Skip to main content

Natutulog Ng Gutom? Ito Ang 4 Na Rason Kung Bakit Hindi Ito Maganda Sa Kalugusan




Iba't iba ang pananaw ng mga tao sa kanilang pagpapayat. May nag-eehersisyo ng sobra, umiinom ng mga kapsulang pampayat, herbal na medisina, at ang pinaka-karaniwang ginagawa ng mga tao ay ang pagpapalipas ng kanilang gutom o di kaya ay hindi kumakain dahil sa tingin nila ito ang mabilis na paraan sa pagbawas ng kanilang timbang. 

Ngunit hindi nila alam na nakakapagdudulot ito ng kapahamakan sa kanilang kalusugan. Bukod dito, ang pagkagutom ay nagdudulot ng negatibong epekto sa ating kaisipan na maaaring mahirapan sa pagkatuto o kakayahang mag-isip at walang enerhiya sa mga gawain o kawalan ng lakas ng katawan. 

Pinatutunayan din ng siyensya na hindi magandang matulog ng walang laman ang tiyan o gutom. Narito ang maaaring mangyari at epekto sa katawan.

1. Nakakadagdag ng timbang
Kung sa tingin mo ang pagpapagutom sa iyong sarili ay makatutulong sa iyo para mabawasan ang iyong timbang, isang malaking pagkakamali ito. Dahil na imbes na pumayat ka ay maaaring magdulot ito mas lalong paglobo ng iyong katawan at pagtaas ng timbang. 

Maliban rito, ang pagtulog ng gutom ay nagbibigay ng dobleng kalakasan sa pananabik o kagustuhan sa mga pagkain. Kaya naman ito ang rason kung bakit mas tataas ang iyong timbang. Kaya ang mainam na gawin ay kumain pa rin ng sapat at masustansyang pagkain bago matulog. Tiyakin na magpalipas muna ng dalawa hanggang tatlong oras bago matulog.

2. Kawalan ng enerhiya

Ang pagkain ay siyang nagbibigay ng kalakasan sa ating katawan na para bang katulad ng gasolina sa mga sasakyan. Kaya naman kung hindi ka kumain bago matulog, sa iyong pag-gising kinabukasan ay makakaramdaman na kaagad ng pagkahapo  ang iyong katawan kahit na galing ka naman sa pagpapahinga.

Dahil sa kawalan ng laman ang iyon tiyan nauubos rin ang enerhiya mo sa katawan. Kung saan maaaring maapektuhan nito ang iyong abilidad sa pagtatarabaho at talas ng pag-iisp. Ayon sa sa mga mananalisik ang pagtulog ng gutom ay maaaring makapagdulot rin ng depresy0n sa isang tao.

3. Pagkawala ng muscle mass

Ayon sa mga dalubhasa, maling paraan ang pagpapagutom sa iyong sarili lalo na kung gusto mong madagdagan ang iyong kakisigan o hulma sa iyong katawan. Dahil kailangan ng ating katawan ang mga nutrisyon na mula sa pagkain upang mapalitan bilang protina na siyang mag-huhulma sa ating muscle.

4. Hindi maayos na tulog/ disturbed sleep

May mga pagkakataon na sa sobrang pagod sa trabaho ay gusto na lamang nating humiga at matulog kahit hindi pa kumakain. At dahil sa kagustuhang makapagpahinga ay pinipilit na lamang na matulog kahit na kumakalam ang ating sikmura. 

Ngunit ang sitwasyon na ito ay hindi nakabubuti sa atin dahil mas lalo itong magdudulot ng hindi maayos na pag-tulog at pinalalakas pa nito lalo ang kagustuhan at kasabikan sa pagkain.

Comments

Popular posts from this blog

7 Benepisyo Ng Pagkain Ng Langka Sa Ating Katawan!

Ang langka   ay isang prutas na kilalang-kilala sa Pilipinas dahil sa lasa at kakaibang amoy nito at karaniwang iniluluto na minatamis o ginataan. Ang prutas na ito ay mayaman s bitamina, mineral, at anti-oxidants na maganda para sa ating katawan.  Marami sa atin ang madalas magluto ng langka dahil sa matamis at masarap nitong lasa. Alam niyo ba na hindi lang ito masarap, ito rin ay isang halamang gamot na panlaban sa iba't ibang karamdaman at nakakapagbigay ng maraming health benefits. Narito ang mga importanteng benepisyo ng pagkain ng langka! 1. Nagbibigay proteksyon sa colon Dahil sa taglay nito anti-oxidant properties, kaya nitong bigyan ng proteksyon ang colon o bituka. Ito rin ay punong-puno ng fibers na kaya linisin ang iyong bituka upang ikaw ay makadumi ng maayos.  2. Proteksyon sa mata Ang langka ay mayroong bitamina A na isang nutrient na kailangan ng ating mata. Nakakatulong din itong iimprove ang iyong paningin ...

Tips Para Tanggalin Ang Pumasok Na Langgam/Insekto Sa Loob Ng Tenga

Naranasan niyo na bang mapasukan ng insekto o ng langgam sa tenga? Napakasakit talaga nito at hindi ka mapapakali. Bukod sa nakakarinig ka ng parang may naglalakad o pumuputok na tunog sa loob ng inyong tenga. Minsan ay maaari ka pang makagat sa loob o mawalan ng pandinig. Kaya narito ang mga tips kung paano tanggalin ang nakakairitang langgam o insekto na pumasok sa iyong tenga: 1. I-wiggle o galaw galawin ang tenga Subukang galaw-galawin o i-wiggle ang apektadong tenga. Sa paraang ito, maaaring mahulog ang insekto papalabas. 2. Patakan ng langis o baby oil Ang langis ay makakapagpigil sa paggalaw ng insekto o langgam papaloob sa tenga. 3. Patakan ng kaunting tubig Gamit ang dropper o bulb syringe, patakan ng kaunting tubig ang loob ng tenga upang malunod ang insekto. Galawin ang ulo at tenga para lumabas ang tubig. 4. Pahiran ng butil ng asukal ang labas ng tenga Ang matamis na amoy ng asukal ay pang-aakit sa langgam upang lumabas. 5. I-...

7 Nakakamanghang Benepisyo Ng Paglalagay Ng Yelo o Ice Cube Sa Mukha Para Pampaganda

Dala ng mainit na panahon at matinding sikat ng araw, hindi maikakaila na ang ating balat ay nagsisimulang maging mukhang stressed at dull. Dahil dito, ang pagpahid ng ice cube o yelo sa mukha ay nakaka-refresh sa pakiramdam.  Kapag araw-araw ay nakakaranas ng stress ang iyong mukha at balat, ang ice facial ay makakatulong sa iyo upang maibalik ang dating glow ng mukha. Narito at alamin ang benepisyong hatid nito kaya naman nagiging beauty trend ito. 1. Nakakapagpaliit ng pores Kapag mainit ang panahon, ang ating mga pores sa mukha ay naka-open. At kung palaging ganito ang sitwasyon, mas maraming dumi ang kumakapit sa ating mukha at maaaring siyang maging dahilan kung bakit tinutubuan ng tigyawat. Ang pagpahid ng ice cube sa iyong mukha matapos itong hugasan ay nakakatulong upang mapaliit ang iyong mga pores at maiwasan ang pag-accumulate ng dumi. 2. Ibinabalik ang glowing skin Lahat naman ay ninanais na magkaroon ng makinis at glowing skin. At an...