Nakakalungkot, Larawan Ng Isang Security Guard Na Inuulam Lamang Ay Chitchirya Para Makatipid Para Sa Kanyang Pamilya
Alam naman natin na kahit gaano kasarap kumain ng chitchirya ay wala itong hatid na nutrisyon sa ating katawan at puro lang ito maalat. Ngunit para sa ilan na walang sapat na pera para pambili ng ulam, ay tinitiis at inuulam na lamang nila ito.
Sa isang Facebook page na Soul I Adventures ay naibahagi ang larawan ng isang security guard na nakuhanan ng netizen na si Ralph Reymond Hermano Getanes habang ito ay kumakain ng kanin at ang ulam niya ang chitchirya lamang.
Ang naturang gwardya ay naka-duty sa isang sikat na mall sa Lanang, Davao at malayo sa kanyang pamilya.
Pinaalalahanan naman ng netizen na baka magkasakit ito sa kanyang ginagawa lalo na pa't wala namang sustansya makukuha sa pagkain ng chitchirya at straight pa ang kanyang pagdu-duty. Ngunit wika ng guard na sanay na raw siya rito.
Narito ang kanilang naging usapan ni Getanes.
Netizen: Bas, chitcherya ulam mo?
Guard: Uo, Sir. Ang dami ko kasing sinu-suportahan sa Cotabato sir.
Netizen: Baka magkasakit ka niyan, straight duty ka pa naman.
Guard: Sanay na ako Sir. Di bale, baleng araw pag makatapos sila, sana hindi na ganito.
Dagdag ni Getanes na pangiti-ngiti lamang daw ang kawawang security guard ngunit ramdam niya na sa bawat bigkas niya ang kinukubling hirap at pangungulila.
Mararamdaman na malaki ang tinitiis at isinasakripisyo ng gwardya para lamang masuportahan ang kanyang naiwang pamilya sa Cotabato. Mismong ang kanyang sarili ay kaya niyang tipirin para lamang makapagtapos ang kanyang mga anak sa pag-aaral.
Kaya kung sino man ang mga sinusuportahan ni Kuya Guard ay huwag sana nilang sayangin ang kanyang pagsisikap dahil nakapalaking sakripisyo ang kanyang ginagawa.
Samantala, dahil maraming netizens ang nakabasa sa istorya ni Kuya Guard ay naantig ang kanilang puso at nais nilang magbigay ng tulong sa kanya. Sana ang lahat ng sakripisyong ginagawa ni Kuya ay may katumbas na magandang kapalit.
Source: Facebook
Comments
Post a Comment