Napakaraming iba't ibang klase ng pagkain sa buong mundo. Kung iisipin, bawat bansa, relihiyon, at lahi ay may kanya-kanyang pagkain. Maging ang bawat isa sa atin ay may kanya-kanya ring sariling 'taste' pag dating sa pagkain. May pagkaing mura, may pagkaing mahal. Narito't tatalakayin sa artikulong ito ang mga pinakamahal na pagkain sa buong mundo na talaga namang malulula ka presyo at maaaring ngayon mo pa lang makikita! 1. Matsutake Mushrooms Ang mga mushrooms, magkakaparehas man ang itsura ay may kanya-kanya ring klase. Isa na rito ang pinaka 'rare' na mushroom, ang matsutake mushrooms na native sa bansang Japan ngunit malimit ding makita sa ibang Asian countries. Ang presyo ng mga ito ay umaabot sa halagang $600 kada kilo o higit Php30,000. 2. Kopi Luwak Coffee Hindi mo aakalain ang proseso sa paggawa ng kapeng ito. Itinuring itong pinakamahal na kape sa buong mundo na may presyo mula $250-$1200 kada kilo (Php13,000-Php63,00...
Giving you the juiciest updates available anytime, anywhere.