Bago tayo magsaing ng kanin ay tinitiyak nating malinis ito kaya natin ito hinuhugasan. Makakatulong kasi ito upang matanggal ang mga dumi, bukbok, at iba pang contaminants na maaaring makaapekto sa sinaing.
Ngunit aminado ang karamihan na matapos hugasan ang bigas ay atin lamang itinatapon ang tubig. Pero alam niyo ba na ang pinaghugasan ng bigas ay maaari pang paggamitan sa ibang paraan at napakarami pa nitong benepisyo? Narito at alamin ninyo.
1. Pwedeng gamiting panlinis ng mukha/ facial cleanser
Ang tubig na pinaghugasan ng bigas ay nagtataglay ng bitamina at mineral na nakakatulong upang gawing malambot, makinis, at radiant looking ang balat. Gumamit lamang ng cotton pad at basain ito gamit ang pinaghugasan ng bigas. Imassage ito sa iyong mukha at iwanan upang matuyo.
2. Maibsan ang pangangati ng balat/ eczema
Ang starch content ng pinaghugasang bigas ay nakakatulong upang maibsan ang pangangati ng balat o eczema. Magsawsaw lamang ng malinis na tela sa pinaghugasang bigas at idampi ito sa apektadong balat. Gawin ito ng ilang minuto at hayaang matuyo sa hangin.
3. Para sa sunburn at damaged skin
Ang rice water ay nakakatulong upang mabawasan ang implamasyon at pamumula na dulot ng sunburn. Upang mas maging masarap itong ilagay sa balat, palamigin muna ito sa reg bago iapply sa balat gamit ang cotton pad.
4. Pampakintab at pampalambot ng buhok
Ang paghugas ng buhok gamit ang pinaghugasang bigas ay nakakapagpadagdag ng kintab at lambot sa buhok. Dahil mayaman ito sa amino acids, nakakatulong ito upang maimprove ang volume at tibay ng buhok. Binabalanse rin nito ang pH level sa ating anit at wala pang halong kemikal.
Matapos magshampoo, ipanghugas ang rice water sa iyong buhok at dahan-dahang imasahe sa iyong anit. Hayaan muna ito ng ilang minuto bago banlawan ng malinis na tubig.
5. Deodorizer
Hindi lamang sa ito katawan maaaring gamitin ang pinaghugasang bigas. Sa katunayan, maaari itong gamiting pantanggal ng amoy sa ating mga kasangkapan sa kusina tulad ng chopping board. Ibabad lamang magdamag ang kasangkapan sa pinaghugasang ng bigas na mayroong konting asin upang mawala ang di kaaya-ayang amoy nito.
Kung mayroon pa kayong alam na maaaring paggamitan ng pinaghugasang bigas ay maaari ninyo itong ibahagi.
Pinandidilig ko sa orchards para mamulaklak
ReplyDeleteHinahalo SA pagkain Ng baboy
ReplyDeleteSarap pantubig sa sinigang n fish or shrimps
ReplyDeleteKorek!!!
DeleteGinagamit ko pantubig sa tinolang manok
ReplyDeletePinapaligo sa grabee mg pawis o mabaho ang pawis.lalo ung puno ng lamig ang katawan
ReplyDeleteGinagamit ko pantubig sa ulam.gaya Ng tinola.sigang.abraw etc.
ReplyDeletePinandidilig ko sa halaman ko
ReplyDeletepangsabaw sa nilaga tinola cnigang
ReplyDeleteUse for flowering plants.
ReplyDeletepandilig sa halaman at pang sabaw sa sinaing
ReplyDeletePandilig @ panluto
ReplyDeleteGinagamit kong panghugas ng isda bago lutuin...nakakaalis ng lansa ng isda
ReplyDeletepinangsasabaw pag nagsigang
ReplyDeleteGinagalit ko sya SA mukha ko ginawa Kung umaga at Gabi ginamit ko panlinis SA mukha ko
ReplyDeleteSorry po. Not advisable. Kc db san san galing ang bigas , san nilalapag. Ang pagpackage. Minsan may halo pa un bigas na d natin alam. Pede sa pandilig ng halaman . pang hugas ng isda or kung ano man pang hugas sa mga gamit. Pero pang halo at pangsabaw di nmn siguro pede.
ReplyDeleteMay point ka po, cguro pwde ung d pa processed rice..
DeleteSa PA galaw ang hugas Yun ang pansabaw sa sigang.
ReplyDeleteGawing pansabaw s nilga sigang o khit s tinola
ReplyDeleteTotoo ba eto ay mahusay sa mey lamig sa katawan..salamat sa info.
ReplyDeleteThanknu s info...hoping true but i tty
Delete