakaramdam ng pagkirot, pamumula at init na siyang sinyales naman ng pamamaga nito. Ngunit sa simpleng pagcompress ng yelo sa apektadong parte ay mababawasan ang sakit at pamamaga.
Hindi ito kapareho ng manas kahit na koleksyon rin ng edematous fluid. Dahil ang manas ay nabubuo sa malambot na tisyu ng katawan tulad ng paa o sa paligid ng ating mata. Paalala lamang kung ang isang taong nagkaroon ng head injury ay nakaranas ng pagsusuka, pagkahilo at kawalan ng malay pumunta na sa dalubhasa upang masuri ang kaniyang kalagayan.
2. Kulani
Ang kulani ay ginagamitan rin ng salitang bukol na kung saan maaaring matukoy sa ilalim ng inyong leeg, kilikili, at singit. Sa pamamagitan ng inyong dulong daliri ay madadama ang mga kulani o lymph nodes. Kung ang mga ito ay may kasamang pananakit at lagnat ay nagnagahulugan lamang na ito ay may dalang impeksyon. Kadalasan maaaring maging dahilan ang pagkakaroon ng bukol sa inyong leeg ang mga sirang ngipin, primary infection at tuberculosis sa mga maliit na bata. Madaling natutuklasan ng doktor ang mga kulani o bukol sa inyong leeg lalo na kung kasabay ito ng pag-uubo, mababang lagnat tuwing hapon lamang, pagpapawis sa gabi, kawalan ng gana sa pagkain at pagbaba ng timbang. Maaari rin dahil sa xray na nagreresulta ng tuberculosis at skin test.
3. Impeksyon (abscess o pigsa)
Ang bukol na makiita sa inyong katawan ay maaaring dahil sa bacterial infection gaya ng abscess na kung saan madalas na magsimula sa pamamagitan ng kagat ng insekto na inyo namang nakalmot at nagreresulta ng pigsa. Kasabay ng pagkakaroon ng pigsa ang pagkaramdam ng pananakit, kirot at pamumula ng apektadong balat. Bukod rito maaari rin dumanas ng lagnat. Ngunit di kalaunan ang bukol na nabuo dahil sa nana ay puputok at makakaranas ng limitasyon o kahirapan sa inyong pagkilos kumpara sa natural.
4. Beke
Ito ay isang uri ng impeksyon na nagdudulot ng pamamaga sa inyong pisngi at panga kung saan tinatawag ito na beke. Walang lunas para dito ngunit dahil sa sintomas na maaaring maranasan tulad ng lagnat at pagkirot ay maaaring uminom ng paracetamol. Kailangan ng taong nakakaranas nito ay uminom ng sapat na tubig upang marehydrate at magpahinga. Gayon nakakahawa ang beke, kaya hindi malabong maranasan rin ito ng iba pang miyembro sa pamilya. Kaya naman upang maiwasan na mangyari ito magpabakuna.
5. K*nser
Bukod sa mga nabanggit na maaaring gamitin ang salitang bukol, ito ang pinaka-nakakatakot na magkaroon ang isang tao ang k*ns*r. Maaari itong mangyari kapag nagkakaroon ng problema sa paghahati ng cells sa katawan. Ang mga cells sa ating katawan ay nahahati mula sa matatandang cells at napapalitan ng bago. Kailangan na mamatay ang mga lumang cells na napinsala upang magkaroon ng lugar ang mga bago. Ngunit kung magkakaroon ng problema ay maaaring maging bukol.
Ang mga k*ns*r cells ay hindi rin makontrol sa paglaki at lumalaki ang mga ito na may iba't ibang sukat. Maraming maaaring maiugnay kung bakit nararanasan ito. Kaya naman mainam na magpakonsulta sa doktor kung may kakaibang napapansin sa inyong katawan o may nararamdaman. Maiging baguhin ang inyong lifestyle upang makaiwas sa malalang problema sa kalusugan.
Comments
Post a Comment