Ang celery ay isang napaka-sustansyang gulay kahit na hindi ito nagugustuhan ng marami dahil sa mapakla na lasa nito. Gayunpaman, kung isinama naman ito sa ibang lutuin ay magiging masarap na ang lasa nito.
Ang fresh at malutong na stick ng celery ay nagtataglay ng halos 95% ng tubig. At kung pagdating sa hatid na nutrisyon nito sa ating katawan, ay talaga namang nakakamangha. Narito ang mga rason kung bakit kailangan mong dalasan kumain ng celery.
1. Mas dadali ang iyong pagpapapayat
Dahil nga ang celery ay nagtataglay ng halos tubig, kapag ito ang iyong kinakain ay madali kang mabubusog nang hindi kumakain ng napakaraming kalorya. Sa ganoong paraan ay mas mapapadali ang iyong pagbabawas ng timbang.
2. Pantanggal sa heartburn
Ang heartburn o acid reflux ay isang kondisyon na nararanasan ng ibang tao dahil sa maling diet at mahinang pantunaw. Samantala, ang katas o juice ng celery ay nakakatulong upang pakalmahin ang heartburn at iregulate ang acidity sa iyong tiyan.
3. Nakakatulong sa pantunaw
Nagtataglay ang celery ng insoluble fiber na mainam para sa pagtunaw ng pagkain sa tiyan. Mayroong itong kakayahan na linisin at alisin ang mga toxins sa loob ng ating katawan.
4. Nakakabawas sa implamasyon at pamamaga
Ang gulay na ito ay mayroong antioxidant at anti-inflammatory effect na nakakatulong upang mabawasan ang pamamaga sa katawan partikular sa balat, gums, at mata. Nakakatulong rin itong patatagin ang mga ngipin dahil sa taglay nitong calcium.
5. Pampababa ng presyon at kolesterol
Ang celery ay mayroon ding anti-cholesterol properties na nakakabawas sa mataas na presyon sa pamamagitan ng paglilinis ng mga bad cholesterol sa ating katawan. Ito ay mayroong rin smooth muscle relaxant properties na nakakatulong upang ma-improve ang daloy ng calcium at potassium sa loob at labas ng mga cells.
6. Pampatanggal ng stress
Ang magnesium na taglay nito ay nakakatulong upang mapakalma ang iyong katawan na nakakaranas ng stress. Mainam itong kainin bago matulog kung ikaw ay nagkakaroon ng problema sa pagtulog.
Comments
Post a Comment