Tungkulin natin pangalagaan ang ating sarili upang maiwasan ang mga panganib mula sa mga karamdaman at mapanatiling maayos ang kalagayan ng ating kalusugan. Ngunit kung minsan hindi natin namamalayan na ang ating mga kinakain at iniinom ay hindi na pala nakabubuti sa atin. Kaya naman nararapat na magkaroon ng disiplina sa mga pagkain at pag-inom.
Isang malaking epekto ng pagkain ng unhealthy foods ay ang paghina ng ating atay na siyang nagdudulot ng malalang komplikasyon.
Napakaimportante ng atay sa ating katawan dahil trabaho nito ang linisin ang mga dumi sa ating dugo, pag-alis ng sirang cells, tunawin ang taba mula sa mga kinakain at iniinom natin at pagalaga sa glucose na nagbibigay rin ng kalakasan sa atin. Kaya naman napakahalagang ingatan natin ito upang mapanatiling malakas at malusog ang ating katawan.
Narito ang mga pagkain na kinakailangan na nating bawasan para sa ikabubuti ng ating atay:
1. Processed food na naglalaman ng maraming trans fat
Kadalasan na nakikita sa mga prosesong pagkain ang trans fat tulad ng biscuits, popcorn, potato chips, crackers, ready made dressing at iba pang mga produkto. Kaya naman ugaliin na tignan ang nutrisyonal lebel ng binibiling pagkain bago ito bilhin upang maiwasan ang pagdami ng bad kolesterol sa ating katawan nang sa gayon mapalayo sa panganib ang ating atay. Dahil kapag ang bad kolesterol ay dumami sa ating katawan maaari nitong maapektuhan ang paggana ng atay. Idagdag pa ang iba pa nitong epekto sa kalusugan na nagdudulot ng iba't ibang karamdaman.
2. Mamantikang pagkain
Alam mo ba na ang madalas na pagkain sa mga fast food chain ay hindi nakabubuti sa ating kalusugan dahil ang mga pagkaing binebenta dito ay naghahatid ng kapahamakan sa ating atay sapagkat punong-puno ito ng bad oil. Nakapagpapataas din ito ng masamang kolesterol at nakababawas din ito ng mabuting kolesterol sa katawan. Kaya naman limitahan ang nakahiligang pagkain sa mga fast food chain o di kaya ng mga pagkain tulad ng pritong manok, fries, pritong siomai, at burger.
3. Herbal at dietary supplement
Maraming mga tao ang umiinom ng mga dietary supplement dahil nakapagpapabuti ito ng pangangatawan ngunit may negatibong epekto rin pala ang mga ito sa atin na maaaring makasira sa ating atay. Ang sobrang paggamit ng mga herbal medicine ay may negatibong epekto rin ito sa ating liver lalo na kung sosobra sa pagkosumo nito. Kaya naman huwag umasa sa mga supplements kung hindi sikapin na magkaroon ng disiplina sa pagkain at wastong diyeta sa araw-araw upang hindi mangailangan na uminom ng mga gamot.
4. Sobrang pagkonsumo ng maaalat (Sodium)
May magandang hatid ang soduim sa ating katawan dahil mabisa itong sangkap upang maayos ang pagdaloy ng likido sa ating katawan gayon din sa pagsasaayos ng pressure sa ating dugo. Ngunit kung sumobra ang pagkonsumo nito ay nagdudulot naman ng kapahamakan sa kalusugan ng ating atay. Kaya naman kung nakakahiligan mong kumain ng mga delatang pagkain, noodles at maaalat na pagkain ay nararapat na iwasan mo ang mga ito para sa ikabubuti ng iyong kalusugan at maiwasan ang panganib sa mga karamdaman.
5. Alcoh0loc drinks
Sa labis na pag-inom ng alak ay nagdudulot ng masamang epekto sa ating atay na nagreresulta ng pagkasira ng cells, paglaki pananaba o pamamaga, hindi maayos na paggana at k(a)nser. Maaari rin na maapektuhan ang ating lungs lalo na kung sobra-sobra ang pagkonsumo sa alak.
6. Matatamis na pagkain
Ang mga prutas ay nagtataglay ng magagandang benepisyo sa ating kalusugan. Ngunit may mga prutas na kailangan ng tamang pagkonsumo dahil nagtataglay ang mga ito ng mataas na lebel ng fructose kung saan hindi nakabubuti sa ating atay. Ito rin ay maaring maging sanhi ng sobrang pagdami ng taba sa ating dugo kung saan nagreresulta ng pamamaga o pagtaba ng atay.
Kaya naman kontrolin ang sobrang pagkain ng matatamis na prutas gayon rin ang candy, cake, ice cream na nagtataglay ng kolesterol at iwasan ang pag-inom ng mga softdrinks at powder juices.
Tignan ang label ng binibiling inumin at pagkain upang masigurong ligtas ang inyong atay. Sabayan na rin ito ng disiplina sa pagkain at pag-ehersisyo.
Comments
Post a Comment