Skip to main content

Huwag Munang Itatapon Ang Pinaghugasan Ng Bigas Dahil May Nakakamanghang Gamit Pa Ito


Bago tayo magsaing ng kanin ay tinitiyak nating malinis ito kaya natin ito hinuhugasan. Makakatulong kasi ito upang matanggal ang mga dumi, bukbok, at iba pang contaminants na maaaring makaapekto sa sinaing. 

Ngunit aminado ang karamihan na matapos hugasan ang bigas ay atin lamang itinatapon ang tubig. Pero alam niyo ba na ang pinaghugasan ng bigas ay maaari pang paggamitan sa ibang paraan at napakarami pa nitong benepisyo? Narito at alamin ninyo.

1. Pwedeng gamiting panlinis ng mukha/ facial cleanser

Ang tubig na pinaghugasan ng bigas ay nagtataglay ng bitamina at mineral na nakakatulong upang gawing malambot, makinis, at radiant looking ang balat. Gumamit lamang ng cotton pad at basain ito gamit ang pinaghugasan ng bigas. Imassage ito sa iyong mukha at iwanan upang matuyo. 

2. Maibsan ang pangangati ng balat/ eczema

Ang starch content ng pinaghugasang bigas ay nakakatulong upang maibsan ang pangangati ng balat o eczema. Magsawsaw lamang ng malinis na tela sa pinaghugasang bigas at idampi ito sa apektadong balat. Gawin ito ng ilang minuto at hayaang matuyo sa hangin.

3. Para sa sunburn at damaged skin

Ang rice water ay nakakatulong upang mabawasan ang implamasyon at pamumula na dulot ng sunburn. Upang mas maging masarap itong ilagay sa balat, palamigin muna ito sa reg bago iapply sa balat gamit ang cotton pad.

4. Pampakintab at pampalambot ng buhok

Ang paghugas ng buhok gamit ang pinaghugasang bigas ay nakakapagpadagdag ng kintab at lambot sa buhok. Dahil mayaman ito sa amino acids, nakakatulong ito upang maimprove ang volume at tibay ng buhok. Binabalanse rin nito ang pH level sa ating anit at wala pang halong kemikal. 

Matapos magshampoo, ipanghugas ang rice water sa iyong buhok at dahan-dahang imasahe sa iyong anit. Hayaan muna ito ng ilang minuto bago banlawan ng malinis na tubig.

5. Deodorizer

Hindi lamang sa ito katawan maaaring gamitin ang pinaghugasang bigas. Sa katunayan, maaari itong gamiting pantanggal ng amoy sa ating mga kasangkapan sa kusina tulad ng chopping board. Ibabad lamang magdamag ang kasangkapan sa pinaghugasang ng bigas na mayroong konting asin upang mawala ang di kaaya-ayang amoy nito.
Kung mayroon pa kayong alam na maaaring paggamitan ng pinaghugasang bigas ay maaari ninyo itong ibahagi.

Comments

  1. Pinandidilig ko sa orchards para mamulaklak

    ReplyDelete
  2. Sarap pantubig sa sinigang n fish or shrimps

    ReplyDelete
  3. Ginagamit ko pantubig sa tinolang manok

    ReplyDelete
  4. Pinapaligo sa grabee mg pawis o mabaho ang pawis.lalo ung puno ng lamig ang katawan

    ReplyDelete
  5. Ginagamit ko pantubig sa ulam.gaya Ng tinola.sigang.abraw etc.

    ReplyDelete
  6. pangsabaw sa nilaga tinola cnigang

    ReplyDelete
  7. pandilig sa halaman at pang sabaw sa sinaing

    ReplyDelete
  8. Ginagamit kong panghugas ng isda bago lutuin...nakakaalis ng lansa ng isda

    ReplyDelete
  9. Ginagalit ko sya SA mukha ko ginawa Kung umaga at Gabi ginamit ko panlinis SA mukha ko

    ReplyDelete
  10. Sorry po. Not advisable. Kc db san san galing ang bigas , san nilalapag. Ang pagpackage. Minsan may halo pa un bigas na d natin alam. Pede sa pandilig ng halaman . pang hugas ng isda or kung ano man pang hugas sa mga gamit. Pero pang halo at pangsabaw di nmn siguro pede.

