Skip to main content

Ito ang Anim na Benepisyo na Naidudulot ng Pagmumog ng Olive Oil Tuwing Umaga






Ang olive oil, partikular na ang extra virgin olive oil, ay kilalang mapagkukunan ng mga benepisyong pang-kalusugan. Maraming pag-aaral ang nagsasabing ang mga oil katulad nito ay maganda para sa ating katawan dahil mayaman ito sa anti-oxidants na pwedeng tumulong upang mapanatili ang magandang kondisyon ng ating katawan.

Mainam itong pangontra sa mga iba’t-ibang karamdaman kagaya ng diabetes, altapresyon at iba pang mga s(a)kit sa puso. Pwede rin itong makatulong sa pagbabawas ng timbang at magsisilbi rin itong proteksyon ng ating sistema laban sa k(a)nser. 


Kadalasan ay ginagamit ang olive oil sa pagluluto o kaya sa paggawa ng salad dressing, ngunit may isa pang paraan ng paggamit nito at iyon ay ang pagmumumog nito

Narito ang anim na magandang epekto kung bakit mahalaga ang pagmumog ng Olive Oil:


1. Nakakabawas ng mabahong amoy ng hininga 


• Marami ang maaaring magsanhi ng pagkakaroon ng mabahong hininga pero isa sa puno’t-dulo nito ay ang bacteria. Ang mga mikrobyo na ito ay pwedeng magsanhi ng impeksyon, gum disease at kung anu-ano pa lalo na kung hindi nalilinis nang maayos ang loob ng ating bibig, kaya naman nagkakaroon ng bad breath. 

• Ang pagmumumog ng olive oil ay makakatulong upang maalis ang hindi magandang amoy ng hininga dahil nababawasan nito ang dami ng mikrobyo sa bibig dahil natural itong may antimicrobial na katangian. 

2. Pampaputi ng ngipin 



• Dahil nga ang olive oil ay may antibiotic at antiviral na katangian ay makakatulong ito sa paglilinis ng ating ngipin na pwedeng makapagpaputi rin sa mga ito. 

• Magmumog ng olive oil tuwing umaga sa loob ng 2 linggo kung nais makita ang magandang epekto nito sa ating mga ngipin. 

3. Pangontra sa s(a)kit ng ulo 

• Iba’t-iba ang dahilan ng pagkakaroon ng s(a)kit ng ulo ngunit karaniwan na sanhi ito ng toxic na stress. Sa pagmumumog ng olive oil ay nababawasan ang mikrobyo sa katawan kaya maiiwasan ang madalas na pananakit ng ulo. 

4. Pantanggal sa mga toxins sa katawan 


• Ang mga toxins na nakukuha natin sa mga pagkain, kapaligiran, mga produktong ginagamit natin sa balat, mga panlinis at iba pa ay naiipon sa ating katawan at ang mga ito ay maaaring magsanhi ng iba’t-ibang mga karamdaman. 

• Ang ating bibig ay isa sa mga pangunahing daanan ng mga toxins na ito kaya ang pagmumumog ng olive oil ay makakatulong upang malinis nang maigi ang bibig at mapigilan ang pagkalat ng mga ito sa iba pang parte ng ating katawan. 

5. Pangontra sa mga s(a)kit sa puso 

• Ang simpleng pamamaga ng gums dahil sa mataas na lebel ng bacteria sa bibig ay pwedeng magsanhi ng atake sa puso at dementia, kaya naman ipinapayo ang pagmumumog ng olive oil para maiwasan ang pagkakaroon ng mga ganitong impeksyon sa loob ng bibig na pwedeng mauwi sa mas malalang mga kondisyon. 

6. Pampatibay ng immune system 

• Ang pagmumog ng olive oil ay nakakatanggal ng toxins sa katawan kaya kung sa loob ng bibig pa lamang ay mababawasan na ang mga ito ay hindi na ito kakalat pa sa ibang parte ng ating katawan. Malaking tulong ito sa ating immune system dahil mas mababawasan ang trabaho ng mga healthy cells natin at matututukan nila ang pagpuksa sa iba pang mga mikrobyo na nakakasama para sa atin.



Paano ito gawin?

