Ang pagkakaroon ng oily skin o malangis na mukha ay maaaring isang beauty problem. Nagiging ganito ang balat dahil ang sebaceous glands ay over-active at nagpo-produce ng sobrang sebum, ito ay ang parang langis na lumalabas sa mukha. Ito ay isang nagiging problema dahil maaaring magdulot ito ng skin problems gaya ng acne, blackheads, whiteheads, malalaki at baradong pores. Narito at alamin ang tungkol dito at paano maiwasan! BAKIT NAGKAKAROON NG OILY SKIN? Genetics/ namamana Sobrang paggamit ng mga beauty products Pagbabago ng panahon Hormonal changes Stress Maling gamit ng skin care products Vitamin deficiency MGA PARAAN PARA MAWALA ANG OILY SKIN 1. Cleansing Ang deep cleansing ay kailangan ng iyong balat upang magkaroon ng healthy skin. Hugasan ang iyong mukha ang mild cleanser at maligamgam na tubig 3 beses sa isang araw upang matanggal ang excess oil at hindi magbara ang mga pores. Pagkatapos nito banlawan gamit ang mala...
Giving you the juiciest updates available anytime, anywhere.