    ReplyDelete
    Replies
    1. May point ka po, cguro pwde ung d pa processed rice..

      Delete
  11. Sa PA galaw ang hugas Yun ang pansabaw sa sigang.

    ReplyDelete
  12. Gawing pansabaw s nilga sigang o khit s tinola

    ReplyDelete
  13. Totoo ba eto ay mahusay sa mey lamig sa katawan..salamat sa info.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

7 Benepisyo Ng Pagkain Ng Langka Sa Ating Katawan!

Ang langka   ay isang prutas na kilalang-kilala sa Pilipinas dahil sa lasa at kakaibang amoy nito at karaniwang iniluluto na minatamis o ginataan. Ang prutas na ito ay mayaman s bitamina, mineral, at anti-oxidants na maganda para sa ating katawan.  Marami sa atin ang madalas magluto ng langka dahil sa matamis at masarap nitong lasa. Alam niyo ba na hindi lang ito masarap, ito rin ay isang halamang gamot na panlaban sa iba't ibang karamdaman at nakakapagbigay ng maraming health benefits. Narito ang mga importanteng benepisyo ng pagkain ng langka! 1. Nagbibigay proteksyon sa colon Dahil sa taglay nito anti-oxidant properties, kaya nitong bigyan ng proteksyon ang colon o bituka. Ito rin ay punong-puno ng fibers na kaya linisin ang iyong bituka upang ikaw ay makadumi ng maayos.  2. Proteksyon sa mata Ang langka ay mayroong bitamina A na isang nutrient na kailangan ng ating mata. Nakakatulong din itong iimprove ang iyong paningin ...

Tips Para Tanggalin Ang Pumasok Na Langgam/Insekto Sa Loob Ng Tenga

Naranasan niyo na bang mapasukan ng insekto o ng langgam sa tenga? Napakasakit talaga nito at hindi ka mapapakali. Bukod sa nakakarinig ka ng parang may naglalakad o pumuputok na tunog sa loob ng inyong tenga. Minsan ay maaari ka pang makagat sa loob o mawalan ng pandinig. Kaya narito ang mga tips kung paano tanggalin ang nakakairitang langgam o insekto na pumasok sa iyong tenga: 1. I-wiggle o galaw galawin ang tenga Subukang galaw-galawin o i-wiggle ang apektadong tenga. Sa paraang ito, maaaring mahulog ang insekto papalabas. 2. Patakan ng langis o baby oil Ang langis ay makakapagpigil sa paggalaw ng insekto o langgam papaloob sa tenga. 3. Patakan ng kaunting tubig Gamit ang dropper o bulb syringe, patakan ng kaunting tubig ang loob ng tenga upang malunod ang insekto. Galawin ang ulo at tenga para lumabas ang tubig. 4. Pahiran ng butil ng asukal ang labas ng tenga Ang matamis na amoy ng asukal ay pang-aakit sa langgam upang lumabas. 5. I-...

7 Nakakamanghang Benepisyo Ng Paglalagay Ng Yelo o Ice Cube Sa Mukha Para Pampaganda

Dala ng mainit na panahon at matinding sikat ng araw, hindi maikakaila na ang ating balat ay nagsisimulang maging mukhang stressed at dull. Dahil dito, ang pagpahid ng ice cube o yelo sa mukha ay nakaka-refresh sa pakiramdam.  Kapag araw-araw ay nakakaranas ng stress ang iyong mukha at balat, ang ice facial ay makakatulong sa iyo upang maibalik ang dating glow ng mukha. Narito at alamin ang benepisyong hatid nito kaya naman nagiging beauty trend ito. 1. Nakakapagpaliit ng pores Kapag mainit ang panahon, ang ating mga pores sa mukha ay naka-open. At kung palaging ganito ang sitwasyon, mas maraming dumi ang kumakapit sa ating mukha at maaaring siyang maging dahilan kung bakit tinutubuan ng tigyawat. Ang pagpahid ng ice cube sa iyong mukha matapos itong hugasan ay nakakatulong upang mapaliit ang iyong mga pores at maiwasan ang pag-accumulate ng dumi. 2. Ibinabalik ang glowing skin Lahat naman ay ninanais na magkaroon ng makinis at glowing skin. At an...