Maglagay ng 1 hanggang 2 kutsara ng olive oil (mas mataas ang kalidad ay mas maganda lalo na kung ito ay puro at organic) at imumog ito sa loob ng 15-20 minutos. Magsipilyo pagkatapos upang maalis ang madulas na pakiramdam sa loob ng bibig. Tandaan na dapat mag-ingat na hindi malunok ang naimumog na oil dahil puno ito ng mga toxins na dapat mong mailabas sa iyong katawan.

Comments

Popular posts from this blog

7 Benepisyo Ng Pagkain Ng Langka Sa Ating Katawan!

Ang langka   ay isang prutas na kilalang-kilala sa Pilipinas dahil sa lasa at kakaibang amoy nito at karaniwang iniluluto na minatamis o ginataan. Ang prutas na ito ay mayaman s bitamina, mineral, at anti-oxidants na maganda para sa ating katawan.  Marami sa atin ang madalas magluto ng langka dahil sa matamis at masarap nitong lasa. Alam niyo ba na hindi lang ito masarap, ito rin ay isang halamang gamot na panlaban sa iba't ibang karamdaman at nakakapagbigay ng maraming health benefits. Narito ang mga importanteng benepisyo ng pagkain ng langka! 1. Nagbibigay proteksyon sa colon Dahil sa taglay nito anti-oxidant properties, kaya nitong bigyan ng proteksyon ang colon o bituka. Ito rin ay punong-puno ng fibers na kaya linisin ang iyong bituka upang ikaw ay makadumi ng maayos.  2. Proteksyon sa mata Ang langka ay mayroong bitamina A na isang nutrient na kailangan ng ating mata. Nakakatulong din itong iimprove ang iyong paningin ...

7 Nakakamanghang Benepisyo Ng Paglalagay Ng Yelo o Ice Cube Sa Mukha Para Pampaganda

Dala ng mainit na panahon at matinding sikat ng araw, hindi maikakaila na ang ating balat ay nagsisimulang maging mukhang stressed at dull. Dahil dito, ang pagpahid ng ice cube o yelo sa mukha ay nakaka-refresh sa pakiramdam.  Kapag araw-araw ay nakakaranas ng stress ang iyong mukha at balat, ang ice facial ay makakatulong sa iyo upang maibalik ang dating glow ng mukha. Narito at alamin ang benepisyong hatid nito kaya naman nagiging beauty trend ito. 1. Nakakapagpaliit ng pores Kapag mainit ang panahon, ang ating mga pores sa mukha ay naka-open. At kung palaging ganito ang sitwasyon, mas maraming dumi ang kumakapit sa ating mukha at maaaring siyang maging dahilan kung bakit tinutubuan ng tigyawat. Ang pagpahid ng ice cube sa iyong mukha matapos itong hugasan ay nakakatulong upang mapaliit ang iyong mga pores at maiwasan ang pag-accumulate ng dumi. 2. Ibinabalik ang glowing skin Lahat naman ay ninanais na magkaroon ng makinis at glowing skin. At an...

5 Amazing Health Benefits ng Langka o Jackfruit na Dapat Ninyong Patuuan ng Pansin!

Ang langka ay isang prutas na may malaking puno, hugis bilugan na pahabang malaking bunga, na may tusok-tusok na kulay berdeng balat, kulay dilaw ang laman sa loob, may mabangong amoy at masarap na lasa. Maaari itong kainin at isama sa mga ibang lutuing pagkain. Hindi lamang ito masarap na kainin nagbibigay rin ito ng magandang benepisyo sa katawan at isa rin itong halamang gamot na makatutulong sa mga karamdaman o sakit. Ito ay punong puno ng nutrisyon at benepisyong taglay para sa malusog na kalusugan. Mula sa ugat, dagta, dahon at bunga nito ay nagbibigay ng benepisyo para sa ating katawan na makatutulong sa atin. Subalit pana-panahon lamang ang prutas na langka, kaya naman hanggat mayroon nito, dapat kayong bumili at kumain nito upang makuha ang magandang benefits ng langka. Narito ang mga benepisyong maaaring makuha mula sa langka: 1. Laban sa k^nser Ang langka ay may nilalaman na kayang labanan at pigilan ang k^nser cells sa ating katawan...