Kapag nagbabawas ng timbang, hindi ibig sabihin na kailangan ay pagkagastusan mo ang iyong kinakain. Hindi rin ibig sabihin na huwag ka nang kumain para lamang ikaw ay pumayat. Ang tamang pagdi-diyeta ay pagkain pa rin ng mga masusustansyang pagkain. Narito ang mga karaniwang pagkain na maaaring kainin kung nais mong mag-diet at magpapayat. 1. Kamote Ang kamote o sweet potato ay magandang pagkain ng mga nais magpapayat at magbawas ng timbang. Ito kasi ay nutrient-dense at makakatulong na pabusugin ka ng mas matagal na hindi nakakapagpadagdag sa iyong timbang. Marami rin itong taglay na bitamina, fiber at potassium. Ngunit siguraduhin lamang na kainin ito ng walang halong gatas o asukal. 2. Maberdeng dahon na gulay Kung nais pumayat, damihan ang pagkain ng maberdeng dahon na gulay. Bukod sa nakakapagpaliit na ito ng waistline dahil mababa sa calories ay mayaman pa ito sa bitamina at mineral. Mas mura na ito, madali pang makakita sa tabi-tabi tul...
Giving you the juiciest updates available anytime, anywhere.